Chapter 47

286 8 0
                                    


White POV,

Nakatingin ako kay Sky na kinukuha ang ibang gamit nito upang umuwi muna sa Pilipinas. Nandito kasi siya sa Thailand. Dalawang linggo siya dito Thailand kaya uuwi na siya dahil kailangan na siya sa Pilipinas. Simula ng ma freeze na si Ayesha dito siya umuwi sa Thailand and hindi sa Pilipinas.



"Babalikan kita White." Wika nito at hinawakan ako sa kamay. Wala naman akung magagawa dahil nandoon ang kanyang nga kompanya at bahay. Hindi pwedeng dito lang siya sa akin. Kahit na labag sa loob ko ang pag-alis niya ayos lang.






"I'm sorry, gusto lang naman kita makasama Sky. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama kita ng matagal Sky. Hindi mo ako masisisi dahil sobrang mahal kita, marami akung kasalanan sayo kaya handa akung pagbayaran ito sa abot ng makakaya ko. Alam mo kung gaano kita ka mahal Sky, at ngayon lang ako nakaranas nito. Ang minahal ng lalaking mahal ko." Naiiyak kung saad sa kanya habang nakayakap ako kay Sky. Hinimas nito ang likod ko habang mahigpit ang yakap ko sa kanya.




"Don't cry White, babalikan kita dito at magpapakasal pa tayo. Remember?" Kaagad akung tumango at tinignan ang singsing na binigay niya sa akin. For now hindi lang ako babae ni Sky, I'm his fiance now. Malaki na ang puwang ko sa kanyang buhay.





"Kung sumama nalang kaya ako sayo Sky?" Biglang saad ko, kaagad na humiwalay sa pagkakayakap ko si Sky at tinignan ako ng nakataas ang kilay.





"White, marami ang trabaho mo dito. Remember your a princess, kakabalik mo lang sa position mo. Kailangan ka ng Crainos dito, babalik naman ako dito. After all dito naman tayo magpapakasal." Sagot nito, umiling ako at yumakap ulit sa kanya.





"Akala ko kaya ko na dito tumira sa Thailand Sky pero hindi pala, uuwi ako sa Pilipinas at doon titira. Aayusin ko lang ang mga dapat ayusin dito, pupunta lang ako dito kapag kailangan. Hindi ko kakayanin na ako lang ang nandito habang nasa Pilipinas ang mga kaibigan ko." Saad ko sa kanya, kaagad itong napabuntong hininga at hinawakan ako sa pisngi. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Sky habang nakahawak ito sa akin.



Hindi ko lubos maisip na darating kami sa puntong ito ni Sky. Hindi ko lubos maisip ang buhay na naghihintay sa akin. Sino ang mag-aakala na ito pala ako, ang totoong buhay na may roon ako.


Akala ko noon wala na akung kinabukasan, na wala ng buhay na para sa akin. Pero nagkamali pala ako, itong buhay ang naghihintay sa akin. Sinabi na sa akin lahat ni L1, alam ko na ang puno't dulo ng buhay ko.

Noong una hindi ako makapaniwala pero wala akung magagawa dahil ito ang totoo. Kahit na ang kapatid ko ay ito ang sinasabi sa akin. Ilang araw akung tulala ng malaman ko ang totoo isabay mo pa na nakuha ni Ayesha si Sky. Naging kalbaryo ko ang pagkawala ni Sky.






"Kahit ano pa ang pasya mo White nandito lang ako para sayo. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit na umalis ako sa tabi mamahalin kita kahit saan man ako mapunta." Napaluha ko sa sinabi ni Sky, ang mga salitang iyon ang pinangarap ko mula sa kanya. Ang mga salitang matagal ko ng inaasam na sabihin niya sa akin. Kahit na ilang beses niya pa itong sabihin sa akin hinding-hindi ako magsasawa.






"Siguraduhin mo lang Sky dahil malalagot ka sa akin kapag may babae ka!" Kaagad itong napangiwi ng sumigaw ako. "May mga mata ako sa paligid mo kaya umayos ka! Baka wala pa ang kasal natin wala ka ng kamay." Mas lalo itong napangiwi sa sinabi ko sabay lunok.




"Ako na naman ngayon ang under? Sige lang ayos lang sa akin." Saad nito at inirapan ako sabay kuha ng kanyang bag. Walang alinlangan na sinipa ko ang binti nito kaya napahiyaw ito sa sakit.




The Mafia's: Briefest Love (Series 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon