Chapter 10: Love

58 1 0
                                    


SHANNA'S POV

"Axel. Tell your Mom that i want to talk to her. Halos isubsob na niya yang sarili niya sa business niyo." Nakangiting sabi ni Tita Mariel habang kumakain kami. Mama siya ni Marcus at makikita mong sosyal talaga siya. Ngumiti na lang ako habang kumakain.

"Yes tita." Matipid na sabi ni Axel pero nakita ko sa mata ni Tita Mariel ang lungkot habang nakatingin kay Axel.

"Axel. How are you?" Ramdam ko yung lungkot sa boses ni Tita. Napatigil naman sa pagkain si Axel at sumandal sa upuan habang umiiling.

"Im fine Tita. Im just afraid, baka gawin nanaman nila yung ginawa nila dati. Natatakot ako para kay Shanna." Seryosong sabi ni Axel at hinawakan yung kamay ko.

Naikwento na kasi nila ako kay Tita Mariel, na ako daw ang bagong nililigawan ni Axel.

Humarap naman sa akin si Tita Mariel at nginitian ako. Kahit may edad na siya, mukha pa din siyang bata.

"Shanna hija, wag kang susuko. We are all here to support you." Nangungumbinsing sabi ni Tita at nginitian ako. Ngumiti na lang ako kahit di ko naiintindihan yung sinasabi nila.

"A-ano po bang meron?" Nahihiyang tanong ko habang hindi pa din inaalis yung ngiti sa labi ko.

"Soon Shanna. Soon." Sabi ni Tita at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagtapos namin kumain ay nag usap usap muna kami sa sala at umuwi na pagkatapos. Habang naglalalad kami ni Axel papunta sa sakayan ko ng jeep ay parehas kaming tahimik.

"A-axel. Umuwi ka na kaya, maggagabi na din kasi. Baka pagalitan ka ng parents mo." Sabi ko. Tumingin lang siya sa akin at nginitian ako.

Lumibel siya sa akin; mas matangkad kasi siya sa akin. Halos matunaw na ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin na para bang hinihigop ang kaluluwa ko.

"Mahal na mahal kita. Mag ingat ka ha?" Halos tumalon ang puso ko sa saya. Nagnod lang ako at nagsimula siyang maglakad papalayo. Nakatingin lang ako sa likod niya at hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang..

"Mahal din kita!" Napatigil si Axel at parang tumigil amg paligid. Parang kaming dalawa lang ang nandoon. Dahan dahan siyang tumingin sa akin, kita yung pagkagulat sa mukha niya at saya.

Ngumiti na lang ako habang papalapit siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at tinignan ako nang diretso sa mga mata.

"A-anong sabi mo?" Tanong niya. Ngumiti lang ako at nagpout.

"Bawal ng ulitin." Nahihiyang sabi ko. Ngumisi naman siya nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko yung mabango niyang hininga.

"Hahalikan kita." Nakangising sabi niya. Nanigas naman ako aa kinatatayuan ko, nakatingin ako sa mata niya habang nanlalaki yung mata ko. HAHALIKAN?!

"One....two...three... okay. Gusto mo yata ng kiss." At dahan dahan niyang nilapit yung labi niya pero bago niya pa mahalikan yung labi ko ay sinabi ko na ulit yung tunay na nararamdaman ko sa kanya.

"Mahal kita." Pero madaya siya. Hinalikan niya pa din ako, ramdam ko yung labi niya sa labi ko at halos lumabas na yung puso ko sa nararamdaman ko.

"Mahal na mahal din kita." Sabi niya pagtapos angkinin ang labi ko. Ngumiti siya sa akin at mabilis akong niyakap.

"Tayo na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa noh! Manligaw ka muna!" Nakangising sabi ko pero ngumiti lang siya at kinurot yung pisngi ko at hinalikan ako doon.

"Sige mahal na prinsesa!" Masayang sabi niya at hinawakan ako sa kamay. Ihahatid niya na daw ako sa sakayan at magtataxi na lang daw siya.

Bago pa kami maghiwalay ng landas ay hinalikan niya muna ako sa noo at umalis na.

Happily Never After (ON - HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon