Chapter 34

320 10 5
                                    

Sky POV,

"Sky let's go, hinintay na tayo ni L1." Lumingon ako kay Blue na ngayon ay naka silip sa pinto. Bumaling ulit ako kay White na nakahiga sa kama at maraming wire na naka konekta sa katawa nito. Nababalot ito ng puting tela kasama ang kanyang mukha. Natapos na siyang operahan para maibalik ang totoo nitong mukha.

Ngayon pupunta ako sa Thailand para asikasuhin ang organization ni White na kahit ako hindi makapaniwala na galing siya sa royal family si White. Kahit ibang agent sa TDR ng malaman nila ito hindi sila makapaniwala.

Mas lalo pa kung nalaman nila ang kay Saya at Slyde pero alam ko sa tamang panahon na ito sasabihin ni Slyde.

"Susunod ako." Sagot ko kay Blue, naramdaman ko nalang na sumarado ang pinto. Tiningnan ko si White na nakaratay sa loob. Patawarin mo ako White, patawad sa pagkukulang ko sayo.

Patawad kung pinabayaan kita, patawad kung binaliwala ko ang pag-ibig mo. Kasalanan ko ang lahat kung bakit mo ito sinapit. Kasalanan ko ang lahat, kung sana minahal na kita noon pa.

Nagpaloko pa ako, ito na siguro ang karma ko. Karma ko dahil pinabayaan kita. Patawad White. Pinapangako ko na magbabayad sila sa ginawa nila sayo. Ako mismo ang papatayin sa kanila para sayo. Ipaghihiganti kita White, kahit na si Mia pa ang papatayin ko gagawin ko para sayo. Parang awa mo na magpagaling ka, ikaw nalang ang meron ko. Huwag mo naman akung iwan, marami kang maiiwan na nagmamahal sayo. Kaya lumaban ka, kung kinakailangan na ako ang lumaban para sayo gagawin ko.

Buhay man ang kapalit White, ibibigay ko maging ligtas ka lang. Dahan-dahan akung tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. Hintayin mo ako, babalik ako dito. Maingat kung sinarado ang pinto at pumunta sa rooftop ng mansion ni L1.

Ng makarating ako doon, ako nalang ang hinihintay nila. Sumama si Grey, Blue at Knight sa amin kasama si L1 at Slyde.

"Makakarating tayo sa Thailand ng mas maagad kaya bilisan mo!" Sigaw ni Slyde sa akin, inirapan ko lang ito at unakyat sa plane ni L1. Ng makapasok kami kaagad na itong umangat at mabilis na lumipad.

"Si A ang nagpapalipad ng eroplano, may mga sumusunod sa atin incase na may umambush sa atin. Nalaman na ng Hayubusa ang totoo kaya mainit tayo sa paningin nila. Hindi na si White ang habol nila kundi ang Dragon League." Hindi ako lumingon kay L2 habang nagsasalita ito, nakai lang ako sa labas habang nakikinig sa kanila.


"White organization is composed of 100 plus assassin." Doon na ako napatingin kay L1. "110 silang lahat, ang sampu sa kanila ay ang guardian niya. Sila na ang mga anak ng dating guardian ng ama at ina niya. Ang natira naman ay ang iba niyang alagad na sinanay ko. Nasa twenties ang edad ng mga alagad ni White, mga anak na sila ng dating alagad ng ama at ina nito. Magagaling pakikipaglaban ang mga ito, kaya Sky ayusin mo ang paghawak sa kanila. For now, sayo sasama ang guardian niya. Si Keizer naman sa TDR sasama. Nakaabang na sila sa pagdating natin." Mahabang Saad ni L1, kaagad na napa lunok ako sabay ng pagsalita ni Grey.


"You mean, kay Sky sila susunod?" Kaagad na tumango si L1.

"Yes, sinabihan ko na sila. Simula mamaya, wala na akung karapatan sa kanila. Si Sky na ang susundin nila, kahit na ano ang sabihin mo sa kanila kaya nilang gawin. Ang guardian na sinasabi ko ay mga lalaki sila, kagaya sila nina A. Pero sa oras na bumalik na si White, kay White na sila susunod." Pagkatapos magsalita ni L1 tinignan ako nito.

"For Ayesha, ikaw na ang bahala sa kanya Sky. Dragon League na ang bahala sa Hayabusa, after all Mafia's ang tutulong sayo. Kapag nagising si White at buhay pa si Ayesha silang dalawa ang magtutuos, lalo na ng pinatay niya si Ian. Sigurado ako na papatayin ka ni Ayesha para masaktan si White ng husto kagaya ng nangyari sa kanya. Hayabusa order to kill my fiancee kaya ginaya ko rin ang ginawa nila, I order White to kill Ian and Ayesha." Saad ni L1 at tumawa ito ng nakakaluko. "Ngayon palang nag-uumpisa ang pagtutuos namin ng Hayabusa, makikipaglaro ako sa kanila." Demonyo ang nakikita ko kay L1, binalot na ito ng galit. Na kahit sino papatayin niya. Ibang nilalang na ang kaharap namin ngayon.  Ramdam naming lahat ang galit nito.


The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon