Chapter 36

256 8 2
                                    

Sky POV,

Habang pababa ako ng helicopter sinalubong na ako ng ibang guardian. Nandito kami sa gitna ng kagubatan kung saan nasa ibaba nito ang kinaruruonan ni Ayesha. Sigurado ako na nagluluksa pa ito sa pagkamatay ni Ian. Kung sana naging mabuting tao lang ito, pero hindi.



"Sky!" Kaagad akung napabalikwas ng marinig ang boses ni Blue, naka mask pa ito habang palapit sa akin.




"Masyadong delikado kapag papasok tayo, hindi tayo makakalabas agad kapag pinasabog ang buong silid. We only have fifteen minutes. Maniwala ka delikado." Napabuntong ako dahil sa sinabi niya, alam ko na delikado sa loob nito. Pwede kaming mamatay dito.




"Ang guardian ang unang papasok sasabay ako sa kanila. Maiwan ka nalang dito." May diing saad ko pero napataas ang kilay nito at nginisihan ako.




"Gago kaba? Sa tingin mo papayag ako? At bakit naman kita iiwan?" Hindi na ako nagulat sa sinabi nito, simula palang noong bata kami magkarugtong na ang mga bituka namin. Blue is a good brother. Mawawalan na ako ng pag-asa sa buhay kapag pati siya mawawala sa akin.




"Young Master, naayos na namin ang lahat." Hindi na ako nakasagot kay Blue ng dumating ang isang guardian. Tanging nginti nalang naging tugon ko sa kanya.





"Prepare the other guardian papasukin natin sila." With that kinasa ko ang barel ko at kinabit ang rapel sa katawan ko at nauna ng pumasok sa malaking butas na nasa lupa. Mabilis akung bumulusok pababa.

Masyadong malalim ang naging butas nito sa lupa, sino ang mag-aakala na nasa ilalim ng lupa ang pinagtataguan nila. Mautak don si Ayesha.


Tumingin ako sa itaas ng makalapag ako sa ibaba, madilim dito sa ilalim tanging sinag lang ng araw ang nakikita ko mula sa itaas.



"I'm fine, sumunod na kayo." Kaagad kung wika sa aking earpiece, walang alinlangan na tumalon ang mga guardian ng marinig nila ang boses ko. Napatingin ako sa inaapakan ko, mabasa at malapot ito. Maraming dugo na nakakalat sa paligid at kitang-kita ko ito dahil sa ilaw na nasa ulo ko. Ng makalapag ang mga guardian kaagad nila akung tinago sa likuran nila.




"Kami ang unang papasok young master, your safety is our first priority." Hindi na ako nagulat, kaya nilang ibuwis ang kanilang buhay para sa akin. Ito ang mga totoong alagad. Inayos ko nalang ang bullet proof na nasa katawan ko, kasabay doon ay ang pagbaba ng ibang Mafia's at DG.





"C'mon Red! Bumalik kana sa itaas!" Doon ako napatingin sa likod ng narinig ko ang malakas na sigaw ni Blue kay Red.




"I can manage my self Blue, nandito ka naman." Narinig ko ang munting tawa ng iba dahil kinindatan pa ni Red si Blue bago ito lumapit sa mismo at sinuot ang kanyang maskara.




"Let her Blue, remember she's a DG." Saad ni Grey at tinapik ang balikat ni Blue si Knight naman na natatawa nalang, ng tignan ako ni Blue nginisihan ko ito at tumalikod. Masyadong mahal ni Blue si Red kaya ito. Hindi na makatanggap ng mission si Red dahil bantay sarado ito ni Blue.






"Sky's guardian will enter first." Dahil sa sinabi ni Knight kaagad na tumango ang mga guardian. Dahan-dahan nilang tinulak ang metal na pinto at kaagad na sinira ang lock nito. Isang napaka dilim na pasilyo ang sumulubong sa amin. Para itong tunnel at maliit lang mga ilaw. Masangsang na amoy ang kaagad naming nalanghap.



"Damn! Anong amoy yon!" Kaagad na matalim na tingin ang pinukol ko kay Blue dahil sa ingay nito. Tangina! Napailing nalang ang ibang kasahaman namin dahil sa kanya.




The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon