C H A P T E R 2 0

277 23 4
                                    

"The best thing to spend on your friendship is time, conversation , understanding, and honesty."

[Ker Kyte's POV]

"Tol huwag ka namang mang-apak ng mas nakakagwapo sa'yo" pagrereklamo ni Karl sakin.

Magkasama kami ngayong lahat na paakyat sa ikalawang palapag ng bahay na ito at aksidente kong naapakan yung kaliwang paa ni Karl na siyang ikinareklamo niya. Busy kasi akong nagmamasid sa selpon ko na kanina pa nag-aabang na may matanggap na kahit isang reply sa bagong unknown number na nagmensahe sa'kin na siyang dahilan sa hindi ko pagkita sa mga inaapakan ko. Pawala-wala pa naman ang signal sa lugar na ito at maswerte ka kung isa ka sa maka-timing sa hindi masyadong malakas na signal.

Kanina pa ako hindi mapakali dito dahil sa panibagong natanggap kong mensahe. Isa na naman itong pagbabanta parehas nung ginawa nung una kong natanggap kanina habang naghihintay ako na pick-upin nila Karl. Iisa lang kaya ang may gawa nito sa natanggap kong text kanina?

Habang busy pa din akong naglilikot sa selpon ko ay aksidente akong nabangga sa likuran ni Billy na hindi niya man lang din pinansin dahil busy din siya kakatingin sa selpon niya. Napansin ko din na kanina pa siya naglilikot sa selpon niya na siyang dahilan ng matinding kuryusidad ko ngayon. Hindi kaya siya itong nasa likod ng mga pantitrip na ito? Tsk, Hindi naman ganung tao si Billy.

"Hoy" pagkukuha pa ni Karl sa atensyon ko na hindi ko pinansin agad dahil sa panibagong mensahe na natanggap ko sa bago na namang unknown number.

-

+639215863259

"Sumama ako sa inyo."-Hermione

-

Ha? Sino na naman 'to? Tsk, imbes na magpahinga sa bakasyon na'to parang pinapagulo talaga ata nila yung bakasyon ko, nakakapikon. Hindi na nakakatuwa yung ginagawa ng nasa likod ng lahat ng ito.

"Hoyyyy!" kuha ulit ni Karl sa atensyon ko ng makarating na kami sa ikalawang palapag.

"Anoooo ba!?" pikon ko pang tugon sa kanya.

"Chill pre" lokong tugon niya pa sa'kin habang nakataas ang dalawang kamay na natatawa. "Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo di ka naman nakikinig , hahaha. Gusto ko lang naman sabihin na pahiram ng extrang brief" tugon pa nito sa'kin.

"Wala akong extra brief dun ka manghiram kay Billy" diretsuhan kong sagot sa kanya.

"Tsk, akala ko dinalhan mo ako ng extra brief" pagpaparinig niya pa sa'kin.

"Kadiri kayo. Naghihiraman kayo ng brief?" nandidiring tanong pa sa'min ni Jyra.

"Hindi ako kasali diyan, silang dalawa lang." singit pa ni Billy sa usapan na tinigilan na din yung kakaselpon niya.

"Anong hindi ka kasali? Hoy pre, huwag mong kalimutang hindi mo pa sinuli yung Calvin Klein na brief ko. Isuli mo yun dahil bigay yun sa'kin nung ka fling ko dati." sabi naman agad ni Karl kay Billy.

"Kukunin mo pa ba yun? May butas na yun sa bandang pwet eh pinakain ko sa daga." natatawang tugon naman ni Billy sa kanya.

"Tigda-dalawa ba tayo sa tig-iisang kwarto? Inaantok na ako." tanong pa ni Bea na humihikab na.

"Sama-sama nalang kaya tayong lahat na mga babae sa iisang kwarto? At ganun na lang din silang mga lalaki." suggest pa ni Leigh sa'min. Natatakot lang tong isang to eh.

"Sige na, matulog na lang muna ako ng una sa inyo." walang ganang tugon pa ni Bea sa'min at papasok na sa isang kwarto kung saan sila matutulog. Parang hindi in good terms si Billy at Bea ah.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon