Chapter 8: Interview 🔞

2.5K 57 9
                                    

**Warning: SPG. Read at your own risk or skip this chap. Close eyes na lang po sa landian ng mag asawa 🤭🙈***

Nag volunteer si DJ na patulugin si Sab. Mga 30 minutes na siyang naghihintay pero hindi pa rin ito bumabalik sa kwarto.

Okay na din ang progress ng mama niya sa hospital. Binibisita nila ni DJ every other day pagkatapos ng work nito. Madami silang tanong lalo na ang papa niya pero lagi namang iwas ang sagot ng mag asawa. Natuwa naman si Min nang makitang magkasama ang dalawang anak niya at mas lalong natuwa ito nang makita ang kislap sa mga mata ni Daniel habang kinukwento si Sab. Bilang ina, alam niya na mas piniling kalimutan ni DJ ang mga di magagandang pangyayari at tanggapin ulit ang asawa.

Napapangiti si Kathryn pag naaalala ang mga nakaraang gabi nila. They were sleeping together and making love every night...okay... Until morning. She blushed habang iniisip iyon. They've been in this set up for almost a month already. She let him take her. Walang tanong tanong, walang pagpipigil. She tried to avoid talking about it kasi nga baka masaktan lang siya sa magiging sagot nito. Baka he's trying to get even sa pag iwan niya dito. On their second night together, she attempted to sleep with Sab pero pinigilan siya ng asawa.

"And where do you think you're going, Kathryn?"

"Kay Sab. Tatabihan ko siyang matulog."

"At kelan pa hindi nagtatabi ang mag asawa?"

"Deej naman eh. Tulog na si Sab hindi na natin kailangang magpanggap. At pag nagtanong siya ako na ang bahalang mag explain"

"We're married Kathryn. I threw that bullshit annulment papers so don't ever bring it up." tumaas na ang boses nito. "You're my wife and you have an obligation. That includes sleeping with me."

Hindi niya na ito sinagot at nahiga na lang sa kama. Mamaya lang ay nagsosorry na ang asawa na nataasan siya ng boses and the rest is history. Naging marupok na naman siya at nagpaubaya ng paulit ulit.

Siguro dahil sa sobrang pagkamiss dito ng ilang taon ay hinahanap hanap niya ang mga yakap nito. She's anticipating their nights together. Inaabangan niya ang pag uwi nito sa kanya.

Gaya ngayon, naiinip siya ng kakahintay dito. Kaya pinuntahan nya na sa room ni Sab. Nagsuot siya ng robe on top of her red lingerie. Patay malisya siyang lumapit sa mag ama niya na tamanga tamang kinukumutan na ni Daniel.

Nang maramdaman nito ang presensya nya ay lumingon ito.

"Nainip ka ba dun, love? Si Sab kasi nag enjoy sa boses ni tatay tagal matulog." Yun pa! Pa fall din tong asawa niya. Love pa din ng love.

Ano kaya ang tawag niya sa mga naging babae nya? Hmp! Mapuputulan ko to pag nahuli ko tapos papakain ko kay Cloud.

Lumapit ito sa kanya bago hinapit ang katawan niya at hinalikan siya sa noo. Kung sana totoo lang ang lahat ng ito pero alam niyang mahirap mapatawad ng asawa ang ginawa niyang pag iwan.

He may be doing this para di ko ilayo si Sab sa kanya or maybe for convenience too. Hindi niya na kailangang maghanap ng babae because I'm giving myself freely.

She tried to get that last bit off her head. Ayaw nyang masira ang gabi nya. Masyado siyang masaya.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" Masuyong tanong ni DJ sa kanya.

"Hmmm...gusto ko ng ice cream."

"Ice cream for nanay then." Hinila siya ni DJ at hinalikan nito ang tuktok ng ulo nya.

Si Daniel naman ay umaasa na nabuntis nya na ulit ang asawa.

Enough na ba ang three weeks para makabuo kami ulit? Di bale, madami pa akong oras lalo na pag nakalipat na kami sa bahay. Nangingiti pa ito sa naiisip.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon