C H A P T E R 1 0

256 24 3
                                    

"Your choice of friends will greatly affect your choices in life."

[Ker Kyte's POV]

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Agad akong bumangon at umupo sa pwesto ko ngayon at pinagmasdan ang paligid. Ngayon ko lang naalala na nasa labas pala kami natulog lahat at hindi na sa tent dahil ayaw ni Bea maisturbo ang mahimbing na pagtulog ni Billy kagabi. Inoobserbahan ko ang mga kaibigan ko na ang himbing ng tulog. Bakit parang kulang yung mga nakahiga?

"Oy Ker, gising ka na pala. Tulungan mo naman kami ni Leigh maghanda para sa umagahan natin oh." biglang sulpot ni Azi sa senaryo.

"Sige Azi, susunod ako." sagot ko sa kanya.

"Sige, salamat Ker." agad na tugon niya.

Tinitigan ko muna ang nag - iisang rason kung bakit ako napasama sa grupong ito. "Kailan ko kaya masasabi ang totoong nararamdaman ko para sayo? Hanggang kailan ko matatago yung pagtingin ko para sa'yo?" sabi ko pa sa isipan ko.

Laking pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang nag - udyot sa'kin para kunin ko ang mga gusto ko sa buhay. Ngunit, siya din pala ang nag - iisang gusto ko na hindi ko maabot kahit kailan. Sobrang nakakatawa ang buhay ko kung bakit pa sa kanya nahuhulog ang puso ko kahit may nagmamay - ari na pala sa buong puso niya. At wala na akong magagawa para dun at nagbabaka sakali nalang na masaya akong makita silang dalawa kung ano na sila ngayon.

Napaka mapaglaro ni tinadhana noh? Yung itinadhana na para sa'yo ay nakatadhana na pala sa iba. At hindi ko gustong sundin ang puso ko ngayon dahil minsan kailangan din nating sundin yung utak natin para lang hindi tayo makasira ng isa sa mga kinaiingatan natin. Yan lang yung tangi kong magagawa kahit na ikinadudurog ito ng buong puso ko.

At sabi nga nila hindi lahat ng isinisigaw ng puso mo ay dapat sundin mo. Dapat mo ding isipin ang hahantungan sa gagawin mo pagsinunod mo ito. Dapat mo ding paninindigan ang kalalabasan ng gagawin mo pagsinunod mo ang tibok ng puso mo. Isang pvtang laro lang ang lahat ng ito. At ang malas ko dahil mukhang ako ang piniling paglaruan ni tadhana ngayon.

Ayaw kong masira ang grupong ito dahil lang sa isang taong sinisigaw ng puso ko. Handa kong isakripisyo yung damdamin ko para sa ikakasaya ng grupong ito. Minsan kailangan din nating gawin ang tama lalong - lalo na't hindi natin kayang labanan ang nag - aabang sa'tin sa hinaharap. Piliin mo palagi ang tama at huwag yung iyong nadarama. Meron tayong pagpipilian at gamitin mo ito sa maayos na kalalabasan.

"Lilipas o di kaya'y mawawala din tong nararamdaman ko para sayo. Kahit mahirap, susubukan at pipilitin ko para sa ikakasaya niyo, pangako ko yan." sabi ko sa isip ko habang pinahid ang luhang dumaplis sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.



[Leigh Chanelle's POV]

"Leigh, pakitawag nga si Ker please. Ba't natagalan kaya yun." pasabi ni Azi sa'kin.

"Sige Azi. Baka nag - exercise pa yun, hehehe." sagot ko pa kay Azi.

Agad akong naglakad papunta sa labas para sana tawagin si Ker. At tinignan ko muna sa bintana kung anong ginagawa ni Ker kaso nakatulala lang siya habang tinitigan si -

"Leigh, nakalimutan ko nga pala. Kunin mo din sa silid ng tent yung mga natitirang pagkain kagabi." habol ni Azi sa'kin.

Agad kong nilayo ang tingin ko sa labas ng bintana at agad binalingan si Azi.

"U-uhm, sige Azi. Hehehe, noted yan." ngiting sabi ko sa kanya at agad na lumabas.

Bakit kaya tinitigan siya ni Ker? May kasalanan ba siyang nagawa kay Ker? Parang iba pa naman ang mga titig ni Ker sa kanya.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon