Chapter 7: Only Mine

58 3 0
                                    

SHANNA'S POV

Halos mamula ako sa sinabi ni Kyle. Nahuhulog na ba talaga ako kay Axel? Alam kong halos ilang taon ko na siyang gusto pero parang nas tumindi pa yung nararamdaman ko sa kanya.

"H-hindi ko siya gusto. T-talagang close lang kami." Mahinang bulong ko. Umiling siya at tinitigan ako sa mata nang diretso.

"Bahala ka. Wag mong patagalin, baka mawala siya sayo." Mahinang sabi niya at bumaba na kami. Hinatid ko si Kyle sa bahay nila Thea at dumiretso na ako sa bahay pero nakita ko si Kuya habang nakasandal sa gate namin at nakatingin sa kalangitan.

"Pst! Kuya? Problema mo?" Sabi ko. Mukha naman siyang nagulat pero ngumiti na lang siya at tumabi ako sa kanya. Parehas na kaming nakasandal sa gate.

"May gusto kasi akong babae kaso iba gusto niya ee." Napakamot na lang sa batok niya si Kuya at umiling. Ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

"Si Ate Sharpei ba?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman siya at tumungo. Ramdam kong nasasaktan yung Kuya ko ngayon.

"Nakaalala na ulit kasi siya. At ang masaklap, mabigat kalaban ko." Rinig kong sabi niya. Narinig kong tumawa siya nang mahina.

"Oh anong meron sa kalaban mo?" Tanong ko.

"Kpop nanaman." Tumawa ako nang malakas. Nasisiraan na si Kuya. Kpop lang, e hindi naman nun mapapansin si Ate Sharpei.

"HAHAHAHA KUYA NAMAN! Kpop lang yan, eh imposible ngang makasalamuha ni Ate Sharpei 'yon! Wag kang mag alala. I will support you." Pero ginulo lang ni Kuya yung buhok ko habang nakangiti.

"Mahirap maintindihan." Mahinang sabi niya at naglakad siya papasok sa bahay.

(A.N: Ehem! Ina-advertise ko yung story ko na 'She's a Fangirl and He's an Idol. Kasama yung Kuya ni Shanna dun!)

Sumunod na din ako dahil magdidilim na. Sabay kaming kumain ni Kuya pero malungkot pa din siya hanggang sa mapatigil siya sa pagkain nang marinig niya yung balita.

-Grupong EXO umalis na ng bansa pero isang miyembro ang nagpaiwan dahil sa kasintahan. Sino itong misteryosong babaeng 'to?-

Nanlaki yung mata ko at napatingin kay Kuya pero nakapikit siya at parang may dinaramdam.

"K-kuya? Don't tell me na si Ate Shanna yun?" Sabi ko. Tumayo lang siya at dumiretso sa kwarto niya.

Pinabayaan ko na lang si Kuya dahil kailangan niya ng space pero nakakagulat. Kilala ko si Ate Sharpei dahil minsan na siyang dinala ni Kuya dito at nagkasundo kami kahit di ako mahilig sa Kpop.

Kpop addict kasi si Ate Sharpei pero ang nakakalungkot ay di niya maalala yung nakaraan niya.

Humiga na lang ako sa kama ko nang biglang magring yung phone ko. Unregistered number, sino kaya 'to? Sinagot ko 'to at halos bumilis yung tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya.

"Hi Shanna." Ang husky ng boses niya.

"U-uy. Napatawag ka, kala ko kung sino."

"Di mo sinisave number ko?" Ramdam ko yung pagkairita sa boses niya.

"K-kasi hindi ko naman alam at di mo naman binigay!"

"Sige na. Papatawadin na kita pero may tanong ako sayo!" Rinig ko yung saya sa boses niya. Hinintay ko na lang yung sasabihin niya.

"Pagid ka ba?"

"Uh? Hindi naman. Bakit?" Tanong ko naman. Narinig ko yung marahang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko! Hahahaha" napanganga naman ako sa sinabi niya. Halos mamula na ako ngayon sa sobrang kilig. Bakit ganito siya?

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon