Chapter 16: Obsession

2.1K 41 10
                                    

"Sige pa mahal, kainin mo pa yan?" tuwang tuwa si Kathryn habang pinapanood ang asawa na kinakain ang niluto niyang pancake.

"Mahal, ang sarap naman ng luto mo." pilit na ngumiti ng malaki si Daniel sabay pinanggigilan ang pisngi ng asawa na kumikislap pa ang mata habang nakatingin sa kanya.

"Why sunog nanay?" nakapangalumbaba naman si Sabsab habang pinapanood ang tatay na inuubos ang lutong pancake ng nanay nya.

"Hindi 'to sunog baby. Ang tawag dito golden brown." Pilit na pinipigilan ni DJ ang tawa habang si Sab naman ay napabungisngis.

Naiinis si Kathryn kasi mukhang pinagtatawanan siya ng mag-ama nya.

"Eh di wag mo na kainin!" Tumayo siya para kunin ang plato sa harap ng asawa pero hinila siya nito at pinaupo sa kandungan.

"Masarap nga nanay, promise. Ito na uubusin ko." He exaggeratedly put the remaining pancake in his mouth.

"Sab, ubusin mo na yang cereals mo. Samahan mo si Nanay sa garden at magwawash ng car si tatay."

"Love, di ka pa tapos. Nagpadeliver pa ako ng mga kakanin. Breakfast mo pa yun."

"Mamaya na lang yun mahal. Sobrang busog na ko eh."

"Eh di wag!"

"O sige na. Wait ko na lang yun. Gutom pa pala si tatay. Wag ka na umiyak." Pinahid nya ang luha ng asawa bago hinalikan ang leeg at balikat nito.

"Hahaha! Nanay is tampo na. Goodluck tatay." Tumayo na si Sab at humalik sa pisngi ng nanay at tatay nya. "I'm done! Will go out na with Tala. Let's go Tala." At tumakbo ito palabas ng bahay kasunod ang aso nila.

"Mahal, may pupuntahan tayo later ha. I have a surprise for you and Sab."

"Ano yun love."

"Basta." He looked at her lovingly before he lowered down Kathryn's head para gawaran ng masuyong halik ang mga labi nito.

"Kumusta ang baby namin?" Hinimas nito ang umbok sa tyan ng misis. "Pinapahirapan mo ata si tatay." Natatawa siya habang naiisip ang pangtitrip ng anak sa kanya. Yun pala ang sinasabi ng mama nya na weird na paglilihi. Magpapabili si Kathryn ng isang bucket ng KFC chicken pero aamuyin nya lang. Hindi nya kakainin. Ayaw nya din ipakain yun kahit kanino.

Minsan magpapaluto ito ng sinigang pero pag luto na iiyak kasi ang baho daw. Kakain ng french fries pero instead of ketchup ang dip, gusto nitong ihalo sa ice cream...take note, hindi nya idi-dip sa icecream kundi pinaghahalo nya. Kapag busog na siya ay pinapaubos nya kay Daniel. May mga trip din siyang bunutin ang buhok sa kilikili ng asawa gamit ang tweezer at magagalit kapag umaaray ang asawa. Dapat wala lang reaction.

Minsan bibili siya ng donuts pero walang ibang pwedeng gumalaw nun - si DJ lang dapat ang kakain. Kahit si Sab ay hindi pwedeng kumain. Nagiging iyakin din si Kathryn ng walang dahilan. Pero gusto ni DJ yun kasi mas nagiging clingy at extra lambing ng asawa. Gusto lang nitong yakapin at halikan nya hanggang sa maging okay ito.

Ang sarap sa puso ng ganito. Ito ang namiss nya kay Sab kaya sinusulit nya.

"Lika na love. Wash mo na cars mo. Samahan ko lang si Sab. Mamaya pa ata yung pinadeliver ko. Basta kainin mo agad kapag dumating ha."

"Oo naman love. Mukhang ubos na ang pancake mix natin ah. Makakapagpahinga ka na din sa pagluluto bukas. Hayaan mo na si manang magluto."

"No love! Gusto ko ako magprepare ng breakfast mo. Nasabihan ko na si manang to buy 12 boxes kaya don't worry."

"Shit! 12 boxes??? Goodluck boi!" Pero hindi yun ang sinabi nya.

"Ang sweet naman talaga ng misis ko. Mamaya na kaya tayo lumabas. Paisa muna." binuhat ni DJ si Kath sabay ikot dito.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon