Chapter 42

249 7 0
                                    

Sky's POV,

Kaagad akung napabangon ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Ayesha kasama ang mga alagad niya. Nakita ko kung paano matakot ang mga kasama ko sa kulungan dahil sa pagdating niya.


Pinukol ko ito ng masamang tingin habang siya naman nakangisi lang habang nakatingin sa akin.




"Masarap ba ang niluto ko Sky? Para sa iyo iyon." Malambing na saad nito pero nandidiri ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Sa dalawang araw ko dito halos isuka ko na ang mukha niya.





"Ibigay mo nalang sa kanila ang niluto mo Ayesha, kahit ano kakainin ko hindi lang ang niluto mo." May diing sagot ko sa kanya at tumayo sa loob ng selda, tinignan ko ito sa mata. "Pakawalan mo na sila Ayesha, ako nalang ang ikulong mo dito." Ngunit kaagad itong umiling sa sinabi ko.






"Hingin mo na lahat pero hindi ko ito maibibigay Sky. Malapit na ang kasal natin kaya umayos ka, wala akung pakialam sa mga bilanggo na nandito. All I care is you." Saad nito at kinindatan ako. "I'm so lucky to have you Sky." Napakuyom ako ng kamao ko dahil sa kanya. Nagtitimpi lang ako sa babaeng ito. Kung wala lang si White hindi ako magdadalawang isip na isama sa hukay ang babaeng ito.






"Hindi ako magpapakasal sayo!" Malakas kung sigaw ngunit makapal ang mukha ng babaeng ito, walang hiya!





"Pinalit mo ang sarili mo dito sa mga walang kwentang agents na iyon Sky kaya akin kana! Akin kana simula ngayon! Ikaw ang papalit kay Ian!" Malakas na sigaw na naman nito bago ngumisi ulit. "Ako nalang Sky, pangit na si White. Nasunog na ang mukha niya kaya pangit na siya. Mamahalin kita Sky." Umiling ako sa kanyang sinabi, iba ang plano ko ng ipinalit ko ang sarili ko kina Flame dito. Alam ko na kukunin nila ako, my guardians will save me.






"Dragon League will surely save me." Malamig na turan ko sa kanya kaagad na nanlilisik ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Kakaibang galit ang unti-unting bumabalot sa mukha nito. "You know me Ayesha, I'm not a Mafia's without nothing. Baka nakalimutan mo na isa ako sa Alpha ng Mafia's." Kaagad na hinugot nito ang baril na nasa beywang ng alagad niya at tinutok sa akin.




"Papatayin ko ang Dragon League Sky! Papatayin ko silang lahat! Hindi mo kilala kung sino ako! Subukan lang nilang pumunta dito at sisiguraduhin ko na sasabog sila bago pa makalapit! Kung papatayin nila ako isasama kita!" Hindi na ako nagulat sa sigaw at banta nito. Marunong lumaban ang Dragon League at Mafia's kaya may tiwala ako sa kanila.





"Hindi sila mga bobo Ayesha para hindi lumaban. You don't know them!" Sigaw ko at hinawakan ang rehas. "Hintayin mo ang karma mo, may kalalagyan ka din. Kahit patayin mo ako hindi ako magpapakasal sayo! Isang maling pagkakamali na kinulong mo ako dito! Ito ang tatandaan mo Ayesha ako mismo ang papatay sayo!" Kahit barilin niya pa ako hindi ako natatakot sa kanya. Matagal ng nasa hukay ang kabilang buhay ko, sa buhay na meron ako  hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon.




"Walang hiya ka! Kunin siya at pahirapan!" Malakas na sigaw nito, kaagad namang binuksan ng alagad niya ang pinto ng selda at pabalang akung hinila palabas. Hindi na ako lumaban sa kanila, mapapagod lang ako kapag lamaban ako.  Saktan na nila ako dahil wala akung pakialam. Kaagad akung pinadapa sa harapan niya. "Dapat sayo Sky tinuturuan ng leksiyon, iniingatan kita dito pero ang tigas ng ulo mo." Saad ni Ayesha at lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang pingi ko. Mabilis kung tinapik ang kamay nito.




"Mas mabuti pa na saktan mo ako Ayesha, I don't fuckin need your pity!" Sigaw ko sa pagmumukha nito, mabilis na dumapo ang kamay nito sa pingi ko. "Lakasan mo!" Sigaw ko, walang alinlangan na malakas ako nitong sinampal.





"Walang hiya ka Sky! Latiguhin siya!" Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya, iyan lang ba ang gagawin nila sa akin? Mas matindi pa dito ang dinanas ko.




