Chapter 10: Phonecall

1.8K 48 13
                                    

It's been two weeks since their vacation in El Nido. It went really well. Sabsab loved the sea. Their 5 days and 4 nights getaway was fun. Halos ayaw na ngang umuwi ni Sab. Manang mana sa kanila na gusto ang dagat at payapa na lugar. Balak na sanang pag usapan ni DJ ang tungkol sa kanila ng asawa but decided to do it pagbalik nila sa Manila. Ayaw niyang masira ang bakasyon nila kung mali man ang inaakala niya.

Natuloy ang bakasyon kasi maayos na ang lagay ni Mama Min at ito din ang nagsabi na ituloy nila and Sab deserved this above everyone else. Kaya napanatag na din si Kathryn na umalis kahit nasa ospital pa ang ina nya.

Halos isang linggo na din mula nang nakalabas si Mama Min sa ospital. Sinabi na din nila Daniel na pag maayos na ang kalagayan nito ay lilipat na sila sa bahay nila na ikinatuwa naman ng ginang.

"Hindi sa ayaw ko kayo dito. Alam niyo naman na kung ako lang ang papayagan ay mas gusto ko na dito na lang kayo. But I think excited na si Sab na lumipat sa house daw nya." Napatawa si Min na ngayon ay nakakalakad na din na walang support at hindi na din daw gaanong sumasakit ang puso nito.

"Thank you Ma. Baka sa end ng month na po kami lilipat pagbalik ni papa." Umalis kasi ang papa Ted nila para bisitan ang business nila sa Nueva Ecija. Matagal din itong hindi nakakabisita mula ng naospital ang asawa.

*******

Niyaya si Daniel ng mga artista ng last na ginawa nyang movie na lumabas. They wanted to celebrate the positive response coming from press people and even viewers. Pinalabas na kasi ang teaser ng pelikula. Tumanggi naman si DJ dahil may nakaplano na siyang gawin.

Daniel is planning to surprise his wife for an intimate dinner and finally, magkakalakas loob na siyang sabihin dito na gusto niyang magsimula silang muli. Na kalimutan na ang nangyari ng nakaraan at hihilingin niya na wag na itong umalis. Pero kung mas gusto ni Kathryn na tumira sa Amsterdam ay payag siya basta magkasama sila. He can buy them her dream house there o kaya naman ay i improve ang bahay ni Kathryn para sa mas lalaki pa nilang pamilya. Napangiti siya sa naisip. For almost two months na simula ng nakabalik ito, alam niyang mahal pa rin siya ng asawa. Nararamdaman niya. Sigurado siya. Kinakabahan at naeexcite siya sa mangyayari mamaya.

Nakaprepare na ang lahat. Inaayos na ni Gideon ang venue. Meron na din siyang nakuhang violinist para tugtugin ang mga paboritong kanta nila ng asawa. Hindi pa niya sinasabi kay Kathryn ang tungkol dun. Mamaya pag malapit na ang dinner ay saka nya sasabihin para hindi ito makahalata na may surprise siya. He sucked with surprises pa naman minsan.

Naglaro pa silang mag ama habang tumutulong si Kathryn magprepare ng dinner. Kanina lang ay kausap niya ang mama niya para ibalita nito na okay na ang bahay nila. Narenovate na din ang room na para kay Sab. Excited na siya na makita ni Sabsab yun at sana ay magustuhan ng prinsesa niya.

"Mahal, magshower lang ako."

"Okay, love. Wait ka lang namin dito ni Sabsab."

Habang nagbibihis si Kathryn ay tumunog ang telepono niya. Hinayaan nya lang mag ring iyon at tinapos ang pagbibihis. Hindi pa rin tumigil ang tawag kaya sinagot nya na.

Paakyat naman si Daniel para sunduin ang asawa. Napatigil siya at parang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig dahil naka on ang speaker nito.

"Hi, babe I miss you and Sab." Boses iyon ng lalaki. Agad namang tinurn off ni Kath ang speaker kaya ang sagot lang ng asawa ang naririnig nya.

Kathryn: David?! Oh David! It's been a while. How's everything? Sorry I haven't returned your messages. I've been busy.

David: I understand. I heard from Sofie that you're planning to stay there and fix your marriage. I'm happy to hear that

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon