Chapter 13: Shooting

1.8K 52 22
                                    

Naging smooth naman ang first few takes. Medyo sumama ang pakiramdam ni Kathryn at naduduwal siya pero hindi niya pinahalata. It could be because of too much heat. When the team called for lunch pumasok siya sa tent kung saan nilagay ni kuya Robert ang bag niya at agad tinawagan si Sofia para makausap ang anak.

Idadaan ng magnobyo bandang 5PM si Sab sa kanya bago ang date nila. Nag extend pa ang dalawa ng isang buwan bago bumalik ng Amsterdam. Ngayon pa lang ay nalulungkot na siya sa pag alis nila.

Biglang humilab na naman ang sikmura nya kaya napapikit siya. Tamang tama naman na pumasok si Peewee.

"O Kath, namumutla ka ata. Kumain ka muna ikukuha kita. Nasan na ba kasi yung asawa mo?"

"Okay lang ako. Pwede po ba muna akong makihiga dito sa folding bed kuya?"

"Oo naman. Komportable ka ba dyan?"

"Opo. Ihiga ko lang ng konti. Medyo masakit lang po ang ulo ko."

Naabutan ni DJ na tulog ang asawa sa folding bed. Natagalan siyang matapos kasi may pina-revise siyang scene. Sa susunod kasi na take ay merong scene na pipiliting halikan ni Drix si Kath. Co-worker sila at nanliligaw ito pero binasted nya dahil nga gusto nyang magfocus sa mga anak. To get even with her, he will attempt to rape her.

Maghahalo muna ang balat sa tinalupan bago nya hahayaang may humalik  na ibang lalaki sa asawa nya. His expresssion softened nang makita ang mumunting pawis sa nuo ng asawa. Pinunasan nya iyon bago yumuko para halikan ang nuo nito. Napansin nyang parang namumutla ito.

"Pre, pwedeng paabot ng isa pang fan dyan? Kumain na ba si Kathryn?" Binaling nito ang tingin kay Peewee habang hinila nito ang isang upuan at itinabi sa folding bed.

"Ayaw kumain eh. Masakit daw ang ulo." Sabay abot ng fan na agad namang tinurn on ni DJ at itinutok sa asawa.

Binalik nya ang tingin kay Kathryn. Namiss nya ang maamo nitong mukha na hinahanap hanap nya paggising. Medyo naging malaman ang mukha nito. Gusto nyang pupugin ng halik iyon. Lumapad ang ngiti nya. "Buti pa kung tulog matititigan ko ng mabuti. Sigurado na kung gising to ay papatayin na naman ako nito sa talim ng tingin nya." Hinaplos nya ang buhok ni Kathryn at hinalikan muli ito sa tuktok ng ulo.

"Deej, may tinabi akong pagkain dun kumain ka muna. Di ka din nagbreakfast kanina."

"Hindi. Okay lang ako pre. Mamaya na lang."

"Ayaw mo lang mabawasan ang oras na titigan si Kuting eh." Mahina siyang napatawa sa sinabi ni Peewee.

Skinip nila ang isang scene na kasama si Kathryn dahil hindi pa din ito gising. Kailangan niyang iwanan ang asawa kahit sa totoo ay gusto nya na lang manatili sa tabi nito o kaya ay iuwi at alagaan ito dahil naghihintay na ang ibang casts sa next scenes nila.

Napangiti siya nang makita ang asawa na palabas at nakasimangot na naman sa kanya.

Dere-derecho ito na tinungo ang kinaroroonan niya. Pinasa nya sa isang assistant director ang cut board dahil alam nya sa mukha ni Kathryn na galit ito. Pero bakit nga ba siya kinikilig habang hinihintay nyang bulyawan siya ng asawa?

"Bakit sinabi mo kay Peewee na wag akong gisingin ha?" Dinuro pa nito ang dibdib nya na nagpatawa kay Daniel.

"Bakit sinabi mo kay Peewee na wag akong gisingin ha?" Dinuro pa nito ang dibdib nya na nagpatawa kay Daniel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon