Chapter 20: Decision

1.4K 42 13
                                    

Napasabunot si DJ sa buhok pagkatapos ibaba ang tawag. Hindi niya alam kung paano hahatiin ang sarili. Parang mababaliw siya at hindi makapagdesisyon kung iiwan muna ang asawa na hindi niya pa alam ang kondisyon o hintayin muna ang tawag ng tita Ana niya pagkatapos ireview ang CCTV. Pinahid niya ang mga luha bago sinilip ulit ang asawa sa loob ng ICU na pinapalibutan pa rin ng mga doctor.

Kakatawag niya lang sa mga pulis na wala namang balak gumalaw dahil wala pa daw 24 hours.

"Bata ang pinag uusapan natin dito. Pitong taong bata! Naiintindihan niyo ba?"

"Sorry po talaga sir but that's the protocol. Natingnan niyo na po ba ang lahat ng sulok ng bahay. Baka naman po nagtago lang. Ilang oras pa lang po ang nakaraan."

"A lot of things could happen in those few hours. Nasa ospital ang asawa ko chief at nawawala ang anak ko. Kailangan ko ng tulong niyo."

"Gagawin po namin ang makakaya namin Mr. Ford. Kapag may balita po kami, tatawagan po namin agad kayo."

He did not bother to respond. Binaba niya ang tawag at napahilamos ng mukha.

Nilapitan ni Carla ang anak.

"Gusto mo ba munang umuwi sa bahay nak? Pagkalabas ng doctor, tatawagan agad kita."

"Paano ko iiwan si Kathryn ma? Hindi ko nga alam kung ano na ang kalagayan niya. Wala pang lumalabas na doctor." Napamasahe ito sa batok. Nanlalabo na ang paningin ni DJ sa sobrang pagaalala.

"Eh si Sabsab 'nak? Kailangan ka din ng anak mo."

"Ma, hindi ko po alam ang gagawin ko. Gulong gulo ako ngayon ma."

"Nandito kami. Papunta na din si Ate Min at magbabantay din si Sofie at ang boyfriend niya mamaya."

"Paano kung -" hindi niya masabi ang nasa isip. Hindi pwede dahil hindi niya kaya.

"Ang magagawa mo lang Din ay umasa. Pray lang nak. May awa ang Diyos. Malalampasan niyo din ito."

Dumating naman si Min at Teddy. Agad namang humalik si DJ sa mga biyenan.

"Kumusta na si Kath anak? Nakita na ba kung sino ang gumawa noon sa anak ko?" Kanina ay hysterical ito habang kausap ni Carla sa telepono pero ngayon ay medyo nahimasmasan na.

"The doctors are still inside ma. Inaantay ko pa silang lumabas."

Hindi niya alam kung paano sasabihin ang tungkol kay Sab ng biglang nagring ang telepono niya. Si tita Ana niya ang tumatawag.

"Saglit po, si Tita Ana. Sagutin ko po muna." Lumayo siya ng kaunti bago sinagot ang tawag.

"Din, nandito na si Sab. Hinatid ng guard dun sa entrance ng subdivision."

"Ano!? Paanong nangyari na nakalabas siya?"

"Sumunod yata sa'yo paglabas mo. Pagcheck ko kasi sa CCTV hawak niya yung stuffed toy nya na palabas ng bahay habang palabas ng gate ang sasakyan mo. Hindi nakalock ang maliit na gate. Doon si Sabsab dumaan. Hindi napansin ni Ate Letty kasi nakatingin sa sasakyan mo habang palabas ka."

"Pwedeng pakausap Tita?"

"Ayun nakatulog na. Iyak kasi ng iyak hinahanap kayo ni Kath. Gusto daw niyang pumunta sa nanay niya."

"Salamat po tita. Pag gumising po tawagan niyo po ako. Hintayin ko lang lumabas ang doctor sa ICU at baka sumaglit din po ako dyan kapag okay na si Kathryn."

"Kaya mo yan Din. Pagsubok lang tong lahat. Nandito lang kami."

"Thank you po tita." Binaba niya ang tawag at binalik sa bulsa ang telepono.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon