Chapter 14: I Won't Give Up

70 0 0
                                    


SHANNA'S POV

"Good Morning Babes!" Nakangising sabi ni Kyle sa gilid ko. Natawa na lang ako nang hatakin siya ni Axel palayo sa akin.

Tinakpan naman ni Axel yung tenga ko pero rinig ko pa din yung pagkainis ng boses niya.

"Tsss! Lumayo ka dito kung ayaw mong mabugbog kita." Sabi ni Axel. Umupo naman sa tabi ko si Axel at kiniss ako sa cheeks ko.

"Wag kang makikinig dun Babes ha." Seryosong sabi niya sa akin.

"Oo naman. Ako pa." Sabi ko at hinalikan din siya sa pisngi niya. Next month December na. Ang bilis ng panahon at magfo-four months na kami ni Axel ngayong November.

At malapit na din yung birthday ko.

"Hmmm. Next week na birthday mo ha. Anong balak mo?" Tanong sa akin ni Axel habang pinaglalaruan yung mga daliri ko.

"Simpleng handaan lang." Mahinang sabi ko.

"Invite mo ako ha." Tumatawang sabi niya. Nagnod lang ako at nagsimula nang maglecture yung teacher namin. Natapos yung klase at lunch break na. Magkakasama kami ngayon sa canteen ng banda.

Tawanan, asaran at sigawan ang ginagawa namin. Nakita kong nag aasaran si Kean at Thea. Nagkakadevelopan yata. Si Marcus at Ailee naman nagpipikunan. Whats new?

"Yow. Shanna. Sa November 22 na birthday mo ha?" Tanong ni Ailee.

"Oo nga ee. Pati tong si Axel malapit na. Sa November 26 ka diba?" Tanong ko kay Axel. Nagnod naman siya.

Nagulat nga ako nung tinanong ko siya kaso isang taon ang tanda niya. Late kasi siya nung grade school siya.

"Isang handaan na lang ba?" Tanomg ni Marcus.

"Oo nga! Dun tayo sa bahay niyo Shanna. Okay naman siguro sa Kuya mo!" Sabi ni Thea. Yan nanaman siya, crush na crush kasi niya si Kuya.

"Yeah. What do you think babes?" Tanong ni Axel. Nag isip naman ako. Oo nga, di naman siguro magagalit si Kuya.

"Sige!" Masayang sabi ko. Hinalikan naman ako ni Axel sa pisngi kaya napatingin ako sa kanya, kita ko yung saya sa mukha niya.

"I love you..." Bulong niya sa tenga ko.

"I love you most..."Bulong ko din. Nagulat na lang ako nang batuhin kami ng banda ng chips na kinakain nila.

"May langgam." Natatawang sabi ni Ailee

"Sweet much!" Kinikilig na sabi ni Thea at yung dalawang boys naman ay tumatawa na lang.

"Hi guys!" Bati ni Kyle na biglang sumulpot sa harap namin. He's wearing his mapang aaar smile habang nakatingin kay Axel.

"Tss. Umalis ka na Kyle. Manggugulo ka lang." Sabi ni Ailee.

"Masama na bang lumapit sa kaibigan ko. Hi Shanna!" Sabi ni Kyle at kumaway kaway pa sa akin. Naramdaman ko namang niyakap ako sa bewang ni Axel at nakipagtitigan kay Kyle pero nagulat kami nang tumawa nang malakas si Kyle habang nakahawak sa tiyan niya.

"Panalo ka na Bro. I know that you will never hurt Shanna! Sh*t! Talo nanaman ako sayo but kidding aside, nakikita kong seryoso ka kay Shanna. Keep her, i will help you protect her but if you tried to hurt her. Ako na ang sasalo sa kanya." Sabi ni Kyle at umalis na. Naiwan kaming tulala.

"Sumuko na?" Natatawang sabi ni Marcus. Nagtawanan na lang kami at pumasok ulit sa classroom namin. Last 3 subjects na lang at uwian na.

Nakinig naman ako sa klase. Nagring na yung bell at nagsimula nang mag alisan yung iba kong kaklase.

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon