Prologue: The Start of an End

3.6K 51 9
                                    

"Pare, chill lang." Nilingon ni Pat ang kaibigan na halatang kinakabahan.

"Shit pare. Sa'n na ba si Kathryn." Halos maluha na siya pero pilit na pinipigilan dahil ang daming taong nakatingin sa kanya.

"Dadating yun. Tiwala lang sa asawa mo pre." Pag aalo pa ni Pat. 30 minutes late na kasi si Kathryn. Ang lahat ng entourage ay nasa simbahan na.

Nakausap na din nya kanina sina Arisse at ang mga barkadang babae. Sinabi nila na pinauna sila ni Kathryn at susunod ito.

Mararamdaman na sa paligid ang tensyon lalo na ng nakapatay ang telepono ni Kathryn habang tinatawagan nila.

Parang aatakehin ng hika si Daniel sa sobrang pag aalala sa asawa. He's trying to find reasons bakit wala pa si Kathryn. Hindi nali-late ito at lalo na kasal nila ngayon.

Halos bumagsak ang mundo nya nang makitang tumatakbo palapit sa kanya si Kuya Mar.

"Sir DJ, mukhang umalis po si Ma'am. Ito na lang po ang naabutan ko nung tiningnan ko po siya sa kwarto." May inabot itong sulat.

Nagdilim na ang paningin nya at hindi namalayang tumutulo na ang luha nya hindi pa man nababasa ang sulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagdilim na ang paningin nya at hindi namalayang tumutulo na ang luha nya hindi pa man nababasa ang sulat. Pinaghalong kaba, pagtataka, sama ng loob at sobrang sakit na hindi nya masukat.

Nanginginig ang kamay na binuksan ang sulat at binasa habang nanlalabo pa rin ang paningin dahil sa mga luha.

Pagkatapos ng ilang minuto, pinahid ang mga luha at hindi namalayang nahulog ang sulat sa mga kamay nya.

Naglakad siya palabas ng simbahan habang sinusundan ng mga nagtatanong na mga mata. Dere-derecho siya. Dinala ng mga paa sa kanyang sasakyan at mabilis na nagmaneho papunta sa iisang lugar na inaasahan nyang nandoon ang asawa.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon