C H A P T E R 1 3

246 21 6
                                    

"As we go on, we remember all the times we spent together and as our lives change come whatever, we will still be friends forever."

[ Azchiechia Neshwill's POV ]

"Congrats Ms. Azchiechia Neshwill Travero!" galak na pagbati sakin ng isa sa mga guro sa entablado, sabay abot sakin ng diploma na hinahangad ngayon ng bawat estudyante na nandito ngayon.

Nakakalungkot man isipin na wala akong magulang na kasama sa pag akyat sa entabladong ito. Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan ko na kasama ang mga magulang nila sa espesyal na araw na ito. Makikita mo talaga ang mga ngiti sa mga labi ng mga magulang nila kung gaano sila kasaya at ka-proud sa mga anak nila. Sana andito din sila, kahit makita man lang ang pag-akyat ko sa entablado na dala dala ang aking diploma.

"Ma, pa, graduate na po ako sa highschool. Tutuntong na po ako sa kolehiyo, at ipapangako ko sa inyo na kahit di ko man kayo nakakasama, makakapagtapos ako at magiging matagumpay. Pangako yan." sabi ko pa habang naglalakad papunta sa mga kaibigan ko.






[ Leigh Chanelle's POV ]

"Adam, Leigh Chanelle P." tawag sakin mula sa entablado, hay sa dinami daming apelyido sa section naming na pwedeng mauuna, ako pa talaga.

Nakababa nako sa entablado kasama si Mommy at nagpicture picture kami hihi. Di ko maimagine na graduate na talaga kami. Andami kong mamimiss sa paaralang ito, yung mga kaibigan ko, yung mga kaklase ko at teachers ko, pati nadin yung mga creepy na nangyayari sa paaralan na ito. Sabi pa nga nila, dati daw tong sementeryo kaya di na ako magtataka na madaming multo dito.

Habang inaalala ko yon, di ko namalayan na napahiwalay na pala ako sa tabi ni Mommy. Bahala na, itetext ko nalang siguro sya. Pumunta muna ako sa banyo dahil ihing ihi na ako. Wala naman akong choice kundi gamitin yung banyo na pinakamalapit kung saan meron daw nagpakamatay na esudyante. Huhu bahala na kesa naman mapaihi nako ng tuluyan dito sa daan. Siguro di naman siya magpapakita sa akin.

Umiihi ako ngayon at narinig kong may malakas na kumalampag ng pinto sa isang cubicle. Wala namang tao akong nakitang pumasok ah huhu bakit ganon? Ayan na nga ang sinasabi ko eh! Nagmumulto na sya.

"Alam kong isa kang kaluluwa, pero please naman di naman ako manggugulo ih! Umiihi lang naman ako ih, pagkatapos ko dito, sayong sayo na yung banyo huhu." pakiusap ko pa sa kaluluwa na kasama ko dito sa banyo ngayon.

"BLAGGGG! BLAGGGGG!" paulit ulit na kalampag na narinig ko.

Ayan na sya! Ayan ang multong sinasabiko. Anong gagawin ko? A. tatakbo? B. tatakbo? C. tatakbo? Sabi ko na nga ba eh none of the above huhu anong gagawin ko? Baka kasi pag tumakbo ako, makita ko syaaa. Wahhh! Mama! Tulungan nyoko!

"WAHHH! Alam kong ikaw yung nagpakamatay dito. Please umihi lang naman intensiyon ko sa banyo na ito ih. Please tumi-" naputol ko ang sasabihin ko.

"BLAGGGGGG!" malakas ulit na kalampag ng pinto sa katabi kong cubicle. Grabe ito ba graduation gift ko? Huhu buti nalang graduate na ako at di na ako ulit papasok sa banyong ito.

Pagkatapos ng nakakatakot na pangyayari ay tumahimik na ang kaluluwa na kasa-kasama ko kanina. Dali dali akong lumabas mula sa banyo at bumungad sa akin ang isang regalo. Dahil sa takot hindi ko na nagawang buksan pa ang regalong natanggap ko, at agad akong tumakbo ng mabilis pa sa kabayo. Dahil sa pagmamadali kong makalabas sa nakakatakot na banyo na iyon, nakabangga ako ng kung sino.

"Sorry po, nagmamadali po ka- Azi? Bakit ka umiiyak dyan? Okay ka lang ba?" tanong ko kay Azi na namumula ang mata.

"Umiiyak agad Leigh? Hahaha napuwing lang ako dyan nukaba. Ang lakas kasi ng hangin tas ayon pumunta sakin yung mga alikabok. " paliwanag pa sa akin ni AZi.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon