C H A P T E R 2 6

423 18 9
                                    

"Just cry and embrace the pain until it passes, and you will be calmer for the next one."

[ Ker Kyte's POV]

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Billy. Walang tigil naman sa paghagulhol ng iyak si Bea habang mahinang umiiyak naman si Jyra at Leigh na nasa likuran niya. Nanatiling nakatulala lang sa kawalan si Azi at Karl na parang may iniisip na malalim ngayon.

Gusto kong magsalita pero umuurong lang ang dila ko sa kadahilanang nagluluksa pa din si Bea sa pagpanaw ni Billy. Gusto ko ng makaalis sa lugar na'to dahil sa rason na baka hindi ko na makakaya ang mga susunod na mangyayari sa'min dito.

Nasaktan ako sa pagkamatay ni Billy at hindi ko inaasahan na mangyari lahat ng 'to. Ang walang tigil na hagulhol ni Bea ang siyang nagpapatahimik sa'min ngayon habang yakap - yakap pa din niya ang malamig na katawan nito.

"B-Billy, uuwi p-pa tayo... B-Billy" tugon na naman ni Bea kay Billy habang dinaramdam ang mga kamay nito na nasa pisngi niya. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ni Bea at makikita mo talaga sa mga mata niya ang pagod at lungkot.

Alas-dyes na ng gabi ngayon pero wala pa kaming hapunan dahil sa nangyari. Nagugutom na ako dito sa sitwasyon namin ngayon. Hindi naman pwedeng magluluksa nalang kami dito habang may kusang tumulong sa'min. At dapat sana na ang ipriority namin sa ngayon ay magplano sana kung ano ang gagawin naming paraan para makauwi at makaalis sa lugar dito.

Tumayo na lamang ako at nagtungo kay Azi para magpatulong sa kakainin namin ngayong gabi. Kung walang magkusa sa'min ngayon baka mamatay pa kami sa gutom at pagod.

"U-umh, Azi?" pagkuha ko pa sa atensyon niya habang nakatulala lang siya sa kawalan. Tinignan niya lang ako na walang pinapakitang emosyon sa kaniyang mga mata na para bang may tinatago siya na dapat hindi namin malaman. "Pwedeng tulungan mo ako para sa hapunan na'tin?" hindi na siya umakmang sumagot sa'kin at tumayo nalang siya agad at naunang pumunta sa kusina.

Sumunod nalang ako kay Azi at iniwan muna sila dun. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit humantong kami dito sa ganitong sitwasyon. Bakit nagkaganito? Anong puno't dulo ng trahedyang ito? Sht.

Hindi ko nalang muna iniisip kung ano ang mga pilit pumapasok sa utak ko. Basta ang kailangan kong gawin ay bigyan muna ng lakas ang mga kaibigan ko para makalaban sa sitwasyong hinaharap namin.

"Azi? Ako na diyan. Pakitawag nalang sila para maghapunan na tayo" tugon ko pa kay Azi na naghahanda na ng mga gamit na kakainin namin ngayon. Hindi niya ako tinugunan at umalis lang siya para tawagin sila na parang kaluluwang walang buhay.

Nagtataka na ako sa mga kinikilos ng mga kaibigan ko at ako lang ata ang wala pa ring alam sa kanila kung ano ang puno't dulo nito.

Isa - isa na silang dumating sa hapagkainan na may iba't - ibang mga emosyong dinadala. Hindi ko mabasa ang mga emosyon nila isa't - isa kaya hindi ko nalang sila tinanong pa. Syempre, nagpaiwan pa din si Bea doon sa sala habang binabantayan ang malamig na katawan ni Billy.

"U-Uhm, magdasal muna tayo ah" pilit na ngiting sagot ko sa kanila pero si Leigh lang ang tumugon sa'kin gamit ang pagtango niya.

Ang mga kutsara't tinidor , at iyak ni Bea sa labas lang ang gumagawa ng ingay ngayon habang kumakain kami.
Hindi naman matigil sa pagtulo ang mga luha ni Jyra at Leigh habang kumakain dahil sa mga hagulhol na nadidinig nila galing sa sala. Walang tigil kasi sa pag - iyak si Bea sa sala kaya hindi mo talaga kayang pigilan ang iyong sarili na hindi masaktan.

Tinignan ko naman si Azi ngayon na parang binabasa niya ang bawat kilos na ginagawa ni Leigh. Parang may gusto siyang malaman kay Leigh na hindi ko man lang mahulaan. Si Karl naman hindi pa rin niya magalaw yung pagkain niya dahil nakatitig lang siya dito. Ano bang mga problema nila? Gusto ko na malaman kung sino ang pumatay kay Billy ngayon!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon