Chapter 3: Sab

1.6K 58 5
                                    

"Oh my God! Kamukhang kamukha po ni kuya!" Manghang mangha si Magui habang tinitingnan ang batang natutulog. She has the perfect eyebrows paired with long lashes just like her father and a cleft chin too. The hole on her chin deepened when she made a sucking motion in her sleep.

Lumipat naman ang tingin ng mag ina kay Kathryn. This is not how she pictured their first meeting would be. Hindi ganito ang pinaplano nyang pagpapakilala sa anak sa pamilya ng asawa niya...ng ex niya...pero ito na eh. She has to face it. She has to be brave para kay Sabsab. Napayuko siya dahil hindi niya kayang sabayan ang mga tingin na pinupukol ng biyenan at sister-in-law niya.

"Ito ba ang dahilan bakit umalis ka?" Napaangat siya ng tingin sa mama Carla niya bago marahan na tumango.

"Bakit anak?" Puno ng pagdaramdam ang boses nito. "May nagawa ba ang anak ko na hindi ko alam? May nagawa ba kami?"

"Wala po mama. Iyon po ang tingin kong makabubuti ng mga oras na iyon." Tumulo na ang mga luha ni Kathryn.

"Hindi ito ang tamang oras para tanungin ka pero mag usap tayo anak." Tila lumambot naman ang mukha ni Carla nang tumingin sa mukha ng natutulog na apo. Hindi na kailangang sabihin ni Kathryn kung sino ang ama ng bata dahil sa hulma pa lang ng mukha ay alam na niya.

"Kailan mo balak sabihin kay DJ ito?"

"Soon po ma. Hahanap lang po ako ng tamang timing. Sana po wag nyo munang sabihin sa kanya." Umaasa na papakinggang siya ng dalawang babae sa harapan niya.

"Nirerespeto ko ang desisyon mo. Pero wag mo nang patagalin Kathryn. Hindi ko na kayang makitang malugmok ulit ang anak ko." Tumagos sa puso ni Kathryn ang binitawang salita ng biyenan.

Matagal na niyang pinagsisihan ang mga desisyon niya. Ang naging epekto nito sa taong pinakamamahal niya.

Kahit malayo, sinusundan niya ang mga pangyayari kay Daniel. Kahit wala siyang komunikasyon sa pamilya ng halos tatlong taon ay lagi siyang nakikibalita sa social media at sa news ng tungkol sa asawa niya.

2 weeks matapos siyang umalis ng bansa ay tinawagan niya ang ina. Gaya ng inaasahan ay galit na galit ito sa kanya. Hindi nito maintindihan ang rason niya. Hindi niya din sinabi ang kinaroroonan niya dahil alam niyang sasabihin nito kay Daniel. Bandang huli ay nirespeto ng mga magulang ang desisyon niya. Madalang siyang tumawag para lang sabihin na ayos siya. Kahit nung nanganak siya ay hindi alam ng pamilya. Itinago niya ang lahat ng iyon. Sinabi niya lang na may anak sila ni DJ dalawang taon na ang nakalipas. Iyon din ang unang beses na binisita siya ng mama niya sa Amsterdam.

Hindi din naman nagsign ng contract si Daniel nung umalis siya. Hindi din nito nagawa ang pangarap na gumawa ng psycho thriller movie abroad. Nabawasan pa din ang mga endorsements dahil hindi siya nagpapakita sa shooting. Sa halip na makatulong ang pag alis ni Kathryn ay mas lalo lang nalugmok ang asawa. Pero umasa siya na magbabago ang isip nito pag narealize na hindi na siya babalik. But days turned into weeks and weeks into months hanggang naipanganak niya si Sab na ang kasama lang ay ang kaibigang si Sofia pero wala pa ring magandang balita tungkol kay Daniel.

Lagi niyang nababalitaan at nababasa ang mga negative publicity sa asawa. Na mula daw ng iniwan niya ay naging unprofessional na. Hindi sinisipot ang mga guestings, laging nali-late sa photoshoot, hindi tumatanggap ng mga movie offers at lagi lang nakakulong sa bahay.

Two years after umalis siya ay medyo umayos na din ang mga balita tungkol sa asawa. Di umano'y sinusubsob nito ang sarili sa mga businesses pero madalang na ang involvement sa showbusiness. Kahit papaano ay natuwa siya na inayos na nito ang sarili.

Not until recently, nung bumalik na naman ang mga bad publicity tungkol kay Daniel. Di umano'y laman ito ng halos lahat na sikat na bars. Umaga na lagi umuuwi at iba ibang babae ang kasama. Meron pang isang babae na nalilink sa kanya for almost a year now. Si Alaina, lead star ng dinidirek nitong movie under Johnny Moonlight Production.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon