SHANNA'S POVNakatingin lang ako sa malayo habang ginagamot ni Axel yung sugat ko sa labi at ilang gasgas sa mukha ko.
"Sorry kung late akong nakadating." Mahinahong sabi niya pagtapos gamutin yung sugat ko.
"Okay lang naman." Nakangiting sabi ko at tumingin nang diretso sa mga mata niya. Nakita ko dun yung pag-aalala kaya nginitian ko siya para makumbinsing okay lang ako.
"SHANNA!" Parehas kaming nagulat ni Axel nang pumasok si Kyle sa loob ng clinic habang nag aalala. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"K-kyle." At sa pagtawag ng pangalan niya, bumuhos yung luha ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sinasabi ni Pearl.
Ayoko kasi na dinadamay yung magulang ko. At yung sinabi ni Pearl na malandi ako, di ko naman gustong mahalin ako ni Axel. Di ko ginusto yun.
"Tama na Shanna. Diba sinabi ko na ayokong makita kang umiiyak pero bakit ngayon pa lang umiiyak ka na?" Hinahagod hagod ni Kyle yung likod ko habang ako naman ay walang tigil sa pag iyak.
Umalis ako sa pagkakayakap ni Kyle at pinunasan yung luha ko. Nginitian ko siya kahit pilit. Nangako kasi ako sa kanyang hinding hindi ako iiyak sa harapan niya.
"Sorry" mahinang sabi ko. Nakita ko naman si Axel na nakakunot noong nakatingin sa amin. Umiling siya at naglakad palabas. Tumingin naman si Kyle sa pinto at umiling.
"Sundan mo. Nagseselos 'yon." Nakangiting sabi ni Kyle pero alam kong sa likod nang ngiti na 'yon ay nakatago ang pait na nararamdaman niya.
Ngumiti ako kay Kyle at tumakbo palabas. Nakita ko si Axel habang pababa na ng hagdan papuntang canteen. Agad ko siyang hinabol pero may humawak sa braso ko.
"Kean!" Gulat na sabi ko pero malamig lang siya na nakatingin sa akin. Hinatak niya ako papunta sa likod ng school.
"B-bakit mo ako dinala dito?" Naiilang na tanong ko. Malay ko ba, baka patayin ako nito. Bawat tingin niya kasi alam kong may galit siya sa akin.
"Lumayo ka sa barkada namin. Hindi ka bagay maging isa sa amin." Iritadong sabi niya. Napatulala naman ako, kaya pala. Ayaw niya sa akin.
"I don't want you to be with Axel or to be friends with my band. Hindi ka bagay kay Axel, masasaktan ka lang." Sabi niya at tumalikod. Aalis na sana siya nang magsalita ako.
"A-ano ba ang dapat kong gawin para magustuhan mo ako? Na ituring mo akong isang kaibigan?" Tanong ko. Naikuyom ko na lang yung kamao ko sa sakit na nararamdaman ko. Humarap ulit siya sa akin at tinignan ako mula paa hanggang ulo.
"Wala dahil hinding hindi mo siya mapapantayan." Mahinang bulong niya at naglakad palayo. At nung nawala na siya sa patingin ko at tuloy tuloy naman na bumuhos yung luha ko.
Hindi na ako nagbalak na pumasok, magkacutting na lang ako. Dala ko naman yung bag ko kaya okay lang, pinatay ko din yung phone ko dahil nagmimisscall si Thea.
Nagpalipas oras ako sa isang coffee shop malapit sa school. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing may problema ako, umiinom ako ng kape.
Nagstay lang ako dun ng ilang oras bago ko naisipang umuwi.
Dumiretso ako sa bahay pero wala pa si Kuya. Siguro kasama nanaman si Ate Sharpei. Dumiretso na lang ako sa kusina at nagluto na para sa dinner namin.
"SHANNAAAAAA!" May narinig akong sumigaw at alam kong si Thea 'yon. Agad kong binuksan yung pinto namin at parang bahay niya 'tong bahay namin kung pumasok.
"Nagcutting ka?!" Nakataas kilay niyang tanong. Napakamot ako sa ulo ko at nagnod.
"SIRA ULO KA TALAGANG BABAE KA! ALAM MO BANG NAGBUGBUGAN SI KYLE AT AXEL DAHIL SAYO? TAPOS IKAW PANGINGITI LANG?! GOSH!" Inis na sigaw ni Thea na ikinagulat ko naman. Nagbugbugan? Nang dahil sa akin?
"H-ha? A-anong nangyari?" Tanong ko
"Just watch this video. Buti na lang at nakuhanan ko!" Natutuwang sabi ni Thea at nilabas yung phone niya.
Sa video, magkaharap si Axel at Kyle habang nagsasagutan.
"Bakit Axel? Kaya mo na ba siuang ipaglaban? Kaya mo na bang ipaglaban si Shanna sa demonyo mong pamilya? Damn! Lahat na lang ng babaeng magugustuhan ko? Aagawin mo! Una si Ry tapos ngayon si Shanna?!" Kita sa mga mata ni Axel yung galit maging kay Kyle.
"Ginusto ko ba?! Ginusto ko bang saktan si Ry?! At nakaraan 'yon! Kaya kong ipaglaban si Shanna!" Sigaw ni Axel at nagsimula silang magrambulan.
Natapos yung video at napatulala ako.
"S-sino si Ry?" Mahinang tanong ko. Bumaling sa akin si Thea.
"EX ni Axel. Kakabreak lang nila nung 2nd year sila kaya nabuo yung Thanatophobia." Sabi ni Tgea pero iba, iba ang gusto kong marinig. Gusto kong marinig lahat ng tinatagong lihim ni Axel.
"Bukas na pala yung competition mo. Manonood ba si Kuya Ethan?" Tanong ni Thea. Crush kasi ni Thea si Kuya Ethan kaya laging tinatanong sa akin ang tungkol kay Kuya.
"Oo daw. Palagi naman" nakangiting sabi ko pero hindj pa din maalis sa isip ko. Sino si Ry? Ano bang meron siya?
**
"READY?! GO!" Narinig ko yung pito ng coach sa swimming competition. Nagsimula na akong magdive at lumangoy.
Nangunguna ako sa mga kalaban. Malapit na ako sa finish kaya binilisan ko na yung paglangoy, gusto ko nang matapos 'to.
*prrrrttttt*
"AND THE WINNER IS. SAPPHIRE UNIVERSITY!!!" Ngumiti lang ako pagtapos sabitan ng medal at naglakad papalayo ng stage nang may humigit sa braso ko. Si Axel, kita ko yung pasa sa mukha niya. Eto siguro yung nakuha niya sa pakikipagsuntukan kay Kyle.
"Okay ka lang?" Tanong ko at hinawakan yung pasa niya. Ang init ng mukha niya at ang kinis.
"Bakit di ka nagpakita kahapon?" Tanong niya. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ko yung sinabi ni Kean. Kailangan ko bang layuan si Axel? Ayoko kasing masira yung pagkakabigan nila.
"M-magbibihis lang ako." Sabi ko at dumiretso sa CR. Nagsuot ako ng jogging pants at shirt at lumabas. Naghihintay si Axel.
Kailangan kong lumayo sa kanya, madaming taong masasaktan at pagkakaibigan na masisira.
"A-axel. I-itigil mo na 'to. Madaming taong nasasaktan at taong gustong humadlang" nanginginig na sabi ko. Ramdam ko yung nagbabadyang luha na gustong lumabas sa mga mata ko.
"Ano ka ba Shanna! Kakayanin natin 'to. Mahal na mahal kita." Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa noo.
"Gagawin ko ang lahat. Ayokong mawala ka sa akin, hindi ko alam kung anong ginawa mo. Sobra na akong nahuhulog sayo." At niyakap niya ako nang mahigpit pero napabitaw ako nang makita ko si Kean na nakatingin nang masama sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at tinignan nang masama si Axel.
"Sinabi niyang babalik siya!" Mariin pero may awtoridad na sabi ni Kean.
"It's been two years Kean. Magmove on na tayo! Sumuko siya kaagad dati. Kasalanan niya! Hindi ako!" Inis na sabi ni Axel habang ginugulo yung buhok.
"Paano kung bumalik siya?! Anong gagawin mo? Simula bata magkakasama na tayo Axel at hindi mo siya pwedeng talikuran ng ganon ganon na lang!"
"Siya ang tumalikod. Hindi ako. Lets go Shanna." Marahang sabi ni Axel at umalis na kami. Iniwan namin si Kean na galit na galit. Aaminin ko, nasasaktan ako sa sinabi ni Kean.
Alam kong hindi niya ako tanggap pero anong magagawa ko? Kailangan ko siyang suyuin. Pero paano? Para siyang Leon na mahirap lapitan.
***
Kean >

BINABASA MO ANG
Happily Never After (ON - HOLD)
Teen FictionEverybody witnessed how strong their love is, but they will also witness how it easily falls. But not all stories should end with Happily Ever After. Sometimes it should be.... HAPPILY NEVER AFTER.