C H A P T E R 2 3

264 15 2
                                    

"Sometimes you need someone to be there for you. Not to fix the problem or offer advice or do anything in particular , but simply to be there. To show up. To be present with what you're feeling. To see what you're going through. To see you, understand you."

[Azchiechia Neshwil's POV]

"Jyra?" bulong ko pang tawag sa paligid ngayon. Pilit kong hinihinaan yung boses ko sa pagtawag sa kaniya dahil baka nandito lang sa paligid sila Karl at Leigh na nag - aabang lang din sa'min kumg sino yung unang lalabas. Ayaw kong ako ang una nilang makita at nag - iisa pa naman ako ngayon at baka makagastos pa ako ng malaking halaga sa kanila.

Shet, nakakatakot pala tong nilaro namin ngayon. Naninindig yung balahibo ko habang patuloy na naghahanap ng komportableng matataguan dito sa masikot na parang isang gubat sa likod ng bahay na tinitirhan namin ngayon.
Nawala pa talaga si Jyra sa tabi ko ngayon. Nagkahiwalay kasi kami ng landas at natatakot na ako kakalakad dito sa madilim na lugar na ito. Hindi pala biro tong iniisip na laro ni Karl ngayon. Sana hindi nalang ako pumayag o sumali man lang dito sa kagaguhan niya.

"Jyra? Si Azi to." bulong ko ulit na patuloy sa pagbabakasakaling malapit lang si Jyra dito sa lugar na tinatayuan ko ngayon. Paano na'to? Baka mawala pa ako sa madilim na lugar na'to. Tanging ang buwan lang talaga ang nagbigay liwanag sa nilalakaran ko ngayon.

"Makaupo na nga lang muna. Kapagod naman pala tong nilalaro namin eh, badtrip nawala pa si Azi" dinig ko pang tinig ni Jyra sa kung saan.

'Si Jyra ba yun?' biglang naganahan yung pagod kong diwa nung narinig ko ang boses niya. Agad kong sinundan kong saan ito nanggaling at ensakto nga ang hula ko , si Jyra nga ito. Dahan - dahan ko siyang pinuntahan sa pwesto niya habang aliw na aliw naman siya kakanood sa maliwanag na buwan na mukhang may malalim pa na iniisip.

"Jyra okay ka lang?" agad kong tanong paglapit sa kaniya at may nakita akong dumaplis na luha sa kaniyang mga mata.

"Putspangina Azi, ba't nanakot ka?!" biglang sigaw na pagsabi niya sa'kin dahil siguro sa pagkabigla niya. At agad niya namang pinunasan yung luha na nasa mga mata niya at binalik ang atensyom sa mapayapang buwan. Gusto ko sanang tawanan siya sa reaksyon na pagkabigla niya pero nangingibabaw parin yung awa na nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.

"Anong problema mo Jyra? Pwedi bang malaman ko yun?" kalmado kong tanong sa kaniya at tinabihan siya sa kaniyang pwestong inuupuan niya ngayon.

Hindi siya kumibo at patuloy parin siyang malikot na nakatingin sa buwan at sa mapayapang kalangitan. Ibinaling ko nalang din yung atensyon ko sa namamayapang kalangitan.

"May falling star Jyra oh, nakita mo yun?" turo ko pa sa direksyon kung saan nakita ko yung hulog ng langit na siyang nag papaalala sa'kin ng sinabi ni Leigh sa'min.

"Nagamit mo na ba yung falling star na sinabi ni Leigh sa'tin Jyra?" pagkuha ng atensyon ko sa kaniya.

"Ang lawak ng kalangitan noh? Naalala mo pa ba kaya yung panahon na gusto pa natin dalawa maging space commander para lang makapunta dun sa kalakawan?" pilit na pagpapawala ko sa mga iniisip niya ngayon. Mukhang ang lungkot na naman kasi ng mata niya ngayon.

"Hahaha, nakakamiss naman pala yung panahon na yun Jyra noh?" ano kaya ang problema ng babaeng to? Deadma lang naman pala ako nito palagi eh. Nakakadisappoint namang isipin na hindi man lang niya binigyan ng maliit na halaga yung konting efforts ko. Jk, kadiri maging oa.

"Pwedi ba kayang gamitin yung falling star para mabalik lang yung pamilya ko Azi?" biglang tanong pa ni Jyra sa'kin na siyang ikinagulat ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alam ko noon pa na patay na ang mama't papa niya pero hindi ko inaasahan na hanggang ngayon pala ay nalulungkot pa din siya sa pag panaw sa mga magulang niya na silang pinaghuhugutan niya ng lakas.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon