Chapter 15 *Contract*

31 0 0
                                    


SHANNA'S POV

Halos sumabog na puso ko sa panghaharana ni Axel. Thank you at nakasurvive naman ako sa sobrang kilig.

"Hatid na kita?" Nakangiting sabi ni Axel habang nakahawak sa kamay mo. Nandito na kami sa labas ng studio at parehas kaming nakatingin sa langit.

Magdidilim na at kulay orang na ang kalangitan. Ang gandang pagmasdan.

"Sige." Sabi ko at sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ko.

***

Isang linggo na ang nakalipas at andito kami sa bahay dahil nga sa celebration ng birthday namin ni Axel.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday to you!" Masayang kanta ng banda. Wala kasi si Kuya, may work siya pero pumayag naman siya sa plano namin.

Nagsimula nang kumain sina Ailee at Thea. Si Kean naman at Marcus ay nag-iihaw ng barbeque. Nandito kaming lahat sa likod ng bahay.

"Oh ano Axel! Yung plano!" Naeexcite na sabi ni Marcus. Dinamba naman siya nang mahihinang suntok ni Axel kaya tumahimik siya.

"Anong plano?" Tanong ko habang nagpapaypay ng iniihaw. Umalis kasi si Marcus at kumain naman si Kean.

"Ha? Hehe. Basta. Surprise!" Sabi ni Axel.

Tumahimik na lang ako at dahil gutom na din ako ay kumuha ako ng pagkain ko pero nagulat ako nang agawin 'yon sa akin ni Axel at inabutan ako ng bagong plate.

"Ubusin mo yan babes!" Nakangising sabi niya. Agad ko namang kinain yung binigay niya. Ang weird niya ngayon.

Habang kumakain, napapansin kong panay ang tingin sa akin ng banda. Isama mo pa si Thea na malapad na nakangisi sa amin.

Agad ko namang inalis ang tingin sa kanila at pinansin na lang yung platong hawak ko. Makakalahati ko na 'to nang may mapansin akong kakaiba. Parang may nakasulat sa plato.

Agad kong hinawi yung pagkaing natitira at napanganga ako sa nakita ko. Napatingin ako sa banda at lahat sila ay nagpipigil na tumawa.

"Will you Marry Me?" Mahinang basa ko sa nakaukit sa plato. Napatingin naman ako kay Axel na namumutla pero nakangiti pa din.

"Ehem. Uh. I don't know how to explain my feelings for you. How deep is my love for you. I want you mine, Im scared that you might leave me. So, Ailee suggested that i should marry you but damn! We're still minors so they suggested that i should fake marry you. So uhh. Will you fake marry me?" Natatawang sabi niya. Natawa pa ako sa hawak niyang ring.

Simple lang yung ring. Parang wire lang siya.

"Uh. Yes?" Natatawang sabi ko. Niyakap niya naman ako at nagulat na lang ako nang may biglang tumugtog sa likuran namin. Yung kinanta sa akin ni Axel nung nakaraang date namin.

Natawa na lang ako nang biglang pumunta si Marcus sa harap namin.

"Exchange your vows!" Nakangising sabi ni Marcus. Kinuha ko naman yung singsing gaya nang nakikita ko sa movie at sinabi yung Vow ko kay Axel.

"I, Shanna Mae Santos will love Axel Xavier Xi forever."

"And I, Axel Xavier Xi will love Shanna Mae Santos Forever and Always"

Nag-exchange kami ng vows sa isa't isa na paramg totoo ang nangyayari. Sinuot sa akin ni Axel yung ring habang natatawa.

"Kapag totoo na 'to, bibigyan kita ng diamond ring." Sabi niya.

"You may now kiss each other!!!!" Naeexcite na sabi ni Ailee sa gilid. Napatingin naman ako kay Axel na nakangisi. Dahan dahan niyang nilapit yung mukha niya kaya napapikit ako.

Naramdaman ko na lang yung init ng labi niya sa labi ko.

"Tama na yan! Isign niyo na 'tong marriage license niyo!" Sabi ni Kean na may hawak na papel.

Nakasulat dun yung vows namin ni Axel at ang witness sa fake marriage na ginawa namin. Parehas naming pinirmahan 'yon.

"Bawal na kayong maghiwalay!" Masayang sabi ni Ailee habang tinitiklop yung papel at inabot sa akin. Inakbayan naman ako ni Axel at nagparty party ulit pero naupo kami sa gilid ni Axel habang magkahawak ang kamay.

"Sana ikaw yung lalaking hihintayin ako sa harap ng altar." Sabi ko. Naramdaman ko yung paghigpit nang kapit niya sa kamay ko.

"Don't worry. Ikaw yung babaeng hihintay ko sa harap ng altar. Lets be like this forever Shanna. Wag tayong maghihiwalay. I know that we can overcome all the problems." Sabi niya. Hinalikan niya ako sa sintido ko. Tumingin ako sa kanya at kita ko yung saya sa mata niya.

"I love you babes." Bulong ko

"I love you more than most."

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon