Chapter 14

522 14 0
                                    

White POV,

Ng makapasok ako sa kwarto ko kaagad akung nahiga sa kama. Nandito ako sa Pilipinas kakauwi ko lang kanina galing Hong Kong, at hanggang ngayon sumasakit parin ang ulo ko.

Simula ng makabalik kami dito hindi na ako nag tanong sa kanila tungkol sa babaeng iyon, wala din naman akung makukuha na sagot kanila.

Ngayon na nandito na ulit ako sa Pilipinas hindi maiiwasan na magkikita kami ng mga kaibigan ko. Alam ko, alam na nila ang nangyari sa amin ni Sky.

Kahit na medyo masakit ang ulo ko, nagpalit ako ng damit at kinuha sa drawer ko ng susi ng aking Ducate, mabilis kung sinuot ang jacket ko at bumaba.

Nandito sa bahay ko ang tatlo, nabalitaan kasi namin na nandito ulit si Ian, ngayon na nakuha ko na ang ibang papeles sa Hong Kong malapit ko ng mahuli ang gagong iyon.

"Aalis muna ako, babalik ako mamaya kayo na ang bahala sa bahay ko." Wika ko, kaagad naman akung tinignan ni A.

"Be careful White, call us if you need help." Mahinahong wika ni A ngumiti ako sa kanya tsaka tumango, ngumiti narin sa akin ang dalawa.

Tumalikod ako at pumunta sa parking lot ko, mahigit isang buwan ko naring hindi nagamit ang mga sasakyan ko. Hinila ko ang nakatabon sa Ducate ko at mabilis na sumakay dito sabay suot ng helmet.

Walang alinlangan na pinaharurot ko ito papunta sa malapit na mall. Kamusta na kaya sila, alam ko nagtataka sila sa biglaang pagkawala ko.

I'm sorry girls. Sana maintindihan niyo ako, maayos na ang buhay nila, sa aming lima aking buhay nalang ang  magulo. Panahon na siguro para ayusin ko ito, but first I need to end this shit!

Ng marating ko ang mall, mabilis akung bumaba at dumiritso sa grocery. Bumili ako ng ilang piraso ng chocolate at ice cream. Ng mabayaran ko ito, kaagad naman akung umalis, at dumiritso sa TDR.

Wala sa plano ko ang pumunta sa TDR pero kailangan kung kausapin si Kuya Slyde. Bahala na mamaya.

Mahigit isang oras akung nasa byahe bago ako nakarating sa TDR. Papasok palang ako sa gate dumapo na ang tingin sa akin ng mga agent.

Hindi ko nalang ito pinansin, nag park lang ako at hindi sila pinansin. Kumakabog ng malakas ang puso ko habang naglalakad ako, maraming mata ang nakatingin sa akin walang nagtangka na tanungin o kausapin ako.

Marami na ang nagbago sa akin, umikli ang buhok ko hanggang balikat at iniba ko narin ang kulay nito. My hair is dark blue, kaya siguro sila nakatingin sa akin.

Sa paglingon ko dumapo ang mata sa lalaking nakaupo sa bench habang nakatingin sa akin. Tinignan ko siya gamit ang malamig kung titig.

It's Air, kakaibang tingin ang pinupukol nila sa akin tingin na hindi ko mabasa, ako na mismo ang nag iwas.

Paalis na sana ako ng bigla niya nalang akung hinila. Wala akung nagawa kundi ang harapin siya.

"Now what?" Malamig kung saad, nakita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko.

"Where have you been White? Hinanap ka namin, saan ka galing?" Kinagat ko ang labi ko at hinila ang kamay ko.

The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon