SHANNA'S POV
Nakatingin lang ako may Axel habang nagsasalita siya.
"Ano bang ginawa mo sa akin at nahihirapan akong huminga sa tuwing nakikita kitang kasama si Kyle? At natatakot akong mas lumapit sayo, na mas maging malapit sayo dahil natatakot ako na mapalitan mo siya pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya, dahil pakiramdam ko nahuhulog na ako sayo."
"Axel. May klase pa tayo." Mahinang bulong ko. Kinakabahan kasi ako sa sinasabi niya, at naiisip ko yung sinabi ni Kyle.
"I dont care. I'm here to clarify this feelings of mine." Sabi niya. Gusto kong alisin yung tingin ko sa mga mata niya pero parang mas lalo pa akong hinahatak nito para tumingin dun.
"A-axel." Mahinang bulong ko. Gusto kong magmakaawa na pakawalan na niya ako pero tanging pangalan niya lang yung nasabi ko.
"Whats happening here?" Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Kyle habang nakapamulsa. Inalis na din ni Axel yung nakatukod niyang braso sa akin at lumayo ako sa kanya.
"Its none of your business." Malamig na sabi ni Axel.
"None of my business? But you're seducing my girl." Nakangising sabi ni Kyle habang nakatingin ng diretso sa mata ni Axel, nakita ko namang naningkit yung mata ni Axel pero ngumisi lang siya.
"Hindi na ako magpapatalo sayo ngayon Martinez" mahinahong sabi ni Axel at nilagpasan kami.
Kami na lang ni Kyle ang naiwan, naramdaman kong nanghihina yung tuhod ko. Kung kelan last year ko na sa highschool parang dun pa nagkagulo gulo ang buhay ko.
"I told you not to be with him. Shanna, sundin mo na lang yung sinasabi ko. This is for your own good, isang malaking impyerno ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung ayaw mong maging impyerno ang buhay mo, simulan mo nang iwasan siya." Pahayag ni Kyle pero hindi pa siya natapos dun. Mas kinabahan ako sa sinabi niya.
"Hindi mo kilala ang taong nakapaligid kay Axel, kaya nilang gawing impyerno ang buhay mo sa isang pitik lang" at tuluyan na siyang umalis.
Impyerno? Ganon ba kasama si Axel? Pero bakit iba yung pinapakita niya sa akin. Sa apat na taong pagiging magkaklase namin ay naging mabait naman siya, ngayon lang talaga kami naging close kaya siguro hindi ko pa siya ganoon kakilala.
Simula ng araw na 'yon ay dumistansya ako kay Axel, maganda na yung nag iingat. Minsan tinatawag niya ako pero agad akong lumalayo.
"Yow." Nakatulala ako sa canteen nang biglang sumulpot si Ailee sa harap ko. Kita ko yung lungkot sa mata niya.
"Ailee. Kamusta?" Nakangiting sabi ko. Simula kasi nung araw din na yon, hindi na ako nakihalubilo sa kabanda ni Axel.
"Iniiwasan mo kami no?" Malungkot na sabi niya
"H-ha? Hindi noh! Talagang wala lang oras hehe" palusot ko
"I know everything Shanna. Kinausap ka ni Kyle noh?" Napakagat na lang ako sa ibabang bahagi ng labi ko at tinignan si Ailee.
"Sorry Ailee. Natatakot lang ako." Mahinang bulong ko
"Bakit ka natatakot? May nararamdaman ka ba para sa kanya kaya ka natatakot?" Tanong ni Ailee. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Alam kong meron, dahil simula 1st year ay crush ko na siya pero hindi pa ganon kalalim at ayokong mas lumalim pa.
"W-wala akong gusto sa kanya." Mahinang bulong ko. Ramdam ko yung pagkirot ng dibdib ko.
"Ganoon naman pala. Edi wag kang matakot sa amin, hindi kami masama gaya ng sabi ni Kyle." Ngumiti na lang ako. Hindi ko gusto si Axel kaya hindi ako matatakot na lumapit sa kanya.
Hinatak ako ni Ailee papunta sa pwesto kung nasaan ang banda. Nagtama yung mata namin ni Axel at nginitian ko lang siya. Wala namang masama.
"Yow. Tagal ka naming di nakita." Nakangiting sabi ni Marcus. Ngumiti lang ako bilang tugon. Naupo ako sa tabi ni Axel pero hindi niya pa din inaalis yung tingin niya sa akin.
"Why are you here?" Malamig na sabi ni Kean. Siya lang talaga yung taong di ko magets. Feeling ko tuloy ayaw niya sa akin.
"Because she's our friend" nakangiting sabi ni Ailee. Napakajolly ni Ailee at friendly. Simula pa lang nung bata sila ay magkakasama sila kaya siguro ganito sila ka-united.
"Tsss. Mauna na ako" mahinang bulong ni Kean.
"Ah! Kean, ako na lang ang aalis. Nakakahiya naman." Sabi ko. Nakakahiya naman talaga. Alam kong ayaw sa akin ni Kean kaya ganyan siya makaasta.
Tatayo na sana ako nang hawakan ni Axel ang kamay ko. Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa katawan ko. Kulang na lang magwiggle wiggle ako sa nararamdaman ko ngayon.
"No. Let him go. You should stay." Mahinahong sabi ni Axel. Tumingin si Kean sa mata ni Axel, parang naglalabanan sila sa tingin. Pero umiling na lang si Kean at umalis.
"Okay. Whats happening?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kanila. Natahimik na lang kami pagkaalis ni Kean.
"Pabayaan mo na lang siya Shanna. Seryoso kasi sa buhay 'yon" sabi ni Ailee. Nakwento din nila na si Kean ang bunso sa banda.
"Ailee. Lets go. May voice lesson ka pa sa room D422" sabi ni Marcus. Nagpaalam na sila at umalos. Kami na lang ni Axel ang naiwan.
Parang may nagtatambol sa dibdib ko sa lakas ng tunog nito. Kaming dalawa na lang ni Axel. Spell awkward.
"A-h. M-mauna na ako." Sabi ko pero hinawakan niya yung kamay ko bago ako umalis. Nagwiggle wiggle nanaman yung puso ko.
"Lets talk. Sorry kanina. Di ko napigilan yung nararamdaman ko." Mahinang sabi niya. Nakayuko siya pero ramdam ko yung lungkot sa boses niya.
"Okay lang yun. Walang kaso sa akin yun pero sana wag mo ng ulitin." Sabi ko
"Pero naguguluhan ako Shanna. Alam mo ba na simula 1st year ay pinagmamasdan kita? Haha. Oo, baliw na nga ako pero iba ka. Hindi ka basta bastang babae." Sabi niya. Naramdaman kong mas lalong kumabog yung puso ko. Kaya pala palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero di ko pinansin ang mga 'yon dahil alam kong nagkataon lang yun.
"Axel. A-a-ano ba yang sinasabi mo?" Nanginginig na sabi ko att bumitaw sa hawak niya. Naglakad na ako pero hindi pa ako gaanong nakakalayo ay narinig ko siyang sumigaw na kumuha nang atensyon ng buong canteen.
"CAN I COURT YOU SHANNA?!"
BINABASA MO ANG
Happily Never After (ON - HOLD)
Teen FictionEverybody witnessed how strong their love is, but they will also witness how it easily falls. But not all stories should end with Happily Ever After. Sometimes it should be.... HAPPILY NEVER AFTER.