C H A P T E R 1 6

269 19 2
                                    

"Meeting you was fate. Becoming your friend was a choice. But falling inlove with you was beyond my control."

[Ker Kyte's POV]

"The enemy has slain lord! Initiate Retreat! Initiate Reatreat! Request Backup!" rinig na ingay ko pa galing sa selpon ni Karl.

"Ano bayan? Bwisit gg pa nga! Ambobo naman nitong kakampi na'to! Sabing uwi, sumugod pa ang mga punyeta!" inis na inis na pagmamaktol ni Karl habang naglalaro ng mobile legends.

"Pre hinaan mo nga ng konti yang boses mo. May natutulog dito oh, ang ingay ingay mo masyado." sabi ko pa sa kanya kahit wala naman talagang natutulog.

"Gago, may ibang tao ba dito? Andito ba sila tita? Ba't di mo agad kasi sinabi?" mahinang tanong niya pa sa'kin.

Sasagot na sana ako kaso umimik na naman siya.

"You have been slain." dinig ko namang ingay galing sa selpon niya. "Pota napatay pa ako , ano yun?! Ambobo naman ng tank na'to , bwisit!" kelan pa kaya to titigil sa pagrereklamo niya?

"Karlo, ang ingay mo. Sabi-" hindi natuloy na pagkakasabi ko sa kanya.

"Our base is under attack! Initiate Retreat! Initiate Reatreat! Defeat!" anlakas talaga ng volume ng selpon niya, tsk. "Potek nayan, talo pa nga!" galit na galit na sigaw ni Karl sabay bato ng selpon niya sa kama ko.

"Sabing hinaan mo boses mo. Ano ba kasi yang nirereklamo mo diyan ha?" tanong ko sa kanya.

"Ampota kasi pre! Nakakabwisit, lose streak na ako pabuhat lang lahat tong mga kakampi ko! Party kasi sana tayo, ayaw mo naman maglaro. Puro lang pagbabasa yang nalalaman mo." reklamo niya pa sa'kin. "Ano ba kasi yan? Wattpad bayan? Pangbading lang yan eh." pang - aasar niya pa sa'kin habang chinicheck ang librong binabasa ko ngayon.

"Gago ka ba? Teka, bakit pala hindi mo kasama si Billy?" nagtatakang tanong ko pa sa kanya.

"Ah , si Billy ba pre? Nako nako tinawagan ko yun kanina pero tinanggihan lang ako. Gagala daw sila ni Bea eh , mukhang napasagot niya na ata yun nung isang araw nung nasa private beach tayo." sagot niya habang nanglulungkat ng mga gamit sa drawer ko.

"Napasagot na niya pala pre? Ba't hindi man lang niya sinabi sa'kin? Alam na ba ng iba yung meron sa pagitan nila?" agad kong tanong sa kanya.

"Hindi ko nga din alam pre, Hahahaha. Pero gumala sila ngayon na sila lang dalawa kaya posibleng magkarelasyon na yun." paniniguradong nya. Akala ko alam niya na talaga, putspangina.

"Ako kaya pre? Kailan niya kaya ako magugustuhan?" seryosong tanong niya pa sa'kin. Sarap niyang sagutin ng, "Sana nga lang hindi ka niya magawang magustuhan." Hahahaha, pero ayaw ko sirain ang pagkaseryoso ng mukha nya ngayon. Minsan lang 'to kaya sulitin na.

"Sino ba kasi yan pre? Napakaseryoso mo naman ata? Sa dinami-dami mong chix dyan, hindi ko alam kung sino don yung tinutukoy mo, Hahaha." tugon ko pa sa kanya

"Basta pre malalaman mo din yun. Basta hindi siya yung tipong babae na sobrang ganda tulad ng iba, hindi siya yung babae na maarte pagdating sa mga bagay bagay. Pero siya yung babae na nagpaparamdam sa'kin ng kakaibang saya. Ibang-iba yung epekto niya pagdating sa'kin pre. Nafeel mo na ba yung gusto mong makasama habang buhay yung isang tao pre? Yun yung nararamdaman ko sa kanya." Pagpapaliwanag nya pa sakin. Seryoso na talaga ata ang isang to.

"Paano kung hindi pala kayo parehas ng nararamdaman sa isa't - isa pre? Matatanggap mo ba yun, papayag ka ba?" diretsuhang tanong ko sa kanya. 

"Kaya nga pre yan yung isang kinakakatakutan ko. Pero syempre dapat gagawa ako ng paraan para makuha ko yung loob niya, susubukan at susubukan ko kahit wala naman itong kasiguraduhan. Atleast wala akong pagsisihan sa huli diba?" tugon niya pa sa'kin na para bang isang batang nanghihingi ng magandang payo. "Alam mo ba pre yung nagustuhan ko sa kanya ay yung pagkaslow at pagkainosente niya." ngumingiting sabi niya pa sa'kin.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon