Chapter 12: Pinky Promise

48 0 0
                                    

SHANNA'S POV

"Binake ko 'to tapos di mo kakainin!" Inis na sabi ko kay Axel habang hawak yung carrot cake na binake ko.

"S-shanna. Hindi naman sa ayoko! Kasi ayoko talaga ng carrot cake!" Naguguluhang sabi niya.

"Edi wag. Ibibigay ko na lang kay Kyle 'to!" Sabi ko at tumayo.

Mag iisang buwan na kami ni Axel at ngayon ang first ever monthsary namin kaya pinagbake ko siya ng carrot cake kaso ayaw niya kaya nagtatampo ako dahil pinagpaguran ko 'to. Isa pa sinearch ko pa 'to sa net.

Naglakad na lang ako palabas ng room para hanapin si Kyle. Okay na kami ni Kyle, at inis na inis si Axel sa kanya dahil aagawin daw ako nito kay Axel.

"Wag kang lalapit kay Kyle!" Rinig kong sigaw ni Axel pero binalewala ko lang siya at hinanap si Kyle.

"Kyle!!!" Sigaw ko habang kumakaway kaway pa.

"Oh. Shanna? Break na ba kayo ni Axel? Hahaha" sinapok ko lang siya sa ulo at inabot yung cupcake ma binake ko.

"Sayo na lang. Ayaw ni Axel. Nakakalungkot. Monthsary pa naman namin." Malungkot na sabi ko pero ginulo niya lang yung buhok ko at binuksan yung box ng cupcake at tinikman yung isa doon.

"Ah. Carrot cake. Kaya pala. Alle---" Parehas kaming natahimik ni Kyle nang agawin ni Axel yung box ng cupcake at kinain yun isa isa.

"K-kala ko ayaw mo?" Natatarantang tanong ko. Kita ko kasi yung galit sa mata ni Axel habang nakatingin kay Kyle.

"Sabi ko ayaw ko. Wala akong sinabing ibigay mo kay Kyle!" Inis na sabi niya at naglakad papalayo habang bitbit yung box ng cupcake.

"Allergic siya sa carrots." Seryosong sabi ni Kyle na ikinagulat ko. Agad ko namang hinabol si Axel na ngayon ay nakaupo na sa classroom habang seryosong nakatingin sa labas ng bintana.

"A-axel." Mahinang sabi ko. Humarap naman siya sa akin pero hindi pa din naaalis yung pagkaseryoso ng mukha niya.

"S-sorry. Di ko alam na allergic ka sa carrots. Sana sinabi mo kaagad para di na kita napilit. Dadalhin na lang kita sa clinic!" Natatarantang sabi ko at hinatak siya patayo pero ramdam ko yung init ng braso niya kaya hinawakan ko siya sa noo.

"Omg! Bat ka nilalagnat?" Natatarantang tanong ko pero tahimik lang siya kaya agad ko na siyang hinila papuntang clinic. Pagdating namin sa clinic ay napansin ko na yung pantal niya sa leeg at nangangati na siya.

"Nurse! Kumain siya ng carrots. May allergy siya doon!" Natatarantang sabi ko. Agad naman siyang inasikaso ng nurse at pinainom siya ng gamot.

"Okay ka na?" Tanong ko habang nakaupo siya. Umalis kasi yung nurse kaya kami ang naiwan dito. Pinapahiga ko siya para matulog pero ayaw niya kaya nakaupo lang kaming dalawa.

"S-sorry ha. Hindi ko kasi alam." Nakayukong sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Nakakahiya kasi muntik na siyang mapahamak nang dahil sa akin.

"Ako dapat ang magsorry. Di ko nasabi sayo."

"Happy Monthsary pala." Malungkot na sabi ko at di ko alam pero tuloy tuloy na tumulo yung luha palabas ng mata ko. Buti na lang at nakayuko ako kaya di niya napansin pero hinawakan niya yung baba ko at hinarap ako sa kanya.

"B-bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya at pinunasan yung luha sa mata ko pero hindi pa din matigil sa pagtulo yung luha ko.

"K-kasi feeling ko ang sama sama ko tapos hindi ko alam ang tungkol sayo. Sorry na Axel. Sorry!" Umiiyak na sabi ko. Ang pangit pangit ko na siguro dahil iyak ako ng iyak at panay naman sa siya sa pagpunas ng luha ko.

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon