C H A P T E R 1 7

232 20 3
                                    

"Real friends don't get offended when you insult them. They smile and call you something even more offensive."

[Billy Fhiel's POV]

Alas syete na ng gabi ngayon at naghahanda ako para sa mga gamit na aking dadalhin sa isang linggong bakasyon kasama ang aking mga kaibigan. Bukas na kami pupunta sa kanilang napagplanuhang babakasyunan at ako nalang ata ang hindi nakapaghanda sa'ming lahat dahil nag-iingay sila ngayon sa 'group chat' namin.

Sabii pa nga ni Azi , napagplanuhan na daw niya ito ng mabuti kaya dapat daw namin itong ituloy at hindi dapat sayangin dahil minsan lang daw ang mga pagkakataon na ibinibigay sa'min. Kailangan daw namin lahat ito upang makapagpahinga ng maayos at magpalayo - layo muna dito sa syudad pansamantala para wala daw kaming pagsisihan sa pagbukas ng klase ngayong taon. At ang mas masaklap pa daw ay baka minsan nalang kami magkikita-kita dahil sa  nasa kolehiyo na kami at magkaiba na din ang aming unibersidad na papasukan.

Nung natapos ko ng ihanda yung mga dadalhin ko sa bakasyon ay naisipan ko munang tingnan kahit sandali yung gc namin para icheck na din kung ano namang mga kagaguhan ang nagpaingay sa mga kaibigan ko.

-

GALA TAYO
7:30 PM

Hazen Cute
@Beatrix Madoxx Dimapilis saan ba naglulusot yung boypren mo ha? Ba't wala ata nag-iingay na Billy dito?

Karl Pogi
@Jyra Hazen del Castillo baka busy at pinaghahandaan ang sa isang linggong lambingan nila ni Bea. Baka iniisip na non kung anong flavor ng condom ang dadalhin niya. Kung mint, grape, orange, banana, strawberry, bubblegum, chocolate, o kaya vanilla ba? HAHAHA!

Beatrix Madicks
@Karl Wojtyla Delgado Ulol mo, ibaba mo nga yung apat na daliri mong gunggong ka at huwag mong isali yung nasa gitna. Ayan ka! Pakyo ka.

KK
HAHAHAAHA, langhiya pre saulado ang flavor ng condoms ah? Ayan tuloy, naging beast na si Bea, HAHAHA.

Karl Pogi
@KK hindi man lang mabiro tong babae na'to. Hindi man lang nahiyang sabihan ng ulol at pakyo yung isang mala diyos na katulad ko.

Azi
@Karl Wojtyla Delgado feelingero ka boi? Ewwwww GGSS!

Hazen Cute
Yak nagsisimula na naman siya sa kaabnuyan nya, makatulog na nga baka mahawaan pa ako sa pagkafeelingero nito.

Karl Pogi
Mga hampaslupang inggetera HAHAHAHA!

Leigh Chanelle
Guys , mukhang hindi ako makakasama sa inyo bukas :(

Karl Pogi
@Leigh Chanelle Adam bakit naman Leigh? Di ba napagplanuhan na'to na dapat sasama tayong lahat? Hindi pa ba pumayag sila Tita? 

Azi
@Liegh Chanelle Adam tokshit mo naman. Napagplanuhan ko na'to ng mabuti para sa'ting lahat eh.

Hazen Cute
Chacha, dapat kumpleto tayo diba?

Karl Pogi
Hindi ako sasama kung hindi sasama si Leigh guys :)

KK
Wala na sira na ang plano. Subukan mong magpaalam ulit kina Tita @Leigh Chanelle Adam at galingan mo ang paliwanag mo, baka mapapayag mo pa.

Leigh Chanelle
It's a prank guyssss! Hehehe. Naniwala ba talaga kayo sa prank ko guys? Ang galing ko naman, Hehehe.

Beatrix Madicks
Putspangina mo Leigh.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon