C H A P T E R 2 2

266 21 2
                                    


"Things are never quite as scary when you've got a best friend."

[Beatrix Maddox's POV]

"Billy kunin mo nga yang mga selpon nila lahat at itago. Isali mo na yang sayo. Hindi naman tayo nag bakasyon dito para magselpon lang diba? Panira naman kayo ng bakasyon natin eh." dinig ko pang reklamo ng gonggong na si Karl habang nababagot na nakatingin yung mala tarsier niyang mga mata sa'ming lahat dahil walang nakikinig sa mga istorya niya na puro naman kalokohan.

"Badtrip naman kayo! Akala ko bakasyon pinuntahan natin dito, cellphone tournament pala. Hindi niyo man lang ako ininform. Uuwi na nga ako mag - isa. Bahala kayo diyang maglakad papauwi sa mga bahay niyo!" putak pa din siya ng putak at wala pa ding nakikinig sa kanya. Nakakarindi na yung walang tigil na kakasalita niya, bwisit.

Nasa second floor kami ngayon at busy sa mga sarili naming mundo habang aliw na aliw kakatingin sa sarili naming selpon. Naaliw talaga ako dito ngayon sa nilalaro kong Adorable Homes. Alam kong baduy pero natutuwa ako sa larong to dahil asawa ko si Billy dito, hahaha. Mukhang ready na nga ata akong mag - aasawa dahil sa laro na ito. Mukha kasi siyang isang training class sa mga teenager katulad ko para iapply namin pagdating ng parenthood namin.

"Billy , ikaw na bahala magbantay diyan sa mga kaibigan mong mukhang selpon. Mauna na akong uuwi sa inyo. Useless naman pala tong bakasyon na'to." patuloy na reklamo ni Karl sa'min na hindi pa'din namin pinansin.

"Uy pre sa'n ka pupunta?" nakuha ang atensyon namin nung naglakad na si Karl pababa.

"Uuwi" matabang na sagot niya. Agad ko namang tinignan ang direksyon niya at nakitang dala - dala na niya talaga yung mga gamit niya. Gago talaga 'tong isang to, lakas ng amats.

"Uy gago, bumalik ka dito oy" agad na habol nila Ker at Billy sa kanya. Akala ko talaga nagbibiro lang siya. Ba't lumalabas na naman ang topak ng isang 'to? Oa masiyado.

"Hahaha, takot pala kayong maglakad pauwi eh" tawang tawa pang tugon ni Karl kina Billy at Ker na nakahawak na ngayon ng mahigpit sa kaniya.

Gago talaga.

"Istorbo" bulong ko pa sa sarili ko na parang narinig din naman ng gonggong.

"Tignan niyo" turo niya pa agad sa'kin. "Sinabihan niya ako ng istorbo pre! Uuwi na talaga ako! Ang sakit mong mag salita Bea Madicks!" bulyaw na sagot niya pa sa'kin.

"Napaka oa mo masyado, hindi naman bumabagay sayo" patuloy ko pang pang - aasar sa kaniya.

Isinawalang bahala niya na lang yung pang - aasar ko at kinuha niya nalang ng marahan ang mga kamay ni Billy at Ker na nakakakapit sa kaniya. At bumalik siya sa pwesto na inuupuan niya kanina dala - dala pa din yung mga gamit niya.

"Huwag na kasi kayong magselpon diyan. Bakasyon natin 'to kaya dapat natin 'tong sulitin" nagsisimula na naman siyang magreklamo palibhasa kasi mahina ang signal dito kaya hindi siya nakaka mobile legend.

"Ano ba naman kasi ang magandang gawin natin dito Karl?" naiirita pang tanong ni Azi sa kanya.

"Marami, pero una dapat niyo munang ibigay yang mga selpon niyo sa'kin" sabay lahad niya pa sa dalawang kamay niya.

"Ba't naman? Masasayang yung load ko pre kung hindi man lang gagamitin." agad na hindi pagsang - ayon ni Ker sa suhestiyon ni Karl.

"Ibigay niyo na kasi para wala ng istorbo. Papalitan ko yang load mo pag nakauwi na tayo, dodoblehin ko pa yan." seryosong tugon niya pa kay Ker.

Inilahad niya ulit yung dalawang kamay niya at naghintay na ibigay namin yung mga selpon sa kaniya.

"Basta ipower off niyo na lang yang mga selpon niyo. Selpon naman nating lahat ang itatago eh" pagpatuloy na pangungumbinsi niya pa sa'min.

One Bloody Vacation (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon