Chapter 5: Play Pretend

2K 63 12
                                    

Kumatok si Kathryn bago marahang binuksan ang pinto habang nakasunod naman si Daniel sa kanya.

"Sab baby, someone wants to see you." Sumenyas si Kathryn sa yaya na iwanan muna sila. Tumango naman ito at lumabas ng kwarto.

Napatingala si Sab mula sa kama. Naglalaro ito ng baby elephant niya. Lumiwanag ang mukha nito ng makita ang kasama ng nanay niya.

"Tatay!" Tumayo si Sabsab sa kama at akmang bababa pero mabilis na lumapit si DJ at binuhat ang anak.

"I miss you baby ko." Hindi nya na mapigilang humagulgol habang mahigpit na yakap ang prinsesa nya. "Tatay loves you so very much."

"I love you too tatay. Don't cry na." Pinupog ng halik ni DJ ang mukha ng anghel niya. Tinaas naman ni Sab ang mga kamay at pinunasan ang mga mata ng ama.

"You're so big na Sabsab ko."

"I've been waiting for you. But nanay said you're busy. But it's okay tatay coz you're here na." niyakap ulit ni Daniel ang anak at hinalikan ang buhok at nuo nito.

Tahimik naman na umiiyak si Kathryn habang pinapanood ang mag ama nya.

"Nanay, you missed tatay too. You hug us please."

"It's okay baby. It's you and tatay's time."

"No nanay. You told me you can't wait to hug and kiss tatay."

Shit! Pahamak talaga tong kadaldalan ni Sab.

"Come here nanay. Pagbigyan mo na si Sab." Pinanlakihan niya ng mata si Daniel pero nginitian lang siya ng nakakaloko. Wala na siyang nagawa ng hinila siya nito at ipinalibot ang braso sa beywang niya.

Halos mapatid naman ang hininga nya ng maramdaman ang init ng katawan ng asawa. Gusto nyang umalis sa pagkakayakap nito pero mas lalo lang hinigpitan ni Daniel ang pagkakahawak sa beywang nya bago bumulong.

"Ito ang gusto mo diba? Might as well deal with it." Bago buong tamis siyang nginitian.

"Are you and nanay fighting?"

"No, love. I just told nanay how much I missed her." Nabigla si Kathryn ng dinampian siya ng halik sa noo ng asawa.

"Wow! Nanay said you love kissing her forehead. It's true!"

"And hindi lang si nanay ngayon. Pati na din ang napakaganda kong prinsesa." Daniel smiled and kissed his daughter's forehead again.

Nagtagal siya doon habang pinipigilan ang emosyon.

"Oh God! Halos limang taon ko itong na miss. Ang pakiramdam na maging kompleto. Kaya kahit para kay Kathryn ay laro lang ang lahat ng to, gagamitin ko tong opportunity para di nya na ilayo saken ang anak ko." Naisip ni Daniel.

"If I have to use my daughter to get what I want, so be it. I have to be selfish this time." May pumasok na ideya sa isip nya.

"Dahil na miss kayo ni tatay, doon na kayo uuwi sa house natin!"

"Daniel!"

"Yehey!"

Sabay pa si Kathryn at Sab na nagsalita.

"O mahal. Ayaw mo bang magkasama tayong tatlo?" Bumusangot pa ito. He's  taunting her to disagree with him. If she wants to play pretend, he will give her the best performance and in the end, he will make sure that he's not the one who will be broken again.

'Sarap suntukin!' Nanggigigil na sabi ni Kathryn sa sarili. 'Kanina lang halos isumpa ako tapos ngayon akala mo wala lang.'

"Hindi sa ganoon. Pero walang kasama si Lhexine dito pag pumupunta si ate sa ospital."

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon