AXEL'S POV
Nakangiti ako ngayon habang nasa studio. Hindi ko mapigilan yung saya ko.
"I think he's insane." Rinig kong bulong ni Ailee kaya napatingin ako sa kanya.
"Tss. What are you saying?" Tanong ko
"Simula nung maging kayo ni Shanna halos mabaliw ka na." Tumatawang sabi ni Ailee habang inaayos yung gitara niya.
"She's my drug." Nakangising sabi ko.
*tok* *tok*
"Pasok!" Sigaw ni Marcus. Agad namang bumukas yung pinto at iniluwa non si Shanna habang nakangiti.
"Hi guys. Bibisitahin ko yung panget hehe." Tumatawang sabi niya at nilapitan ako. Hinalikan ko siya sa pisngi at kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"Bakit ka napadpad dito?" Tanong ni Kean. Close na sila ni Shanna pero minsan nag aasaran.
"Pinadalhan kasi ako ni Mama at Papa ng Instax Camera. Gusto ko sana na kami ni Axel unang makapicture dito." Nakangiting sabi niya. Nagwala naman yung puso ko sa kanya.
And I know to myself that Shanna is better than Ryna. Shanna is simple and happy, thats the tging i like about her.
Lumapit sa akin si Shanna at nagsimulang magpicture.
"Itago mo 'to. Remembrance." Nakangiting sabi niya habang hawak yung picture naming dalawa. Nagsimula naman siya kumuha ng picture sa banda. I like her smile.
"Axel! I love youuuuu!" Sabi ni Shanna sa tabi ko. Tinignan ko siya at nakaharap sa akin yung camera niya. Nagkiss naman ako dun at kinunan naman siya.
"Ang cute moooo!" Natutuwang sabi niya at ipinakita sa akin yung picture na lumabas.
"Tatago ko 'to. Akin ka lang ha?" Nakangiting sabi niya. Agad ko siyang niyakap sa bewang at hinalikan sa pisngi.
"Sayong sayo lang ako." Pagsisigurado ko. Nakita kong namula yung mga pisngi niya kaya hinalikan ko siya don.
"Tatago ko 'to." Sabi niya at nilabas yung wallet niya at nilagay sa ilalim nung picture na magkasama kaming dalawa.
"Para pag gusto mo ng kiss, tignan mo lang yan." Nakangising sabi ko. Binatukan niya naman ako at pumunta sa banda at nagpicture.
Lumapit naman sa akin si Marcus na may ngisi sa labi niya.
"Inlove na inlove ha?" Nakangising sabi niya.
"Oo. Hirap pakawalan." Nakangiting sabi ko.
"P-paano pag nalaman 'to ng Mama mo?" Seryosong tanong niya. Nawala yung ngiti sa labi ko at seryosong napatingin kay Shanna.
"I don't want to be the reason to ruin her smile. Gagawin ko ang lahat. Lahat para hindi siya magalaw ni Mama." Seryosong sabi ko. Inakbayan naman ako ni Marcus.
"Kaya mo yan pre. Nakaya mo kay Ry, mas makakaya mo kay Shanna. I know that you love Shanna more than Ry thats why we're here para suportahan kayo ni Shanna." Sabi ni Marcus at pumunta sa banda. Nakigulo siya kay Shanna at kita ko sa mukha ni Shanna yung saya.
"Hoy Axel! Matunaw si Shanna! Kanina mo pa siya pinagmamasdan!" Tumatawang sabi ni Ailee. Nginisian ko na lang si Shanna at nilapitan siya.
"Date tayo?" Tanong ko.
"Sama kami!" Sabi ni Ailee na parang batang tinaas taas pa yung
"Sige. Date ng barkada!" Sabi ni Marcus. Nagnod naman si Shanna na parang gusto niya yung idea. Nagsimula na silang mag ayos.
Sumakay kami sa sasakyan ni Marcus. Mas magandang isang sasakyan na lang daw ang dalhin para hindi hassle. Dumiretso kami sa mall at dun nagmasyal.
"Wahhh. Ang cute. Marc! Bilhin mo yan para sa akin." Rinig kong sabi ni Ailee sa likuran namin. Tumawa lang kami ni Shanna at nagpatuloy sa paglalakad habang magkahawak yung kamay namin.
"Tss. Boring kapag naglalakad lang! Timezone tayo!" Sabi ni Kean at dumiretso naman kami dun. Bumili kami ng tokens at nagsimulang maglaro.
Nagphotobooth kami ni Shanna. 5 frames yun kaya kailangan ng 5 pose. Nagsimula na kaming magpose. Wacky, smile, hug, wacky ulit. At sa last naman at hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko siya sa labi.
Lumabas yung picture at ang cute naman. Nakita ko si Shanna na nakangiti habang nakatingin sa akin, nginitian ko lang siya at dumiretso kaming dalawa sa stufftoy catcher.
SHANNA'S POV
Ang sarap ng pakiramdam kapag ganito. Hindi ako nagsisising sinagot ko si Axel kaagad.
"Bakit kasi ayaw makuha?" Naiinis na sabi niya habang kinukuha yung pink na teddybear dun sa stufftoy catcher.
"Wag mo na kasing kunin." Sabi ko at hinatak siya dun. Sabi ko kasi sa kanya na kuha niya ako ng stufftoy, eh hindi naman siya marunong kaya walang choice kundi sumuko.
"Gusto mo e" Nakapout na sabi niya.
"Eeee~ Halika na. Tama na yan. Ayoko na niyan." Sabi ko at hinila siya. Pumunta na kami sa barkada at nagkayayaang kumain.
Kumain lang kami sa Mcdo at nagsiuwian na pagkatapos pero nagpaiwan kami ni Axel.
Dumiretso kami sa isang stufftoy shop. Nagulat naman ako nang mamili siya dun at pinakita sa akin.
"Gusto mo nito?" Namumulang sabi niya. Nagnod naman ako at binayaran 'yon sa counter at inabot sa akin yung paperbag.
"Di mo naman kailangang bilhin 'to." Nahihiyang sabi ko.
"Eh kasi diba? Gusto mo ng stufftoy. Kaya yan, para sayo." Ngumiti naman ako at hinawakan siya sa kamay.
"Sana ganito tayo forever." Sabi ko.
"Just keep on holding on. Magiging forever tayo." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
***
Axel>
BINABASA MO ANG
Happily Never After (ON - HOLD)
Novela JuvenilEverybody witnessed how strong their love is, but they will also witness how it easily falls. But not all stories should end with Happily Ever After. Sometimes it should be.... HAPPILY NEVER AFTER.