AILEE'S POV"Hayyy. Ang sweet ni Axel at Shanna." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan sila dito sa gym.
Lunch break kasi namin kaya andito kami sa gym, tumatambay. At halos si Shanna at Axel na lang ang nag uusap. Okay, sila na sweet.
"Grabe no? Ang sweet nila. Gusto mo tayo din?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Marcus habang nakangiti.
"Guys!" Natigil ang pag uusap namin nang biglang dumating si Kean habang hinihingal. Kita ko yung pamumutla sa mukha niya.
"O? Mukhang nakakita ka ng demonyo?" Sabi ni Axel na katatapos makipaglandian kay Shanna. Hay, sila na talaga ang sweet.
"Tama. May demonyo akong nakita at papunta na siya dito." Seryosong sabi ni Kean. Lahat kami napatingin sa entrance ng gym at lahat kami ay halos manigas sa nakita namin.
Nakita kong tinago ni Axel si Shanna sa likod niya. Bakas sa mukha ni Axel ang takot.
"Hello everybody!" Masayang sabi ng babae na ngayon ay kaharap namin. Nakita kong napatingin siya kay Axel. Hindi, sa likod pala ni Axel.
"Who is she?" Nakakatakot yung boses niya. Kahit nakangiti siya ay ramdam mo ang nakakatakot na aura sa boses niya.
"Mom. Bakit ka nandito?" Sa wakas. Nagsalita na si Axel pero ramdam ko sa boses ni Axel yung takot niya. Maybe because of Shanna.
"Im asking you Axel. Who is that girl?" Nawala na yung ngiti sa labi ng Mama ni Axel kaya lahat kami ay namutla na. Tinignan ko si Shanna na namumutla na din at kita ko ang higpit nang hawak niya kay Axel.
"SHE IS MY GIRL!" Umalingawngaw sa buong gym yung boses ni Axel at lahat ng tao sa gym ay napatigil sa ginagawa nila.
"Axel. You don't need to shout. Im just asking you. Btw hija, nice meeting you." Sabi ng Mama ni Axel habang may ngisi sa labi.
"N-nice meeting you din po." Sabi ni Shanna at pagtapos nun ay umalis na ang Mama ni Axel. Natahimik lang kami nang biglang yakapin ni Axel si Shanna.
"Wag kang matatakot. Im here." Rinig kong sabi ni Axel pero nawala ang focus sa kanila nang may sinabi si Kean.
"Simula pa lang to. Alam kong sunod sunod na ang gagawing way ni Tita para mapaghiwalay si Shanna at Axel." Sa boses ni Kean ay mararamdaman mo yung galit niya. Nangyari na 'to dati at alam kong lahat kami natatakot para kay Shanna.
SHANNA'S POV
Nanginginig pa din ako at hindi pa din inaalis ni Axel yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakaupo lang kami sa gilid ng gym at parehas kaming tahimik.
"Okay ka na?" Tanong ni Axel. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian siya.
Nakakatakot naman kasi yung Mama niya. Parang di ko alam kung mahihimatay ako kanina o tatakbo na lang.
"Magsi-CR lang ako Axel. Mauna ka na sa classroom ha?" Paalam ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Agad akong pumunta sa CR at umihi. Paglabas ko ng CR ay may nakita akong babae. Hindi siya naka-uniform baka visitor.
"Uh. Hi Miss." Sabi niya habang nakangiti. Feeling close lang?
"Hello. Bago ka dito?" Nakangiting sabi ko.
"Hindi. Lumipat lang ako ng school nung 2nd year ako. Ikaw ba?" Tanong niya.
"Nandito na ako since 1st year. Babalik ka ulit?" Nakangiting tanong ko.
"Yes. Btw I'm Yna. And you are?" Nakangiting sabi niya habang inaabot yung kamay niya sa akin.
"Shanna." Nakangiting sabi ko.
"Sabay na tayong lumabas? Pupunta kasi ako sa Principals Office e." Napakaganda ng ngiti niya. Napakacalm at talagang masasabing mong mabait siya.
"Sure." Sabi ko at sabay nga kaming lumabas ng CR. Andami niyang kinikwento kaya natatawa ako sa kanya. Nalaman kong inampo siya ng isang mayamang Chinese na mag-asawa kaya lumipat siya nung 2nd Year siya.
"SHANNA!" Napatigil kami sa pagtatawanan nang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko ang banda na papalapit sa amin. Wala si Axel, siguro nasa classroom. Lahat sila seryoso ang mukha habang nakatingin kay Yna.
"Marcus. Papuntahin mo na si Shanna sa classroom niya." Seryosong sabi ni Ailee. Kita mo yung galit sa mata niya habang nakatingin kay Yna.
"Bye Yna! Sana maging classmates tayo pag nakatransfer ka na!" Sabi ko pero kinaladkad na ako ni Marcus papunta sa room. Nandun na si Axel kaya pinuntahan ko siya.
AILEE'S POV
Nakatingin lang ako ngayon sa babaeng kausap ni Shanna kanina. Gusto ko siyang sabunutan at iflush sa toilet.
"Bat ka nandito?" Seryosong tanong ni Kean. Nakita kong nagulat si Ry. Alam niyang hindi siya gaganyanin ni Kean.
"Diba sabi ko babalik ako? Im now here." Nakangiting sabi ni Ry. Napabuga na lang ako ng hangin at umiiling na tinignan siya.
Kinamumuhian ko siya. Bakit ngayon pa siya babalik kung kelan okay na si Axel? Kung kelan masaya na kami?
"2 Years Ryna. Madaming magbabago sa 2 years na yun. Even Axel, nagbago na siya." Matigas na sabi ko.
"Hindi pwedeng mawala lahat nang pinagpaguran ko Ailee. Lets get back to the old days." Nakangiting sabi niya.
"Sorry but you left us Ry. Hindi ka naghold on, sumuko ka kaagad." Sabi ni Kean at tinalikuran na namin siya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nasasaktan ako sa nangyayari. I miss Ry so much. Gusto ko siyang yakapin kanina pero natatakot ako para kay Shanna.
I like Shanna more than Ryna. At gagawin ko ang lahat para mawala si Ryna sa buhay ni Axel, Sa buhay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/28056998-288-k1173.jpg)
BINABASA MO ANG
Happily Never After (ON - HOLD)
Teen FictionEverybody witnessed how strong their love is, but they will also witness how it easily falls. But not all stories should end with Happily Ever After. Sometimes it should be.... HAPPILY NEVER AFTER.