Chapter 5: Scared

84 3 0
                                    


SHANNA'S POV

"CAN I COURT YOU SHANNA?!" sigaw ni Axel na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Tumayo yung balahibo ko at halos matumba na ako sa panghihina ng tuhod ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, narinig ko ang mahihinang bulungan sa loob ng canteen at ang mga mapanuring tingin nila sa akin.

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o aalis na lang. Gulong gulo na ako. Mas lalo akong naguguluhan kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Narinig ko yung paglapit niya sa akin. Naramdaman ko na lang yung hawak niya sa braso ko at hinarap ako sa kanya.

Seryoso yung mga mata niya habang nakatingin sa mata ko. Ang awkward. Di ko na alam yung gagawin o sasabihin ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko kaya napalunok na lang ako.

"I said, Can I court you?" Ang sexy ng boses niya. Napakamature.

"A-axel. Nakakahiya." Totoo naman. Halos buong canteen ay nakatingin sa amin pati yung mga nagsiserve. Parang tumigil ang lahat sa ginagawa nila para panoodin kung ano ang isasagot ko.

"Sagutin mo ako Shanna! Can I court you?" Ramdam ko yung pagka-awtoridad ng boses niya. Parang sinasabing dapat mag-oo ako dahil kung hindi ay mapapahamak ako.

"B-bahala ka." Nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Bahala ka means yes. So from now on, liligawan kita sa ayaw o gusto mo. And i promise that i will make you Mine Ms. Sh---"

"She's not yours." Napatigil sa pagsasalita si Axel nang biglang sumulpot si Kyle sa tabi namin habang nakakunot ang noo. Ngumisi naman si Axel at hinapit ako sa beywang. Napatingin naman doon si Kyle at tinignan ako. Umiling siya.

"Pag nasaktan ka, wag kang gagamit ng ibang tao para iyakan mo. Ginusto mo 'to Shanna, be ready." Nanghihinayang na sabi niya at naglakad palayo. Lumayo naman ako sa pagkakahawak ni Axel at nagpaalam na umalis.

Dumiretso ako sa room at doon naupo. Iba ibang tingin ang binigay sa akin ng mga kaklase ko.

"Best! Grabe ha! Nabalitaan ko yung nangyari sa canteen. Haba ng hair mo!" Masayang sabi ni Thea. Nginitian ko lang siya at umayos ng upo.

Masasaktan ako kapag minahal ko si Axel? Bakit? Sino ba siya? Gano ba siya kasama para masaktan lahat ng taong mamahalin niya?

Nagsimula yung klase namin, nakatulala lang ako habang nagtuturo yung teacher namin sa Calculus. Wala akong maintindihan. Pabalik balik sa isipan ko yung sinabi ni Kyle sa akin.

...Pag nasaktan ka, wag kang gagamit ng ibang tao para iyakan mo...

...Pag nasaktan ka, wag kang gagamit ng ibang tao para iyakan mo...

"Pst! Tulala ka?" napatingin ako kay Axel at nakatingin lang siya sa akin habang nakangisi. Umiling lang ako at binigay ang buong atensyon ko sa teacher namin pero naramdaman kong kinalabit niya ako sa braso.

"Kakanta kami mamaya sa gym. Practice lang. Punta ka ha" nakangiting sabi niya. Halos di ko na makita yung mata niya sa pagtawa niya. Naniningkit 'to sa tuwing ngumingiti siya. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? May nagtatambol nanaman kasi sa puso ko.

"S-s-sige. I'll try" matipid akong ngumiti sa kanya.

"Wag mong itry, gawin mo. Aasahan kita dun." sabi niya at saktong nagring yung bell. Nagtayuan na yung mga kaklase ko pero nakaupo pa sin ako habang nakahawak sa dibdib ko. Bakit ganito yung puso ko sa tuwing kinakausap, nginingitian at lalapitan ako ni Axel. Lumalim na ba yung pagtingin ko sa kanya?

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon