C H A P T E R 1 4

242 18 1
                                    


"There are friends , there is family , and then there are friends that become our family."

[Billy Fhiel's POV]

Ang init ng sinag ng araw habang naliligo kami ngayon sa dagat. Nandito kami ngayon sa isang Private Beach , celebration daw to dahil nakatapos na kami ng aming high school years. At pinag - ambagan ito ng Mama ni Leigh at Bea para sa'ming magkakaibigan. Ang dali lang ng panahon , hindi ko lubos na maisip na magka college na kaming magkakaibigan sa susunod na pagbukas ng klase.

"Oy anong kurso ang kukunin niyo?" biglang tanong ni Azi sa'min habang nagtatampisaw kami sa malamig na tubig habang nagbibilad sa araw.

"Ano ba yan , wala pa nga akong naisip eh. Shet ang dali naman ng panahon parang kahapon lang yung first day of school natin nung grade 7 pa tayo ah." sagot naman ni Karl kay Azi.

Ang dali nga ng ikot ng mundo. Nakakapanibago na sa pagbukas ng klase, bagong paaralan na naman ang aming papasukan at bagong mga tao naman ang aming makakasalamuha.

"Sama sama pa ba tayo sa isang paaralan?" tanong na may halong lungkot naman na sabi ni Leigh sa'min.

"Parang malabo yun mangyari Chacha dahil iba - iba naman ang mga courses na kukunin natin. Diba alam mo naman na may piling kurso lang sa isang unibersidad?" sagot pa ni Jyra , may punto din naman si Jyra. Ang hirap mag - adjust nito.

"Gusto ko sumama sa isa sa inyo eh , parang hindi ko kayang pumasok ng walang kasama" sabi pa ni Leigh.

"Huwag kang mag - alala Leigh, sasamahan naman kita kahit hanggang sa pagtanda." pagbanat na naman na sabi ni Karl. Buti pa'to si Karl hindi nahihiya bumanat. Ako kasi sinusubukan ko talaga ang makakaya ko pero ang hirap talaga palambutin ang puso ni Bea.

"Huwag kang umasa sa mga sinasabi ni Karl Leigh ikaw lang ang pinagloloko niyan." sabat agad ni Azi sa usapan. Parang na bitter to si Azi ah? Akala ko support siya sa tambalang KarLeigh , akala lang pala.

"Huwag mo ngang eh brainwash si Leigh, Azi. Seryoso naman talaga ako sa mga sinasabi ko sa kanya ah. At paninindigan ko lahat ng yun. Ba't ba kasi hindi kayo naniniwala? Badtrip to oh." nabiwisit na sagot naman ni Karl. Anong kinainis nito? Hahaha.

"Ano ba Karl , biro nga lang eh. Hahaha! Badtrip na badtrip ah?" pangungutya pa na sagot ni Azi sa kanya.

Tinignan ko ang aking mga kaibigan kung gaano sila kasaya ngayon. Isa na naman to sa mga memorable moments namin sa isa't - isa. Napunta ang tingin ko kay Bea at napansing namumula na naman ang kanyang balat.

"Ang init init naman dito, bwisit punta muna ako sa cottage. Ang sakit na ng balat ko dahil sa araw." pamamaalam naman ni Bea sa'min.

Agad kong tinignan si Bea habang naglalakad papunta sa cottage namin. Hanggang tingin nalang ba talaga ako dito? Tsk, ang torpe.

"Awit, Ano ba yan Billy? huwag mo ngang masyadong titigan baka matunaw. Puntahan mo kasi, take the chances always. Huwag kang magpapadala sa kahihiyan alam mo namang nasa huli lahat ang pagsisisi." paalala pa sa'kin ni Azi at agad kong iniwas yung paningin ko kay Bea.

"Pre, huwag kang matakot ibahagi yung totoo mong nararamdaman sa isang tao dahil minsan sa buhay natin kailangan din natin sundin yung tibok ng puso natin kahit labag man ito sa'ting isipan." anong nakain nitong si Karl? Naseryoso ata to ngayon ah, nakakapanibago.

"Howawww, anong trip mo pre? Hahaha." tawang sagot pa ni Ker kay Karl.

"Parang trip kong lunudin ka dito ngayon sa dagat." pagbibiro namang sagot ni Karl.

Hindi ko nalang sila pinansin at sinunod ko nalang ang sinabi ni Azi na sundan si Bea. Shet, kinakabahan na naman ako sa hindi malaman na dahilan. Ibang - iba talaga ang epekto ni Bea pagdating sa'kin.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon