Chapter 23: Worth it?

71 1 1
                                    


SHANNA'S POV

"Why don't you tell Shanna that you're gonna marry Ryna soon."

Napatigil ako sa paglalakad at parang nabingi ako sa narinig ko. At ang masakit pa don ay nakita ko si Ryna habang papasok sa canteen. She smiled at me pero nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya.

Mas lalong tumulo yung luha sa mata ko. Eto ba yung sinasabi nilang masasaktan lang ako?

Naglakad na ako palayo. Narinig ko si Axel na tinawag ako pero mas gusto ko ng space kasi baka kung ano pa ang masabi ko.

Naupo ako sa ilalim ng puno sa may open space ng school. May mga naglalaro din dun pero napayuko na lang ako habang umiiyak.

Ikakasal? Tss. Cliche naman. Kala ko sa storya lang nangyayari yang arranged marriage na yan. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nakakainis.

"S-shanna..." Napatigil ako sa pag iyak at tumingin sa kanya. Agad kong pinunasan yung luha sa mga mata ko at nginitian siya.

"Andyan ka pala." I tried to be normal infront of him pero ang hirap. Sabay sabay na namang tumulo palabas yung luha ko. Urgh. Ang sakit talaga.

"B-bakit hindi mo sinabi?" Umiiyak na tanong ko. Lumapit naman siya sa akin at tinabihan ako. Naramdaman ko yung pagyakap niya sa akin.

"Nakalimutan mo na ba? I won't give up. Kaya kahit ipakasal pa nila ako sa iba, hindi nila magagawa kasi may nagmamay ari na ng puso ko." Umalis siya sa pagkakayakap at iniharap yung mukha ko sa kanya. "Ikaw 'yon."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya pero hindi pa din maalis yung takot sa dibdib ko. Punong puno ng 'what ifs' ang utak ko pero pilit kong inalis 'yon at niyakap pabalik si Axel.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Shanna, Im sorry." Sabi niya at hinarap ako sa kanya. Pinunasan niya yung luha ko gamit ang daliri niya at hinalikan ako sa noo.

"A-axel." Napatingin kami sa direksyon ng boses and we saw Ryna while staring at us. Puno ng pain yung mata niya pero she tried to smile at us.

"Ano?" Walang ganang tanong ni Axel.

"C-can we...talk?" Tumingin sa akin si Axel. Nagnod lang ako at tumayo na siya para makausap si Ryna.

Nakatingin lang ako sa kanila sa kabilang puno habang nag uusap. Nakita kong umiiyak na si Ryna habang nakakunot yung noo ni Axel.

"NO RYNA! NOT AGAIN!" Sigaw ni Axel at umalis sa harap ni Ryna. Bumalik sa pwesto namin si Axel at yumuko na lang. Ayoko naman siyang tanungin kung ano ang napag usapan nila pero nababagabag ako but i chose to stay quiet. He needs space and thats all i can give him.

"Ang hirap maging only son." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at kita ko yung mapait na ngiti niya.

"Ang hirap maging iisang anak na lalaki. Ipapakasal ka kung kani-kanino para lang sa business. Tsss." Inis na sabi niya at napasabunot na lang sa ulo niya.

"Alam mo ang parents mo, they wanted you to have a better future. Ang swerte mo nga at ang yaman ng pamilya mo, wala ka ng poproblemahin sa future mo." Nakangiting sabi ko. He just looked at me intently.

"Ilalayo nila ako sa taong totoong mahal ko."

"AXEL! SH*T! ANDITO NANAMAN YUNG MAMA MO!" Nataranta kami bigla nang sumigaw si Marcus. Napatayo kami sa pinagkakaupuan namin at sinundan si Marcus.

Nasa office kami ng President ng school. Hinawakan ni Axel yung kamay ko at hinila ako papasok 'don.

We saw Axel's mom with Ryna? Napayuko na lang si Ryna nang dumating kami.

"Thank you Ms. Aalis na kami." Paalam ng Mom ni Axel sa President at lumabas ng office. Sumunod naman kami, humarap yung Mom ni Axel at malakas na sinampal si Axel sa mukha.

"THAT GIRL IS NOT WORTH IT TO BE WITH YOU!" Galit na sigaw ng Mom ni Axel. Ramdam ko yung paghigpit ng hawak niya sa akin.

Napatingin naman sa akin yung Mom ni Axel at nginisian ako. Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko sa pagngising yun.

"At ikaw. Isa ka lang hampas lupang dapat mawala sa buhay ng anak ko. Kung gusto mo pang umayos ang buhay mo, layuan mo si Axel." Her Mom told me. Napayuko na lang ako at pinilit na pigilan yung luhang nagbabadyang tumulo.

"M-mahal ko po si Ax---"

"Sino ba ang mga magulang mo at tinuruan kang dumikit sa mayayaman para makalayo sa hirap ng buhay na dinadanas niyo!" Sigaw ng Mom ni Axel. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, tuluyan na ding tumulo yung luha palabas ng mata ko.

"MOM!" Rinig kong sigaw ni Axel pero diniinan ko lang yung hawak sa kamay niya.

"H-hindi po ako tinuruan ng magulang ko ng ganoong bagay. Mahirap lang po kami pero hindi ako tinuruan ng magulang ko na umapak sa kapwa ko. Kaya kung magiging mayaman man ako katulad niyo, ayoko po. Kasi mayaman po kayo pero ganon dun po kayo kahirap sa ugali niyo. Mauna na po ako." Sabi ko at umalis habang hatak hatak si Axel.

"You're awesome." Rinig kong sabi ni Axel habang naglalakad kami papuntang canteen. Umupo kami sa isang table at dun ako umiyak.

"Ganito ka pala kahirap mahalin pero don't worry, I won't give up." Sabi ko sabay punas ng luha ko pero ayaw tumigil nito. Tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"Natatakot ako para sayo."

"Don't. Gagawin ko ang lahat para maging okay kami ng Mom mo." Sabi ko. Umalis na kami at pumasok na sa klase namin.

Pinuntahan naman ako ni Thea at niyakap ako. Nabalitaan niya kina Marcus ang nangyari. Umiyak lang ako sa balikat ni Thea.

"Kung masakit na Shanna, itigil mo na. Ako ang nahihirapan sayo!" Inis na bulong ni Thea sa kanya.

"Mahal na mahal ko si Axel."

"G*gong pagmamahal yan. Nasasaktan ka na Shanna. Boto ako kay Axel pero wag mong hayaang pati pamilya mo ay madamay dito!"

"Hindi naman maiiwasang masaktan sa love e." Nakangiting sabi ko at tumahan na.

"Basta Shanna, andito lang kami. Wag kang mahihiyang humingi ng tulong." Nakangiting sabi ni Thea at pumunta na sa pwesto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon