Chapter 29: Waiting

1.1K 43 13
                                    

They left for Japan and stayed there for two weeks for their honeymoon. Naiwan naman sina Sabsab at Jaja sa mga magulang. Sinulit nila ang mga oras na iyon para mag-enjoy at bumawi sa mga buwan na hindi sila nakapagbakasyon dahil sa maraming nangyari.

Binuksan din ang kaso laban kay Alaina ng lumabas ang result ng medical check nito na bumubuti na ang mental state. Nadawit ang tito niya na isang big boss sa station pero napawalang sala din ng mapatunayan na hindi ito involved sa masasamang ginawa ng pamangkin maliban na lang sa paggamit ng impluwensya nito para mapasok si Alaina sa mga endorsements at makasama si Daniel. Naungkat din na dati nang napasok sa mental institution si Alaina nung early teens nito at bago namatay ang mommy niya.

Nagpasya naman ang mag-asawa, dahil na din sa request ni Kathryn, na hayaan na ang husgado ang magdesisyon. Ayaw na nilang mainvolve sa kaso. Tama na na maayos ang kalagayan ng pamilya nila at nahuli ito. Pagkatapos ng ilang hearings and pleas ay napatunayan na guilty beyond reasonable doubt si Alaina sa attempted murder dahil sa sadyang pagsagasa nito kay Kathryn. Na match ang sasakyan na kuha sa CCTV ng parking lot sa sasakyan na nakita sa bahay nito. Guilty din ang babae sa homicide dahil sa pagpatay nito kay Drix. Nahatulan siya ng reclusion perpetua at makukulong ng 20 years to 30 years.

"Nanay, what's the occasion?" tinutulungan ni Sabsab si Kathryn na gumawa ng cookies. Saturday ngayon at walang pasok ang panganay. Si Jaja naman ay napagod kakalaro at natutulog sa nursery.

"Nothing sweetie. I just want to surprise tatay later because I know he's tired from work."

Isinalang niya na sa oven ang first batch ng chewy chocolate chip na ginawa nila si Sabsab.

"How about if we visit him sa work po then we bring the food?"

"We can't love. Nasa Antipolo si tatay and medyo malayo. Yaya is not here to look after Jaja."

"Okay nanay. Let's surprise tatay instead. Can I help you with that?" tinuro ni Sab ang hinahalo niya sa pan na sauce para sa pasta.

"Of course honey. Get the parmesan cheese for nanay please."

Gumawa siya ng pasta in white sauce, baked chicken breast in rosemary and vegetable medley side dish. She just prepared the veggies at balak na mamaya na paghaluin para fresh pa pagdating ng asawa.

Pinaligo na din niya si Sabsab habang nagluluto. Tinawagan niya si Daniel to check kung anong oras ito makakauwi.

"Hi baby."

"Hello love, nakadistorbo ba ako?" bungad ni Kathryn ng sumagot ang asawa.

"No love. break din saglit. May kukuhanan pang ilang sequence."

"What time kayo matatapos?"

"Around 7 babe. Nandyan na ako before 8pm."

"Wait kita magdinner love."

"Okay bal. Pakainin mo na lang si Sabsab. Hindi pwedeng matulog yan ng kakakain lang."

"Yes mahal. I love you."

"I love you too. At tsaka pala. May pupuntahan tayo bukas ng hapon."

"Where mahal?"

"It's a surprise babe. Trust me."

"Sure? Ayaw mo ng pilitin kita?"

"Kathryn! Alam mo namang di ako makakatago ng surprise for you. Pero this time, I will try. Kaya wag mo kong pilitin please."

"Hahaha! I love you bally. Go home right away. I miss you."

"Hm...gusto ko yang namimiss mo ako mahal kasi alam ko na mangyayari mamaya."

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon