C H A P T E R 1 8

273 18 4
                                    

"Life is a journey that must be traveled no matter how bad the roads and accommodation is."

[Ker Kyte's POV]

Nakatayong naghihintay ako ngayon kina Karl na dumating dito sa village namin nang may matanggap akong text galing sa isang unknown number. Madalang lang talaga na may magtext sa'kin dahil hindi ko naman pinamimigay phone number ko. Kaya nagtataka ako ngayon kung sino tong nagtext sa'kin at saan o kanino niya nakuha itong phone number ko? Baka importante din naman yung text niya kaya agad ko itong binuksan at binasa yung mensahe dahil na din sa kuryosidad ko.

-

+639254369110

Alam ko ang sikreto mo :))

-

Hindi ko inaasahan itong mensaheng natanggap ko. Nagbibiro ba siya? Sino to? Stalker ba'to? Hahaha, pambihira. Ano namang mapapala niya sa sekreto ko? Gagong nilalang , masyadong nakakatawa naman itong taong nasa likod ng numero na'to. Mukhang pinagtitripan lang yata ako nito eh. Blinock ko nalang ang number nito at hindi na pinansin.

Nababagot na ako kakahintay dito kina Karl na dumating. Ba't antagal ng mga gunggong na yun? Halos 30 minutes na akong nakatayo dito na parang batang iniwan muna saglit ng magulang. Nanlalmbot na ang tuhod ko dito kakatayo habang naghihintay sa kanila dito sa labas ng gate namin. Akala ko malapit na sila? Pinalabas pa talaga nila ako para daw dire - diretso na yung byahe namin pero hanggang ngayon wala pang van ni Karl na dumating? Papasok na sana ako sa bahay para kukuha ng mauupuan dahil ubos na talaga yung pasensya ko kakatayo dito sa labas ng may biglang bumusina. Tinignan ko ito at natanaw ko na talaga sa wakas ang paparating na van. Whoaahh timing!

"Ba't antagal niyo? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas dahil sabi ni Jyra na malapit na daw kayo rito pero pinaghintay niyo pa talaga ako ng 30 minutes? Sakit na kaya ng tuhod ko kakatayo dito.  Alam niyo ba yun?" salubong na reklamo ko nung binuksan na ni Azi yung pintuan para papasukin ako.

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na dapat nakatayo kang naghihintay dito sa labas?" may puntong tanong sakin ni Azi.

"Itong si Jyra." turo ko pa kay Jyra na mukhang wala man lang pake sa nangyayari ngayon sa paligid. "Nagchat siya sa'kin na maghintay daw ako sa labas para dire-diretso na ang byahe." pagpatuloy ko pa sa pagrereklamo ko.

"May sinabi ba akong dapat nakatayo ka habang naghihintay sa'min?" sarkastikong tanong pa ni Jyra sa'kin.

"Ayan pala pre eh , problema muna yun ba't ka nagpauto. Mukhang ikaw ata yung ginantihan nitong si Jyra eh, hahaha." sabi naman ni Billy na hindi man lang natugma ang sagot niya sa'ming pinag - uusapan. Anong nagpauto ang sinasabi ng isang to? Isinawalang bahala ko nalang yung sinabi ni Billy.

"Ano ba kasing nangyari? Anong gantihan ba yan?" nagtatatakang tanong ko naman kay Azi na katabi ko ngayon dito sa pinakalikod kasama si Jyra.

"Eto kasing si Karl pinaghintay din si Jyra sa labas dahil raw malapit na sila. Ayun naghintay naman ang uto-uto ng isang oras, hahaha." nilingon ni Azi si Jyra na wari'y nang-aasar.

"Madali lang naman talaga dapat yung byahe. Pero pinakain lang talaga ako ng umagahan kina Leigh tas traffic pa kaya natagalan ng konti. Hindi ko naman alam na naghihintay na pala si Jyra." pagrarason pang sagot ni Karl kay Azi.

"Kumain lang ba talaga?" sabat na tanong naman ni Jyra na ikinagulat ni Karl.

"Anong ibig mong sabihin? Ano pa ba pwede kong gawin? tanong pa ni Karl na nag-iisip din sa tinanong sa kanya. "Diba yung traffic pa nga?" agad na dagdag niya.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon