Chapter 40

278 6 0
                                    

Sky POV,

Napatingin ako sa mataas na pader habang  hawak-hawak ko ang baril ko. Alam ko na nandito sila sa loob at nakikita nila ako. Nilingon ko si Air na nasa tabi ko at nakatingin din ito sa itaas.

"Hindi ito ang main base ng Hayabusa Sky, pakiramdam ko isa lang to sa mga base nila." Tama hindi ito, maliit ang islang ito para maging base nila.


"I know, at sigurado ako na nasa loob si Ayesha." Saad ko at tumingin sa itaas ng pader. Biglang bumukas ang mataas na gate at bumungad sa amin ang napakalawak na lugar. Nagkatinginan kami ni Air bago pumasok sa gate, pagkapasok palang namin kaagad na itong sumarado. Maraming armadong lalaki ang sumalubong sa amin, nakatutok ang mga barel nila sa amin pero hindi ako kinakabahan sa ginagawa nila.

"Nasaan si Ayesha." May diing saad ko at nagkatinginan sila. Ngunit walang sumagot sa kanila. Itinaas ko ang barel ko at binaril ang lalaking nakatayo sa itaas ng mansion at may hawak na sniper, sinunod ko ang lalaking nakatayo sa dulo nito. "Where is your boss." Malamig na saad ko kasabay ng pagbagsak ng lalaking naka tayo kanina sa mansion. Nakangisi ito habang masaganang dugo ang lumalabas sa bungo nito.




"Masyadong malakas ang apog mo binata, kamatayan ang pinunta mo dito." Kaagad akung napatingin sa nagsalita at isa itong matandang lalaki habang may limang lalaki sa likod nito. "Sino ka para pumasok dito!" Tumaas na ang boses nito kaya napaigtad ang mga kalalakihan na nakatayo sa paligid namin.

"Ngayon palang ako nakakita ng lalaking ganyan kalaki ang ulo Sky." Gusto kung matawa sa sinabi ni Air pero pinigilan ko ang sarili ko. Tama naman siya, malaki nga ang bungo ng lalaking ito.


"Shut up Air kung ayaw mo na mamatay dito." May diing saad ko na siya lang ang makakarinig. Kaagad naman nitong tinikom ang bunganga niya.



"Alagad kaba ng hinayupak na si L1?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nito at nginisihan.


"Masyado akung magaling para maging alagad niya. Nandito ako para kunin ang binihag niyo, ibalik niyo sila sa akin." Saad ko sa malamig na boses. Kaagad namang napangisi ito.




"Kung ganon bakit mo sila kukunin? Sa Dragon League sila kaya wala ka ng pakialam sa kanila." Kung ganon hindi nila alam na agent ang mga nahuli nila. Wala silang kaalam-alam na mga agent ito ni L3.



"Mga kaibigan ko sila." Sagot ko sa kanya, kaagad namang naningkit ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Kakaibang tingin ang pinupukol nito sa akin.





"Your not a Dragon League." May diing saad nito at dahan-dahan na lumapit sa akin. Kakaibang tingin ang pinupukol nito sa akin papalapit ito ng papalapit.





"I'm not." Saad ko at hinugot ang samurai na nasa likod ko. Kaagad gumalaw ang mga alagad nito sa kanyang likuran at tinutukan ako ng baril. Bigla itong napatigil sa paglapit sa akin dahil sa ginawa ko. "Realise my friends or else I will cut off your tongue." With that pinaikot ko ang samurai na nasa kamay ko. Kaagad itong nahanga sa ginawa ko.




"Hindi ako naniniwala na simpleng lalaki ka lang, may kakaiba akung nakikita sayo. Kakaibang aura na hindi ko nakikita sa pangkaraniwang tao. Sigurado ako na isa sa mga Dragon League ang nag-utos sayo. Those moves, hindi ito magagawa ng pangkaraniwang tao." Ako naman ngayon ang napangisi sa sinabi niya. Magaling pala kumilatis ang lalaking ito.




"Nagsasawa na ako sa boses mo, pakawalan mo na sila." Ngayon napunta naman ang atensiyon nito kay Air. Kaagad itong tinaasan ng kilay ni Air.





"At ano ka naman?" Seryosong tanong sa kanya kaya nginisihan niya ito. Tanginang Air, kaya pala disaster din ang mission nito.




"Tao ako malamang." Napahawak ako sa bibig ko ng muntik na akung tumawa ng malakas dahil sa sagot nito. Tama naman si Air.






The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon