Chapter 25: My Happy Place

1.7K 44 8
                                    

The last three months have been busy for Daniel and Kathryn dahil sa paggulong ng kaso laban kay Alaina. She' proven guilty pero dahil na din sa medical records nito ay napatunayan na wala ito sa tamang pagiisip kaya dinerecho siya sa isang mental facility.

Balik na din sa dati ang buhay ng mag-asawa. Si Daniel ay may sisimulang movie sa susunod na buwan at may dinidirek din na MTV para sa isang sikat na boygroup. Si Kathryn naman ay busy sa pagaalaga kay Sabsab lalo pa at pumapasok na ito sa regular school at si Jaja naman ay masyado ng malikot dahil nakakatakbo na. Sa ganun umiikot ang buhay nila.

"Love, tulog na ba? Ang tagal mo sa nursery."

"Nakikipagkulitan ang bunso eh. Nakailang kanta ata ako mahal bago tuluyang natulog ang tabachingching." Lumapit si Daniel sa asawa na nasa tapat ng walk in closet at nag aayos ng isusuot niya bukas. "Bakit, na miss agad ako ng misis ko?"

"Kasi nagpromise ka na magmovie marathon tayo. Lagi mo na lang akong nakakalimutan. Kung hindi si Sabsab, si Jaja naman. Tapos pagod ka na after."

"Nagseselos ba ang first baby ko? Lika na. Naayos ko na ang theatre."

"Ayoko na. Tinatamad na ako."

"Wala ka namang gagawin. Bubuhatin kita papunta sa theatre kaya hindi mapapagod ang reyna ko."

"Hmp! Bumabawi lang kasi nagtatampo na ako."

"Talaga bal? Nagtatampo ka sa mga anak mo?"

"Kasi nga wala ka nang time for me. Ayoko na ng new baby."

"Paano pala yung kanina?" natatawang niyakap ni Daniel ang asawa mula sa likuran at inangat ito.

"Tangi! Ang kulit. Di ko pa tapos ayusin yung clothes mo for tomorrow."

"Ako na yan love. Magbonding na tayo. Namiss ko pa naman ang misis ko." Ginawaran ng mumunting halik ni DJ ang leeg ng asawa dahilan para tumayo ang balahibo nito.

"Deej, ano ba? Ibaba mo ko. Isa!"

"Hanggang ilan yan love?" pamimilosopo pa niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Kathryn. Alam niyang malapit na itong mapikon kaya natatawa siya.

"Sige na tama na yan. Mag nanay-tatay time na muna tayo." agad niyang binuhat si Kathryn at tinungo ang theatre. Mahina siyang tumatawa habang hinahampas ni Kathryn ang dibdib niya.

"Shhhh... love. Wag maingay at magising ang mga bubwit."

Isiniksik ni Kathryn ang mukha sa dibdib ni Daniel at pinulupot ang mga braso sa leeg nito.

Napangiti nama ng lihim si Daniel. Ito ang isa sa mga paborito niya. Tahimik na oras na kasama ang asawa na naglalambing sa kanya. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Kathryn.

Pagdating nila sa theatre ay hindi niya na pinakawalan ang asawa. He reached for the remote and played 50 first dates which is their favorite movie. Kahit nakapikit ay alam niya na ang sequence of events pero hindi nila pinagsasawaan iyon. Nanatiling nakaupo si Kathryn sa kandungan ng asawa habang nakapulupot pa rin ang mga braso nito sa leeg niya at naka stretch ang paa sa couch. Ang kamay naman ni DJ ay nakapalibot sa beywang ng asawa.

Sinabayan pa ni Daniel ng pagkanta ng tinugtog ang Melt With you habang mas hinigpitan ang yakap sa asawa at ilang beses na ginawaran ng halik ang mga labi at noo nito.

Sobrang nagpapasalamat si DJ na okay na ang lahat at wala ng threat sa paligid. Si Jaja, hindi mo akalain na pre-mature ng pinanganak dahil sobrang laki na nito. Si Sabsab naman ay mas naging independent na. Lalong nagiging maganda at litaw ang pinaghalong mukha ng mag-asawa. Si Kathryn naman ay makikitang masaya bilang may-bahay. Alaga nito ang mga anak lalo na siya kapag umuuwi galing trabaho. Sobrang maasikaso ang asawa na akala niya noong bago sila ay magiging forever baby niya at aalagaan niya pero sobrang nag-mature si Kathryn lalo na ngayong dalawa na ang anak nila. Nag-aaral itong magluto. Siyempre, siya ang food critic nito. Hindi din tumitigil kakagym kaya lalong sumesexy at araw-araw niyang pinanggigigilan.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon