Chapter 20: Protect Her

53 0 0
                                    


SHANNA'S POV

Unti unti kong binuksan yung mata ko. Ramdam ko kaagad yung sakit ng ulo ko. Tumayo na ako dahil baka uwian pero may naramdaman akong may nakahawak sa kamay ko.

"A-axel..." mahinang bulong ko at inalog siya. Nakahiga siya sa gilid ko habang natutulog.

"Gising ka na pala. Uwi na tayo?" Nakangiting sabi niya habang nakapikit pa yung isa niyang mata. Gulo gulo din yung buhok niya. Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako.

"H-halika na." Pagyaya ko sa kanya at tumayo na ako. Nakita ko namang inayos ni Axel yung buhok niya at humihikab pa. Bigla naman niya akong inakbayan. Buhat buhat niya yung bag ko at sabay kaming lumabas ng clinic.

Hapon na kaya uwian na namin. Sabay kaming naglakad palabas ng gate. Inalis niya yung pagkakaakbay niya sa akin at hinawakan nang mahigpit yung kamay ko.

"Galit ka pa ba?" Tanong niya. Nagstop ako sa paglalakad at tinignan siya.

"First time kong mainlove Axel. First time ko ding nasaktan at sana naman hindi to ang first time na mabroken hearted ako." Seryosong sabi ko. Naramdaman kong hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo ko.

"I won't give up right? Basta hawakan mo lang yang pangako kong yan. Never tayong maghihiwalay." Sabi ni Axel at niyakap ako.

"PDA! WOOOO!" Napalingon kami ni Axel at nakita si Marcus, Ailee at Kean. Nginitian ko lang sila. Sabay sabay kaming naglakad at nagtawanan.

"Christmas break na. Ano balak niyo?" Tanong ni Ailee.

Oo nga pala. Christmas break na kaya uuwi sila Mama at Papa galing abroad. Dito sila palagi nagcecelebrate ng Christmas.

"Wala naman. The usual." Sabi ni Axel.

"Uuwi sina Mama at Papa dito. Baka dito sila magcelebrate ng Christmas." Sabi ko.

"Gusto kong makilala parents mo!" Sabi ni Axel.

"Ha? Bakit naman?" Nag aalangan na tanong ko. Baka kasi nakakahiya sa kanya at baka pagalitan ako ni Mama at Papa pag nalaman nilang may boyfriend na ako.

"Hmmm. Gusto ko silang makilala para masabi ko na di kita sasaktan." Nakangiting sabi ni Axel. Nag-init naman yung pisngi ko at nagtalunan yung mga palaka sa dibdib ko.

"S-sige. Sasabihin ko!" Nakangiting sabi ko. Hinatid na niya ako sa sakayan pero bago ako sumakay ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"I won't give up!" Masayang sabi niya at tinulak na ako papasok ng jeep.

Nginitian ko muna siya bago tuluyang umandar yung jeep. Panatag na yung loob ko sa kanya. Alam ko nang hindi niya ako sasaktan at kung gawin man niya 'yon ay alam kong may rason.

Alam kong mahal ako ni Axel at gagawin ko ang lahat para hindi masira ang relasyon namin.

AXEL'S POV

Nakangiti lang ako habang pabalik sa school. Di ko pa kasi nakuha yung mga papers na pinapatapos sa akin ng adviser ko sa English.

Papasok na ako ng school nang may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita ko si Ryna.

I love her before. Halos hindi na ako makafocus sa ibang bagay dahil sa pagmamahal ko sa kanya pero ngayong tinitignan ko siya ay wala na akong naramdaman kundi pain.

Iniwan niya ako. Iniwan niya kami so wala nang point para mahalin ko siya.

"A-axel. Let me explain." Garalgal yung boses niya. Nakayuko siya kaya di ko makita yung expression ng mukha niya.

"Ryna. Tama na. Nakamove on na ako. Wala na tayo." Sabi ko at marahang inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"U-umalis ako dahil may plano ako! A-axel. Nahirapan ako noon. Muntik na akong patayin ng Mama mo! Binantaan niya ang buhay ko!" Sigaw ni Ryna. This time nakaharap na siya sa akin at kita ko yung luhang tumutulo sa mata niya.

Hahakbang na sana ako para yakapin at patahanin siya pero ayoko. Natatakot akong ma-attach nanaman sa kanya.

"P-patayin?" Gulat na tanong ko. Hindi ko alam yung tungkol doon. Ang alam ko lang ay binantaan siya ni Mama na papaalisin siya sa Sapphire University at halos lahat ng teacher namin ay binagsak siya.

May inutusan din si Mama na saktan siya pero wala akong alam na pinapapatay siya ni Mama.

"O-Oo. M-mag isa ako sa bahay Axel. Takot na takot ako. Dumating yung Mama mo at tinutukan ako ng baril. Itigil ko na daw ang pakikipagrelasyon sa'yo. Kaya kinabukasan noon ay nakipaghiwalay ako sayo!" Humahagulgol na sa iyak si Ryna.

Hindi ko alam na kayang gawin 'yon ni Mama. Tinignan ko si Ryna at kita ko yung takot sa mata niya. Dahan dahan ko siyang niyakap at kinomfort.

"A-axel. Akin ka na lang ulit." Rinig kong bulong niya.

"Sorry Ryna. May iba nang nagmamay-ari ng puso ko." Sabi ko pero nakita kong nakatulog na siya sa balikat ko.

Agad ko naman siyang sinakay sa taxi at tinignan yung likod ng I.D. niya para tignan yung address niya. Sa village lang namin siya nakatira. Nag iba na pala siya ng bahay.

Nung nakarating na kami ay binayaran ko na yung taxi at binuhat siya papasok ng bahay nila pero napakunot yung noo ko nang makita ko si Mama na nakaupo sa sala habang may kausap na isang lalaki at babae.

"M-mom?" Naguguluhang tanong ko. Lumingon naman sila sa amin at mukhang natuwa si Mama sa nakita niya.

"Oh Axel dear. Nagkita na pala kayo ni Ryna. Btw, Mr and Mrs Zhang I want you to meet my son." Sabi ni Mom pero mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"He is going to be the future owner of Xi Corporation and the future husband of your daughter Ryna Zhang."

Napa-iling na lang ako. Nilapag ko si Ryna sa bakanteng upuan at humarap kay Mama.

"Nababaliw ka na Mom. Hindi ko gagawin yang gusto mo." Sabi ko pero mas lumaki pa ang ngiti niya. Mas gusto niyang hindi nasusunod ang gusto niya dahil paglalaruan ka muna niya at ikaw ang magmamakaawa para gawin ang gusto niya.

"Is it because of Shanna?" Nakangiting sabi niya.

"Don't you dare go near her or else kakalimutan kong nanay kita." Sabi ko pero isang sampal ang lumanding sa mukha ko.

"Let's see Axel." Nakangising sabi ni Mom at bumalik sa pakikipag usap kay Mr. and Mrs. Zhang. Nakatayo lang ako doon.

Pero paano sila naging parents ni Ryna? Ang alam ko ay patay na ang magulang niya. Tumingin na lang ako sandali sa natutulog na si Ryna at naglalakad papalabas ng bahay na 'yon na walang paalam.

Pinagkasundo niya nanaman ako sa ibang babae gaya nung naging kami ni Ryna dati. Napailing na lang ako.

I will protect Shanna no matter what at ipapangako kong hinding hindi na siya makakalayo sa piling ko. At hinding hindi kami mapaghihiwalay ni Mom sa laro niya.

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon