Chapter 4: Secret's Out

1.8K 56 10
                                    

"One week na tayong delayed sa shoot na 'to. Nagsasayang tayo ng oras." Kung di nyo kaya, tell me para mapalitan ko kayo." Nakasalubong ang kilay ni Daniel habang kausap ang lead stars, Si Alaina at Drix.

"Be late again tomorrow Drix and better not show up." Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata.

Tapos na dapat ang shoot last week pero dahil laging late ang mga lead stars ay nadedelay ang shoot.

"Kuya, chill lang. Ako na magtutuloy. Break ka muna." JC tried to mediate ng napansin na galit na si Daniel.

Binigay naman ni Daniel ang script kay JC bago umalis para magsmoke.

He went at the back of the tent and pull a pack of cigarette from his back-pocket. After lighting a stick, he took a long puff and looked above to clear his head.

"Hey DJ, bakit ang init ng ulo mo?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

"Paano matutuloy ang scene kung wala ka dun? At bakit ka ba nandito?"

"Sorry if I messed up the scene kanina. I had few hours of sleep." Nagpout pa si Alaina na mas lalong ikinainis ni Daniel. He turned his back on her and continued smoking.

"Pakiayos na lang para matapos na at madami pa akong projects na gagawin."

"Are you not going to ask me why I had few hours of sleep?" Nung hindi sumagot si DJ ay nagpatuloy ito. "Because you were ignoring my calls and my messages."

"Am I obliged to respond to you? What was it anyway?"

"Di ka sumama sa mga barkada mo sa Xylo last night. I was worried."

"You don't have to. I'm okay and I don't feel like going."

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Why would I do that?" Ang totoo ay umiiwas siya sa chismis. Masyadong feeling close na 'tong babaeng to. Madami na ding lumalabas na balita na nagdidate sila which is hindi naman totoo. Nagkakataon lang na dun din sa Xylo tumatambay si Alaina at mga kaibigan nya. At dahil kaibigan din ni Marco ang iba sa mga kaibigan ng dalaga ay nagkakasama sila. Ayaw nya namang pansinin at sagutin ang mga chismis kasi wala din namang may pakialam at paniniwalaan pa din ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan.

Mas lalong pinaramdam niya lang sa babae na hindi siya interesado nung nagbitaw ito ng shady answer nung minsang ininterview about sa status ng relationship nila.

"We're very okay. We enjoy each other's company."

Nung tinanong kung nanliligaw ba si DJ o nasa intimate relationship sila ay tumawa lang ito and said "I'd rather not answer that question." Bago umalis.

Uminit naman ang ulo ni Daniel. Ayaw na ayaw niya na pinag uusapan siya sa social media. Nabubwisit siya na tinatanong siya tungkol sa lovelife niya dahil naaalala niya lang ang nakaraan. Naaalala niya ang babaeng sobrang minahal niya at sobra din siyang sinaktan. At ang pinakakinaiinisan niya ay hindi niya kayang turuan ang puso na tumibok para sa iba. Kahit anong gawin niya, kahit gaano na katagal, ilang taon na ang lumipas, siya pa rin. Bumalik naman siya sa kasalukuyan nang nagsalita ang babae.

"I feel lagi kang umiiwas. Are we not okay?"

"To be honest, I don't like your answer on the interview. Let me make it clear Alaina. Nagkakasabay lang tayo sa bar and I don't think we're even friends. I'm a director of this movie and your previous movie but which company are you implying I'm enjoying? So sana klaro yun kasi ayoko ng magulong buhay." Ayaw niyang basagin ito sa ganitong paraan pero mainit ang ulo niya at wrong timing ito.

"I thought we can be more. You seem so warm when we're with friends."

Anong pinagsasabi nito? Alangan namang barahin ko siya o di pansinin.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon