C H A P T E R 1 2

308 22 4
                                    


"Time and good friends are two things that become more valuable the older you get."

[Ker Kyte's POV]

Nandito na ako ngayon sa simbahan kasama ang aking mga kaibigan at nanalangin para sa'ming mga sariling intensyon. Ang sarap talaga magsimba basta kasama mo yung tropa. Nakakagaan lang ng loob isipin na sasamahan ka nila hindi lang sa mga kalokohan kundi pati na din sa mga kabutihan. Wala muna kaming imikan habang nakikinig na kami sa Homily ng pari. At ang ganda pa ng homily ngayon dahil patungkol ito sa iba't - ibang uri ng pagmamahal.

"Mayroon tayong apat na uri ng pagmamahal na ating mamarapatin ay napakaimportante sa ating buhay. Ang pagmamahal ay isa sa mga instrumento upang tayo'y magkaisa at makaramdam ng totoong kasiyahan sa ating buhay." panimula pa ni Fr. Vince sa kanyang sesermunin.

"Ang pinakaunang uri ng pagmamahal ay ang pagmamahal Philia. Ang Philia ay ang pagmamahal sa kaibigan o pagmamahal na ipinaparamdam ng mga magkakaibigan sa isa't isa. Lahat tayo dito sa mundo ay may tinuring na iisang kaibigan o mga kaibigan man yan. Ang ating mga kaibigan ay isa sa mga regalo ng Diyos upang magbigay sa'tin ng saya at bagong timpla sa ating buhay." pasabi pa ni Fr. Vince para sa'ming nagsisimba.

Oo nga naman sino bang hindi makaramdam ng kasiyahan habang kasama ang mga kaibigan? Ang manhid naman nun. At naniniwala talaga ako na itong aking mga kaibigan ay isa sa mga pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos para sa'kin dahil sila ang isa sa mga nagpapatunay na sa isang grupo ay dapat natin handang tanggapin ng buong puso ang kasapi ng myembro. Sila yung isa sa mga palaging nandyan para sa'kin upang labanan ang mga problemang nais sumisira sa buong pagkatao ko.

"Alam ng bawat isa sa'tin na ang kaibigan ay isa sa ating matatakbuhan pag wala na tayong makakapitan. Kaya aking mga kapatid, nawa'y pahalagahan niyo ng mabuti ang iyong kaibigan at ipakita niyo sa kanila palagi kung gaano niyo sila kamahal at gaano sila ka importante sa inyong buhay." pagtatapos pa ni Fr.Vince para sa pinakaunang uri ng pagmamahal.





[Billy Fhiel's POV]

Habang nakikinig sa sermon ng pari nakita ng aking mga mata ang mga kaibigan kong ang pokus kung makakinig para sa homily ngayon. Nakakarelate din kasi ng sobra yung mga homily ni Fr.Vince.

"Dadako naman tayo sa ikalawang uri ng pagmamahal na tinatawag nila bilang Eros. Ang pagmamahal na ito ay tumutukoy sa pagmamahal ng lalaki sa isang babae at sa babae sa isang lalaki. Ang pagmamahal na ito ay para sa mga nakilala mo minsan na ngayo'y di mo na kaya pang mawala o pakawalan pa." pagkasabi ni Fr.Vince nun ay agad kong tinignan si Bea sa hindi alam na dahilan. At nung eksaktong pagtingin ko sa kanya ay namataan kong nakatingin din pala siya akin. Agad niyang iniwas yung mga mata niya pagkakita niya sa akin. Iniwas ko nalang din yung paningin ko habang may dalang ngiti sa labi.

"Ang Eros ay nagpapakita ng pagmamahal ng dalawang tao ang sangkot. Nais kong ipaalam sa inyo na kapag dumating na iyong babae o lalaki man na iyon sa inyong buhay huwag niyong kalimutang magpasalamat sa ating Diyos sapagkat binigyan niya kayo ng taong tumatanggap, umiintindi , at nagmamahal para sa inyo." tugon pa ni Fr.Vince na mukhang ako yung pinapatamaan na alam kung hindi naman. Ngunit nagpapasalamat padin ako sa Diyos sapagkat ay ibinigay niya sa'kin si Bea at kung paano niya ako unti - unting tinulungan ibahin yung perception ko sa buhay. Pinalakas niya ang loob ko para sundin yung mga gusto o kahit yung mga pangarap ko.

"Ang pagmamahal na Eros ay ang uri kung saan tinutulungan kayo upang magbago sa magandang paraan ng isang tao. Tinutulungan kayo sa mga problema at sila ang isa na iyong masasandalan at magbibigay inspirasyon sa inyong buhay." pagtatapos namang sabi ni Fr. Vince sa pangalawang uri.

Si Bea agad ang sumagi sa isip ko sa sinabi ngayon ni Fr. Vince. Parang sinakop ni Bea lahat ng nasa isip ko ngayon. Si Bea kasi yung tipo ng isang tao na nagbibigay ng inspirasyon sa buhay ko at siya din ang kaisa - isahang nagbigay ng bagong pag - asa upang hindi ko ikahiya ang sarili ko. Mismong siya ang nagturo upang mahalin ko yung sarili ko bago ang iba.




One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon