MARCUS' POV
Tulala pa din si Shanna habang nakahawak sa labi niya. Gag*ng Axel talaga yun!
"Shanna.." kinuha ko ang atensyon niya at nakita kong namumula yung mata niya, at nagsimula na siyang umiyak.
"P-pi-pinaglalaruan niyo ba ako?" sabi niya. Para siyang bata, kaya gusto ko siya. Oo, tama kayo ng basa. Gusto ko si Shanna simula nung 1st year pa kami kaso hindi kami naging kaklase nung 3rd year. Ngayon na lang ulit.
Kakaiba yung ugali ni Shanna, hindi mo masasabing basta bastang babae lang siya. Kaya nga ayaw niyang makita si Kyle dahil galit siya dito. May pagkasadista kasi 'tong si Kyle.
"Shhhh. Mas mabuti kung umabsent ka muna. Dun muna tayo sa labas" sabi ko at naglakad kami palabas. Naiinis ako kay Axel, alam naman niyang may gusto ako dito kay Shanna pero hinalikan pa.
"S-shanna!" sabi ni Axel habang hinihingal na lumapit sa amin. Humarap sa kanya si Shanna at sinampal. Woah, palaban talaga 'tong babaeng 'to.
AXEL'S POV
Wala si Shanna sa room, at sabi ni Thea ay umiiyak daw 'to. Buti na lang at nandun si Marcus para icomfort siya.
Kasalanan ko ba? Natatakot akong aminin sa sarili ko na di pa ako nakamove on. Na masakit pa din, na hindi ko pa kaya. Kaya hinalikan ko si Shanna para ipakita kay Kyle na matagal ko na siyang kinalimutan.
Hinanap ko si Shanna para magsorry at nakita ko siya habang akay akay ni Marcus.
"S-shanna!" sigaw ko. Lumapit ako sa kanya, nung magkaharap na kami ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin at nakita kong umiiyak siya.
"A-alam mo ba na sa ginawa mo pwedeng maalis yung scholarship ko?! Oo, pumayag ako na pwede mo akong maging kunyariang girlfriend pero hindi ibig sabihin non na pwede mo akong halikan kung gusto mo! Hindi ako laruan Axel." walang tigil sa pagtulo ang mga luha ni Shanna habang umiiyak.
Oo, pwedeng maalis yung scholarship niya. Bawal kasi ang PDA sa school, pwede kang masuspend o mas malala ay mapaalis dito.
"Im sorry.." umiling lang siya at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Tumingin naman sa akin si Marcus nang diretso sa mga mata ko.
"Alam mong gusto ko si Shanna. Bat mo ginawa yun? Axel, nasaktan ka nung inagaw siya sayo ni Kyle pero bakit ginagawa mo sa akin 'to? Kala ko ba magkaibigan tayo." Nakuyom ko na lang yung kamao ko at umiling.
"Hindi ko alam. Marcus, ayokong paglaruan si Shanna dahil nangyari na sa akin dati ang mapaglaruan pero iba siya. Mas gusto kong mapalapit sa kanya"
"Wag mong sabihing sa isang linggo niyong pagsasama ay nahuhulog ka sa kanya?" tanong ni Marcus. Napatingin ako sa kanya. Nahulog? Imposible, kasi di ko pa naman siya nakakalimutan.
"Hindi. Siguro dahil kakaiba siya kaya ganon" sabi ko at naglalakad na lang papunta sa classroom. Pagpasok ko dun ay nakita ko si Shanna habang nakaupo sa upuan niya, nakatingin siya sa labas ng bintana na parang malallim ang iniisip.
"Shanna.." mahinang bulong ko. Nakuha naman nun yung atensyon niya at tumingin siya sa akin, pero hindi ko inaasahang ngumiti siya sa akin. Kala ko galit siya?
"Galit ka ba?" tanong ko. Umiling siya at ngumiti ulit.
"Ano bang magagawa ko kung tapos na yung nangyari? At wala namang nagreport sa principal nung nangyari kaya okay na din." sabi ni at itinuon ang pansin sa harap ng blackboard. Nakatingin lang ako sa mukha niya, dahan dahan kong nilapat yung kamay ko sa dibdib ko. Ano ba 'to? May sakit yata ako sa puso.
BINABASA MO ANG
Happily Never After (ON - HOLD)
Novela JuvenilEverybody witnessed how strong their love is, but they will also witness how it easily falls. But not all stories should end with Happily Ever After. Sometimes it should be.... HAPPILY NEVER AFTER.