Narinig ko ang tunog ng latigo na hinahampas sa semento at hindi nga nagtagal dumapo na ito sa likuran ko, masakit pero kaya kung tiisin. Kahit mag ilang latigo pa sila sa akin kakayanin ko pero darating ang araw na isa-isa kung puputulin ang mga ulo nila sinisigurado ko na lilipad sa buong mansion na ito ang bungo nila. Mapakasawa sila sa pananakit sa akin, darating ang araw na sisingilin ko kayo.




"Sabihin mo na magpapakasal ka sa akin at ipatitigil ko ang paglalatigo sayo!" Itinaas ko ang tingin ko kay Ayesha at nginisihan ito ng nakakaluko.




"Kahit lahat pa kayong lumatigo sa akin dito, hinding-hindi ako magpapakasal sayo! Hintayin mo ang araw mo Ayesha, sinisigurado ko sayo na gagapang ka sa lusak! Sisingilin kita ng buhay mo!" Sigaw ko sa pagmumukha nito. Kaagad itong tumayo at walang alinlangan na sinipa ako sa dibdib ng malakas.





"Hayop ka Sky! Kung inaakala mo na maluluko mo ako nagkakamali ka! Kahit na nakatakas ang mga hayop na agent ng TDR mapapatay ko din naman sila! Sisiguraduhin ko na magpapakasal ka sa akin! Baka gusto mo isama ko ang kakambal mo!" Kaagad na nabingi ako sa sinabi niya ng marinig ko ang kambal ko. Medyo nakaramdam ko ng takot para sa kambal ko.




Akmang babangon ako ng apakan ng alagad niya ang likuran ko. Nakaramdam ko ng hapdi sa likod ko at pagbasa nito na sigurado ako ay dugo ko iyon.




"Don't you dare Ayesha! Labas ang kambal ko dito!" Sigaw ko pero humagalpak lang ito ng tawa.




"Pagsasamahin ko kayo dito Sky! Hintayin mo ang kakambal mo! Sinisigurado ko na kayo ang gagapang sa lusak!" Malakas akung umikot at sinipa ang lalaking umaapak sa likod ko. Kaagad itong natumba sa semento. Mabilis akung bumangon at tinignan si Ayesha.



"Bago mo makuha ang kakambal mo bangkay kana Ayesha. Sinisigurado ko sayo na papatayin ka niya! Hindi mo kilala ang kinakasama ng kakambal ko Ayesha, kaya ka niyang ilibing ng buhay! Isang pagkakamali mo at sinisigurado ko sayo na mamamaalam ka sa kinalalagayan mo!" Saad ko bago linapitan ito at idinuro. "Makikita mo." With that tinalikuran ko ito at pumasok mismo sa selda kung saan ako nakakulong ngunit bago iyon malakas kung sinipa sa mukha ang lalaking lumalatigo sa akin kanina.  

Kaagad na dumugo ang nguso nito dahil sa pagsipa ko. "Sa susunod lakasan mo ang paglatigo sa akin gago!" Nagbabaga ang mga nitong nakatingin sa akin ganon din si Ayesha, walang alinlangan itong lumabas sa silid kasama ang alagad niya.



Ng tuluyan na silang makalabas kaagad akung naupo sa kama at maingat na hinubad ang damit ko. Maraming dugo ito at nag-uumpisa ng humapdi ang mga sugat ko.




"Kung ganon isa ka nga talagang Mafia's." Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang selda habang nakatingin sa akin. "Parang wala lang sayo ang ginawa nila, nagawa mo pang lumaban." Dagdag pa nito.




"Kaya ko ang sarili ko." Malamig kung saad bago kumuha ng towel sa mesa na nandito. Kaagad ko itong tinignan na nakatingin sa akin.





"May pagkakataon kana sanang patayin sila! Sana pinatay mo na sila!" Doon naman ako napatingin sa lalaking sumigaw sa akin sa kabilang selda.





"May kailangan pa ako." Maikling sagot ko bago humarap sa salamin at dahan-dahan na pinunasaan ang sugat ko at nilagyan ng gamot.






"Sinayang mo ang pagkakataon mo!" Tinignan ko ng masama ang lalaking sumigaw sa akin.





"Kung ayaw mo na ikaw ang isunod ko sa mga namatay dito itahimik mo ang bunganga mo!" Sigaw ko kaya napatahimik ito. "Who the hell are you para sigawan ako!" Umalingawngaw ang malakas kung boses sa loob ng kulungan, walang sumagot ni isa sa kanila.






Napapikit ako habang pinapakalma ang sarili ko. Binaba ko ang pride ko para kay White, para sa kanya. Wala akung hinahayaang tao na manakit sa akin. Ang galit ko tagos sa puso, humanda kayo sa akin. Humanda kayo!


The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon