Chapter 17: Promise

38 1 0
                                    


AILEE'S POV

Nakatingin lang ako sa kawalan. Natatakot ako sa mangyayari sa mga susunod na araw. Napatingin ako sa pwesto ni Axel at Shanna. Ayokong mawala yung ngiting yun sa mga labi nila.

Napapunas na lang ako sa luhang tumulo sa mga mata ko. Nasasaktan ako at natatakot sa mangyayari.

"Wag lang nating ipaalam na bumalik na si Ryna." Sabi ni Marcus.

"Why? Kung talagang mahal ni Axel si Shanna ay walang pakielam si Axel kung makikita niya si Ryna!" Inis na sabi ni Kean.

"No. I mean, alam kong mahal ni Axel si Shanna pero alam ko din na may pinaplano sila. Imposibleng bumisita yung Mom ni Axel dito na walang gagawin!" Sabi ko.

"Guys! Last break na! Kain tayo?" Sabi ni Axel habang nakaakbay kay Shanna. Sumunod na lang kami sa kanila. Dumiretso kami sa canteen.

"Chippy akin!" Masiglang sabi ni Shanna. Bumili na si Axel at hinarap ko si Shanna. Kailangan kong malaman kung ano ang pinag usapan nila ni Ryna.

"Shanna! Ano yung pinag usapan niyo nung babae kanina sa CR?" Nakangiting sabi ko.

"Magtatransfer daw siya dito. Inampon daw siya ng mag asawang chinese businessman kaya umalis siya nung 2nd year siya dito. Mabait naman si Yna kaya walang problema." Nakangiting sabi ni Shanna.

Chinese? Kaya pala. Pero babalik siya dito?

Napatayo ako sa upuan ko at umalis sa harap ng banda. Habang naglalakad papuntang Principals office ay naalala ko lahat.

Childhood lovers si Axel at Ryna hanggang naging sila nga nung 1st year kami. Sobrang sweet nila hanggang sa nalaman ng Mom ni Axel ang relasyon nila. 'Chinese is only for Chinese' yan ang binitawang salita ng magulang ni Axel.

Ginawa nila lahat para mapahirapan si Ryna. We supported Ryna and Axel's relationship pero nag give up si Ryna. Masyadong masakit lahat nang nangyari, super friends kami at nang dahil kay Ryna nawala 'yon.

Sabi niya babalik siya, we waited for her but she never come back. Umalis siya at iniwan kaming nakakapit pa din sa pangakong binitawan niya. Until Shanna came...

"Ailee..." napatigil ako sa pag-alala ko nang may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin.

"Itigil mo na 'to Ryna. Masaya na si Axel." Seryosong sabi ko. Sumeryoso yung mukha niya at nakita ko siyang tumatawa habang umiiling.

"Sorry Ailee but I love Axel so much. Gagawin ko ang lahat kahit patayin yung mga taong haharang sa pagmamahalan namin." Di na ako nakatiis at sinampal ko siya pero para siyang manhid na walang naramdaman. Tumingin siya sa akin habang nakangiti.

"May bago na ba?" Tanong niya

"Yes!" Matigas na sabi ko pero ngumisi lang siya.

"Lets see. Kung hanggang kelan niya kakayanin ang mga sakripisyong pinagdaanan ko!" Kita ko na yung galit sa mata niya. Napangisi ako, siya pa din si Ry. Mabilis magalit.

"Don't worry. We all witnessed how Axel love Shanna and we will never let you destroy the love they have. Kakampi mo kami noon pero sumuko ka na, kaya ngayon kalaban mo na kami!" Sabi ko at tumalikod. Nakita ko naman si Kean na nakatayo sa likod ko. Nakikinig yata sa usapan namin.

"Kean!" Sabi ni Ryna at akmang yayakapin si Kean pero agad hinawakan ni Kean ang braso niya at marahas na binitawan 'yon.

"Traitor!" Sigaw ni Kean. Nanlilisik ang mata ni Kean habang nakatingin kay Ryna. Kita ko yung pain at anger sa mata niya.

"K-kean.." nanginginig na yung kamay ni Ryna. Hinawakan ko na lang yung braso ni Kean para kumalma siya.

"Asan na yung promise Ryna?! You promised us to hold on! We did but what did you do? Run away like a damn child?!" Sigaw ni Kean. Hinigpitan ko yung hawak sa kamay ni Kean para kumalma siya dahil kung hindi ay baka sinampal na nito si Ryna.

"K-k-kean. Let me explain!" Naluluha na sabi ni Ryna. Nanginginig na yung boses niya.

"You don't need to explain! 2 years is enough! Natalo ka!" Sabi ni Kean at naglakad palayo. Sinundan ko na siya dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa sarili niya.

"M-magaling ba akong umarte?" Napatulala ako sa sinabi ni Kean. Umarte? Lahat nang 'yon ay arte lang? Tumingin ako sa kanya at nakita kong namumula na yung mata niya dahil sa luha.

Napaupo kami sa bench at napayuko na lang siya dun habang ginugulo yung buhok niya. Mukhang frustrated siya.

"Two years ko siyang hinintay kasi kala ko maghohold on pa siya. She's like my older sister pero binigo niya ako. Pero bakit ganon? Kung kelan okay na ang lahat dun naman siya manggugulo." Umupo ako sa tabi niya at hinagod yung likod niya.

"Basta promise natin. Poprotektahan natin si Shanna. Axel needs him." Sabi ko. Inalalayan kong tumayo si Kean at pumunta kami sa classroom.

Ang sweet nanaman ni Axel at Shanna pero nawala yung focus ni Shanna sa pangungulit kay Axel nang makita niya si Kean.

"Kean! Bakit namumula mata mo?" Sabi ni Shanna at chineck pa si Kean. Napakabait niya talaga.

"Wala. Okay lang ako basta pangako mo ha? Wag kang susuko." Mukhang naweirdohan naman si Shanna kay Kean at nag-nod naman. Niyakap ni Kean si Shanna pero biglang hinila ni Axel si Shanna. Seloso.

"Tsss. Girlfriend ko yan bro. Kaibigan kita. Wag namang ganyan!" Sabi ni Axel. Sinuntok naman siya nang mahina ni Shanna kaya tumawa si Axel.

"Bro. May iba akong gusto!" Sabi ni Kean. Nag asaran lang sila 'don habang nakatingin ako sa kanila.

SHANNA'S POV

Uwian na namin ngayon at magkahawak kamay kami ni Axel habang naglalakad papuntang gate. Masaya yung naging araw ko ngayon kahit nakita ko na yung Mama niya.

"Hmmm. Iniisip mo pa din si Mom?" Tanong niya.

"Natatakot lang ako sa kanya. Kasi base sa reaction niyo ay natatakot kayo kaya nakijoin na lang ako hahaha." Sabi ko. Humarap naman siya sa akin at kinurot yung pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Basta wag kang ma-intimidate kay Mama. Basta nandito lang naman kami para sayo!" Sabi niya at ginulo yung buhok ko. Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Basta wag mo akong iiwan kasi kapag tinalikudan mo ako dun na ako susuko." Sabi ko

"Hinding hindi kita tatalikudan basta ipakita mong kaya mo ha?" Sabi ni Axell at hinalikan ako sa noo.

Bago ako sumakay sa jeep ay itinaas niya ang pinky finger niya at nakangiting inilahad 'yon sa akin.

"Promise?" Nakangiting tanong niya.

"Promise!" Sabi ko at nagpinky promise kami bago ako sumakay.

**

Ryna>

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon