Chapter 15: Cravings 🔞

2.4K 52 9
                                    

"Anak, iwan nyo na lang si Sabsab sa'kin. Wala naman akong taping today?" Pagprisinta ni Carla habang nagbebreakfast. Lumipat na kasi sila ng bahay na ikinatuwa naman ni Sabsab. Naalala pa ni Kathryn ang umaapaw na tuwa ni Sab nung sinabi nila sa anak na lilipat na sila sa bahay nila.

"Sure ka po mama? Medyo makulit na po si Sab. Pwede naman siyang sumama sa shooting. Madami naman pong tumitingin sa kanya doon."

"Okay lang yan. Na miss ko din tong apo ko. At madami ding titingin nyan dito. Pinagkakaguluhan nga ng mga tito at tita nya."

"Maiba ako anak, hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo? Wala kang pinaglilihian?"

Napatingin si Kathryn sa asawa bago napayuko.

"Hay naku ma. Iba yang trip ni Kathryn. Madaling araw naghahanap ng icecream."

"Si baby kasi yun mahal."

Hinapit siya ni Daniel ng yakap at hinalikan ang noo. "Okay lang love. Natutuwa nga ako na naexperience ko ang paglilihi mo kasi di ko na experience kay Sab yun."

"Pasalamat ka Dindin yan lang hinahanap ng asawa mo. Ang iba out of this world ang mga cravings."

Makahulugang tiningnan naman ni Daniel ang asawa bago kinuha ang kamay at pinisil iyon. Si Kathryn naman ay napakagat labi bago nagkunwaring busy sa pagkain.

"Baby, wag pahirapan si nanay today ha." Kakapasok lang nila sa tent para ilapag ang mga gamit. "Mahal, sabihan mo ako pag masama ang pakiramdam mo. We can stop the shoot."

"Yes love. Okay lang ako. Promise sasabihin ko pag may masakit sa akin."

"I love you nanay."

Katulad ng inaasahan ay pinalitan na si Alaina. Kinumusta naman ng ibang cast si Kathryn at natuwa ang mga ito na maayos siya pati na din ang baby.

Tumunog ang telepono ni DJ habang kinukuhanan ang scene ni Kathryn with her boss kaya binigay niya ang cut board kay Peewee para sagutin iyon.

Si tito boy pala ang tumawag para itanong kung pwede nilang paunlakan na mag asawa ang imbitasyon nito para sa isang interview.

"Tito, kakausapin ko po muna si Kathryn then I will call you to confirm. Kung sakaling papayag po siya baka two weeks from now pa pu-pwede. Medyo cramming po kasi sa shooting."

"Sure Deej. I will wait for your feedback. Pakisabi kay Kathryn miss na miss ko na siya."

"Sige po tito, makakarating po. Nasa take pa po siya ngayon."

Binalik ni DJ ang atensyon sa asawa. Wala pa rin talagang kupas ito sa pag arte. Napakagaling at napakaganda ng rehistro nito sa camera. Halos lahat ng scenes ay one take lang. Ang mga mata niya na nangungusap sa camera. Napatawa siya ng mahina nang maalala ang mukha ng asawa kanina habang tinatanong sila ni Mama Carla tungkol sa cravings nito. Ang totoo kasi ay props lang ang icecream. Iba ang level ng sexual urges ng asawa and he's not complaining. Ang feeling nya tuloy ang macho at ang pogi nya habang inenjoy ng asawa ang katawan nya. Naramdaman nya namang nagreact ang ibaba nya sa naisip.

"Shit! Ang aga pa. Naka tatlong oras pa lang kami." Iniisip nya na kung pa'no maitakas ang asawa mamaya. Hinahanap nya ang mga haplos at halik nito. He can clearly hear how his wife plead to move faster, to take it slow, to kiss her more and how they shouted each other's name last night as they are nearing release. Hindi pa nila na try sa loob ng walk in closet, sa theatre pati na din sa veranda. Lalambingin nya mamaya ang asawa baka sakaling pumayag ito.

Mas lalo lang siyang nanggigil nang bigla siyang yakapin ng babae na kanina lang ay pinagpapantasyahan nya.

"Ang lalim ng iniisip ng tatay ah. Masama ba ang pakiramdam mo?" Humarap si Daniel sa asawa at hinalikan ang magkabilang pisngi nito.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon