C H A P T E R 2 4

219 18 2
                                    

"A little jealousy is healthy in your group of friends. It's always good to know that someone is afraid to lose you."

[Ker Kyte's POV]

Putspanginang klaseng laro to. Nauumay na ako kakaupo dito sa itaas ng malaking kahoy para hindi nila ako madaling mahanap. Wala akong choice at ayaw ko ng magpakalayo - layo pa kaya nagpakahirap talaga akong umakyat nalang dito para hindi ako yung una nilang makita. At mahirap na baka mawala pa ako kung kusa akong maglakad - lakad sa madilim na lugar dito. Ang duga naman kasi ako pa talaga yung napili nila na mag - isa sa larong 'to, tsk. Ako naman talaga palagi yung naiiwan pag 'by partner' na ang usapan.

Gustuhin ko mang maglakad - lakad ngunit nagdadalawang - isip padin ako para sa desisyong aking pipiliin baka kasi may makasalubong pa ako ditong kakaibang nilalang sa lugar madilim na lugar dito. Datapwat hindi pa din maalis sa aking sarili ang pag - iisip ng kung anu - anong bagay hanggang ngayon. Sheta ba't ba ang malas ko kasi talaga pagdating sa usapang pagpipilian? Palagi naman akong naiiwan mag - isa pag may pilian na sa grupo namin, napakamalas. Hindi naman big deal sa'kin yun pero minsan kasi nakakadisappoint talaga yun isipin para sa sarili ko dahil wala man lang gustong makapartner ako, nakakapanghina ng loob diba? Hindi ba talaga ako kapili - pili bilang isang makapagtiwalaang kaibigan? Tsk, badtrip!

"Ano ba yan Ker, nag - ooverthink ka naman ba diyan?" dinig kong tugon pa sa'kin ni Karl dahil sa walang tigil na pag - iimahinasyon ko. Badtrip din 'tong isang to eh hanggang sa imahinasyon ko pa naman nakikiepal pa'din? Badtrip!

Pero nakakatawa pa ding isipin na hanggang ngayon siya pa din ang naaalala ko. Siya din lang naman kasi yung nag - iisang kasundo ko sa grupo namin pero ngayon mukhang hindi na ata dahil palagi na lang niya pinipili si Leigh kumpara sa'kin simula nung natauhan na siya sa katorpehan niya. Wala naman akong galit sa mga kaibigan ko pero naaawa lang talaga ako sa sarili ko. At wala naman talaga akong magagawa para dun kaya hinahayaan ko nalang at minsan ay hindi na iniisip pa. Basta ang importante nandiyan pa din sila para sa'kin hanggang ngayon. At yun talaga yung isang pinanghahawakan ko para hindi mapalayo sa kanila.

Naaawa ako na sa grupo namin ako yung hindi kapili - pili kapag magpipilian man kung sino ang gusto nilang makasama. Naaawa ako minsan sa sarili ko pag pinili nalang nila akong ipagsiksikan minsan kina Azi at Jyra. Alam kong hindi ako kapili - pili pero sana naman kahit minsan man lang ipakita nila na napakaimportante ko sa buhay nila kahit bilang kaibigan man lang. Hindi yung pagpasa - pasahan nalang ako kung saan ba ako dapat na grupo isasali pag - usapang kampihan na.

Ano ba'to Ker? Overthink na naman ba? Tsk, iba talaga ang magagawa pag wala kang makakausap bumabalik na lang yung mga bagay na gusto mo sanang makalimutan. Sinasaktan lang natin yung sarili natin sa pag - iisip ng kung anu - anong bagay.

Nababagot na talaga ako kakaupo dito sa taas ng puno na'to. Ilang oras na akong nakaupo dito at kung anu - ano nalang talagang bagay yung pilit pumapasok sa namamayapang isipan ko.

"Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?" napatanong pa ako bigla sa sarili ko na tinutukoy ang aking mga kaibigan. Mukha na talaga akong timang sa mga iniisip ko ngayon.

"Leley dito tayo dali" dinig kong tinig ni Karl na nagsalita sa ilalim ng pwesto ko ngayon. Agad ko namang pinipigilan ang sarili kong gumawa ng kahit anong ingay para di nila ako mapansin dito sa itaas ng kahoy.

Tinignan ko lang silang dalawa habang hinahatak naman papalayo ni Karl si Leigh dito sa pwesto ko. Saan kaya pupunta ang dalawang 'to?

Agad kong napagdesisyunan na mas mainam na sundan ko nalang silang dalawa dahil wala naman din akong magawa kakaupo ko dito sa itaas ng punong kahoy.

Agad akong bumaba sa puno at maingat na sinundan silang dalawa na naghahanap pa din sa'min hanggang ngayon. At sa mga ilang minutong paghahanap nilang dalawa ay sa wakas ay napagdesisyunan din nilang magpahinga muna. Napagod din ako kakasunod sa dalawang to ah.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon