C H A P T E R 0 1

1.5K 59 19
                                    


"Real friends stab you in the front."

[Billy Fhiel's POV]

"Hoy pre, ano na naman bang pormahan yan? Tignan mo nga yung sarili mo pre, ang weirdo mo tignan tapos ang panget pa ng datingan. Diba sinabihan na kita nung isang araw na wag kang magsuot ng ganyan at saka pre, tanggalin mo na rin yang eyeglasses mo, mas lalo lang kitang pagtatawanan dyan eh HAHAHHAHA ." mapang asar na sabi ng gago kong tropa na si Karl habang nakaakbay sakin.

Nagsisimula na naman ang panibagong araw, habang tinitignan ko ang magandang kalangitan. Ano bang nakakaweirdo sa suot suot kong jumper? At hindi naman baduy tong eyeglasses na suot ko ngayon ha, kainis naman .

"Tigilan mo nga yan Karl Wojtyla. Huwag ka ngang makialam kung anong susuotin ni Billy, ang cute kaya nya kaya tignan. Baka gusto mo ding palitan yang suot mong varsity jacket ? Feeling pogi ka na naman , mukha ka namang tarsier dahil dyan sa malaki mong mata!" sabi pa ni Bea.

Ang ganda talaga niya. Siya pa palaging nagtatanggol sa'kin simula nung bata pa kami , siya yung Guardian Angel ng buhay ko. At ito naman ang grupo ng mga kaibigan kong nagbabangayan ng harap harapan. Walang kinikilingan at walang kinakatakutan pagdating sa harap harapang bangayan. Sabi nga nila "Ang totoong kaibigan, minumura ka harap harapan" kaya para sakin, sila talaga yung mga totoo kong kaibigan. Kahit ganyan sila kaingay at kagulo, pinagkakatiwalaan ko padin yang mga yan.

"Okay ka lang ba Billy? Bakit ka ngumingiti kay Beatrix dyan? Ikaw huh, may gusto ka kay Beatrix noh? Yiieeee ang cute niyo pag naging kayo na, hihi. Imagine nin kapag naging kayo na tapos may balak mang away sayo, siya ang lalaban para hindi ka masaktan. Pustahan pa Billy hinding - - hindi niya yon aatrasan." Ito na naman si Leigh sa pagrereto niya sa'kin kay Bea. Hayyy hindi na ata to titigil sa nakasanayan niya.

Parang hindi ko talaga matiis o makayanan pa kapag mawala itong grupong ito sa buhay ko. Sila ang nagtatayong pangalawa kong pamilya at isa sa mga inspirasyon ko sa buhay. Sila yung laging nandyan at handang makinig sa mga problema ng bawat isa. At kapag usapang kaibigan lang naman, sila talaga yung tipong maasahan at makakapagkatiwalaan mo.

"Bil, nakita mo ba si Azi? Bakit wala pa siya dito? Akala ko maaga yun dadating dahil magbabagong buhay na raw sya. Hindi pala talaga yun nagbabago ke't kailan. Kinakain niya padin yung mga sinasabi niya." nagrereklamong sabi ni Ker habang inip na inip na sa kakahintay kay Azi.

Nakatambay kami sa canteen ngayon habang naghihintay sa oras ng mga klase namin. Hindi ko lubos maisip na sa grupong ito ako mapapasama. Hindi ko akalaing sa mapakla kong buhay, may dadating pala para ganahan ako sa takbo ng sarili kong mundo.

"Baka magkasama sila ni Jyra, Ker. Alam mo naman mahihilig yun sa mga surprises. Baka susupresahin ka nung dalawang yon. Mabigla ka nalang ng pagdating nila may dala na yun na babae para sa'yo. Ayos yun diba? Hahahaha" banat pa ni Karl na palagi nalang kalokohan ang nasa isip.

Habang naghihintay kami sa dalawa, kusa kong nararamdaman na may tumitingin sa'min. Ewan ko ba, baka guni guni ko lang talaga yun. Baka manliligaw o stalker na naman yun ni Bea o hindi kaya kay Karl. Kahit malaki mata ni Karl maraming may nakatingin sa kanya, mapakaliwa man o mapakanan may mga matang nag-aabang sa kanya. Isa kasi siya sa varsity sa larangan ng volleyball sa school namin at kasama nadin don si Ker.

Tas si Bea, siya naman pambato lagi sa pageantry dito sa school. Saka si Leigh naman, mahilig sa mga paranormal activities, ang weird diba. Tas si Azi at Jyra sila yung matatalinong mga nilalang saming magkakaibigan.

At ako? ewaannnn.

"Pst Billy , may naghahanap daw sayo oh. Bat palagi kang nakakatunganga dyan kanina kapa tinatawag ni Beatrix." sabat ni Leigh sa mga iniiisip ko.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon