C H A P T E R 0 3

509 45 13
                                    


"Squad means family, and family
means nobody gets left behind or
forgotten. "

[Jyra Hazen's POV]

Sa pagpatuloy naming paglalakbay patungo sa ilog na aming pupuntahan ay hindi ko talaga matatawaran ang kasiyahan na aking nararamdaman kapag sila ang aking kasama. Makikita ko lang ang mga ngiti't presensya nila ay buo na agad ang araw ko. Sila ang taong hindi hinahayaan ang bawat isa sa grupo na may maiwan. Kaya dun sa pagpunta pa lang namin kina Bea hanggang dito sa daan na aming tinatahak, magkasama parin kaming lahat at walang kahit sinuman ang dapat mawala.

At sa mga ilang kilometro na aming nalakad sa wakas ay narinig na namin ang agos ng tubig sa ilog. Ang saya saya naming lahat hangga't sa narating na namin ang sinasabing ilog ni Azi. At saktong mag aalas-onse ng umaga ng nakarating kami sa ilog, kung saan kami ay manghuhuli ng mga palaka. Pero pagdating at pagdating namin don ay agad silang umupo at nagpahinga muna.

"Nakakapagod pala tong hiking na plinano niyo. Ang init init, gusto ko maghubad ng damit!" tugon ni Bea habang itinaas ang damit at aksyon ng huhubarin.

"Hep hep, huwag mong ituloy yan kung ayaw mong umuwi kaming mga lalaki." tugon pa ni Ker kay Bea.

"Ang inittt kasi, pawis na pawis na ako. At ang baho na ng katawan ko." sagot pa ni Bea.

"Magpalit ka nalang muna ng damit Bea at tatalikod nalang muna kami." suhestiyon pa ni Billy kay Bea.

"Mas mabuti nga yun. Sige tumalikod na kayo mga feeling Ginoo dahil magpapalit din ako." pahabol pa ni Azi sa kanila.

"Ako din ha? Magpapalit din ako, hihihi." sabi naman ni Chacha.

"Sige na, magpalit na tayo. Ang init init nga. Huwag kayong manilip ha. Lagot talaga kayo sa amin!" sagot ko pa sa kanila.

Habang sila ay nakatalikod bungisngis at bungisngis naman kami ditong mga babae. At pagkatapos naming magpalit ay agad namin silang pinaharap.

"HAHAHA ayan tapos na! Sige na, pwede na kayong humarap samin mga Ginoo." tawang sabi ni Azi sa kanila.

At nung pagkakita nila sa suot namin.

"Gago ba kayo!? Magpalit nga kayo diyan baka may makakita pa sa inyo dito! Hindi niyo alam ang mga tao sa lugar nato. Bwisit!" iritang sabi ni Karl sa amin at agad silang tumalikod lahat.

"Mukhang tayo tayo lang naman dito ah, wala namang kahina hinala Karl." sabi pa ni Chacha

"Hoy, magpalit nga kayo dyan huwag kayong magtigasan ng ulo. Uuwi talaga kaming tatlo dito kapag ganyan susuotin niyo." sabi pa ni Ker sa amin.

"Ang oa niyo naman, mukhang ngayon pa lang kayo nakakita ng nagbikini na mga babae ha. Sige na nga magpalit na tayo girls baka maglalakihan pa bukol sa ilalim nila, HAHAHAHA!" pang-aasar ni Bea sa kanila.

"Seryoso kami Bea, hindi namin kayo hahayaan na magsuot ng ganyan lalo na dito sa lugar na hindi natin alam." mahinahong sabi ni Billy kay Bea.

Wala kaming choice kundi magpalit ng tshirt at short para hindi kami iwan nila dito. Simula kasi non, ang protective talaga nilang lahat pagdating sa aming mga babae. At hindi na yata yun mawawala sa personalidad nila pag kami ang kasama nila. Pagkatapos naming magpalit ng naaayon na damit sa kanila ay agad muna kaming kumain ng aming tanghalian.

At pagkatapos ng pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna saglit. At samakatuwid agad naming sinimulan ang paghahanap ng mga palaka. Isa isa kaming pumili ng pwesto para mamadali ang aming paghahanap. Lumipas ang mahigit na tatlumpung minuto ay todo hanap padin kami ng palakang aadobohin hangga't sa abot ng aming makakaya.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon