C H A P T E R 0 5

381 40 2
                                    

"A true friend is someone that knows how crazy you are and still willing to be seen in public with you."

[Karl Wojtyla's POV]

"Leigh, Leigh, Leigh. Gumising kana diyan at para masimulan na ulit natin ang paglalakbay." pagyuyugyog ko at pilit na pag gising kay Leigh na nahimatay kanina.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya at tinignan ako ng maigi sa mukha. Inoobserbahan niya ang mukha ko na para bang galing siya sa isang coma. Agad niyang inilibot ang paningin niya sa lugar na tinigilan namin ngayon.

"Nasan tayo? A-at b-ba't nandito pa kayo?" nagtataka tanong ni Leigh sa'min.

"Okay ka na ba Leigh Leigh?" nag-alalang tanong ni Billy para sa kanya.

"A-no bang nangyari?" pagbabalewala niya sa tanong ni Billy.

"Namutla ka nalang bigla kanina at biglang nawalan ng malay. At oo nga pala, kaya mo pa bang lumusob ulit sa ilog? Para ipagpatuloy nalang natin ang paghahanap sa 'Hidden Falls'. Pero kung hindi mo pa kaya magback-up nalang tayo para makapagpahinga ka ng maayos dun kina Azi" sagot naman ni Bea kay Leigh.

Nagbuntong hininga si Leigh sa sagot ni Bea at agad tumayo. Parang natanggalan ng tinik sa dibdib yung mukha niya, ang laki kasi ng ngiti habang minamanmanan ang lugar kung saan kami tumigil. Para siyang baliw tignan sa ganung kalagayan, ang weirdo talaga.

"Uh-mm, okay naman ang katawan ko. At kaya ko pang lumusob ulit sa ilog. Parang napagod lang ata talaga kanina. Tara na, ipapatuloy na natin yung paglalakbay para hindi na masayang yung oras." sagot niya kay Bea habang nakangiti.

"Ang weirdo mo naman Leigh, para kang sinasaniban ng pitong demonyo HAHAHAHAHA!" pang-aasar ko kay Leigh.

Tinitigan niya lang ako ng masama bilang ganti niya sa pang-aaasar ko. HAHAHAHA, natatawa ako sa pagmumukha niya, pffttt. Ang weirdo talaga.

Tumayo na kaming lahat at sinimulan na ulit ang paglalakbay sa paghahanap ng 'Hidden Falls' kuno na sinabi ni Neshwil. Habang naglalakad kami nakita kong nahihirapan si Leigh sa pagdala ng gamit niya. Nahimatay pala to kanina kaya mukhang walang lakas para magdala ng mabigat na gamit, mukhang hindi pa nakarecover. At kanina, kaya hinimatay siya ay dahil hindi talaga sya yung tao na pang adventurous type kaya siguro hindi niya agad na adopt ang paghahiking kaya nabigla yung katawan niya.

"Oy Leigh, ako na lang magdala nyang mga gamit mo. Mukhang hirap na hirap ka eh." suhestiyon ko kay Leigh dahil naaawa lang ako sa weirdo.

"Sus, pasikat." dinig kong bulong ni Jyra.

"Hoy Jyra, kung bumubulong bulong ka dyan, siguraduhin mong walang nakakarinig sa'yo. Nagmamagandang loob na nga yung tao eh." asar na sabi ko kay Jyra.

Bwisit to, naaawa na nga ako kay Leigh tas kokomento pa tong isang toh. Baka nagseselos lang din to ah. Iba talaga kapogian ko, HAHAHAHAHA. Ang raming nahuhulog sa karisma ko pati ba naman kaibigan ko? Whooaaah!

"Feeling mo naman, hindi naman ikaw yung pinaparinggan ko ah." sagot pa ni Jyra at pagdedepensa niya para sa'kin.

Ginagalit talaga ako ng isang to. Hindi naman lang kasi umamin na may nararamdaman siya sa akin. Ma-ang-maangan pa talaga.

"Edi sino kung ganun ha!?" asar na tanong ko sa kanya.

"Yun, oh! Yung ibon na parang nanliligaw sa babaeng ibon." turo niya pa sa dalawang ibon na para ngang nagliligawan sa isang sanga. Ang haharot, ang sarap adobohin.

Haayyyy. Mga rason niya talaga ay puro bulok. Sa kapogian kong to!? Ginawa niya akong kahihiyan! Kaasar naman.

Inalis ko nalang sa isip ko ang kahihiyang dulot ni Jyra sa'kin. Binigay naman ni Leigh yung bag nya at nagpatuloy na din kami.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon