Chapter 9: My Princess, My Queen

2.1K 62 19
                                    

Reporter: How about Alaina. Napapabalita na nagkakamabutihan kayo at lagi kayong nakikitang magkasama sa bar. Mauudlot ba ang blooming romance dahil sa pagbabalik ni Kathryn?

Napatawa si DJ at napailing bago sinagot ang tanong.

DJ: Anong mauudlot? Walang mauudlot!

Napatango ang mga reporters. Si Alaina naman ay napangiti.

Binaling ng reporter ang atensyon sa dalaga na nakaupo sa right side ni Daniel.

Reporter: Alaina, any comment on that?

Akmang sasagot na si Alaina nang biglang magsalita si Daniel.

Daniel: Wait, I'm not done yet. Nagmamadali ka tol? May lakad? Hahaha! Joke lang.

Napatawa naman ang mga nasa paligid.

Reporter: DJ talaga. Sorry naman.

Daniel: Like what I said, walang mauudlot dahil wala namang ligawan na nangyayari. I've been busy with work these past few years and I had no time for bullshit. Isa pa may asawa po ako. Hindi kami hiwalay ni Kathryn at malaking kalokohan ang mangangaliwa ako.

Reporter: DJ, wag ka magalit ha pero klarohin ko lang. Ano yung mga pictures na magkasama kayo sa bar?

DJ: Nagkataon lang na dun kami tumatambay ng mga kaibigan ko at dun din naman yung mga kaibigan nya. At di nyo ba napansin na pare parehong damit namin dun? Paulit ulit lang pinopost ng iba ibang araw. Kaya nga di ako nagsosocial media kasi walang kwenta. Puro chismis.

Reporter: So let me ask you directly, walang pumalit sa puso mo nung umalis si Kathryn at iniwan ka?

DJ: Mukha bang meron? And no one has the right to judge my wife because you do not know her reason. Ako nga na asawa hindi siya jinudge eh. So isang beses ko lang sasabihin to, ako ang makakalaban ng sino mang magshishade or magbabalita ng makakasakit sa asawa ko.

Seryoso ang mukha nito. Napaawang naman ang bibig ni Kathryn ng marinig ang sinabi ng asawa. Mas lalong bumaha ang luha nya. Hindi nya alam kung para sa movie kaya sinasabi yun ni Daniel pero wala siyang pakealam. Basta masaya ang puso nya at pinapagalitan ang sarili sa ginawa nya sa asawa 5 years ago. Isa pa, she knows DJ like the back of her hands. Hindi ito plastic na tao. Hindi ito magsasalita just for the show. Totoo lang ang mga bagay na sinasabi nito.

Reporter: Iba talaga magmahal ang isang Daniel Padilla. So ano na ang status nyo?

DJ: We're married. Yun ang status namin.

Reporter: Hindi ka man lang nagalit sa -

DJ: alam ko na ang itatanong mo and nasagot ko na po yan kanina. We already wasted 5 years. Why waste another day? Masayang masaya ako na bumalik ang asawa ko, hindi ko maipaliwanag ang saya ko lalo na ng nalaman ko na may anak kami. And she's an angel. She's as sweet and as beautiful as our nanay.

Reporter: Kanina ko pa pala napapansin DJ na you're referring to Kath as your wife. Pero diba hindi nga natuloy ang kasal ninyo 5 years ago?

DJ: Hahaha! Ang chismoso niyo talaga sa lovelife ng mga tao. Di mo sure!

Natawa si DJ na nagpatawa din sa mga tao na nandun except for Alaina na naiinis dahil nawala ang spotlight sa kanya at galit na galit siya kay Kathryn. Siya na nga ang nang-iwan tapos siya pa rin ang bukambibig ni Daniel ngayon. Ano ba kasi ang meron siya?

Reporter: Clarify mo naman DJ. Yan ka na naman sa mga sagot mo na di klaro eh.

DJ: Actually di nyo deserve to sa lahat ng mga negative publicity na natanggap ko sa inyo eh. Pero dahil masaya ako ngayon, sasagutin ko na ang tanong ninyo. Kathryn and I are married for 8 years already. Yung 5 years ago, dapat renewal of vows yun, public wedding that we owe to our fans. At sa mga bashers na din hahaha! But we were already 3 years married before that. Oh! Di nyo alam yun no? Pribado kasi na buhay namin yun. And you know me, especially Kathryn, pinapahalagahan namin ang detalye ng pribado naming buhay. Hindi magbabago yun so tama na ang mga tanong at marami pang ibang guests.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon