Chapter 1: Home Away From Home

2.2K 56 9
                                    

Abala siya sa kitchen. Maraming turista ngayon dahil peak season at maraming gustong makita ang blooming tulips and other flowers. Tagaktak ang pawis kahit fully airconditioned ang kitchen. First time niyang sumalang as head chef sa kitchen. Nagkasakit kasi ang head chef nila and they had no time to look for a replacement. Siguro tama rin lang na gamitin na niya ang pinag aralan nung nakaraang taon.

Tuloy tuloy lang ang orders ng food. Nakakataba ng puso na ang daming gustong itry ang all day breakfast nila. Naputol naman ang pagiisip niya nang pumasok ang kaibigang si Sofia.

"Chandy, the customer on table 14 wanted to see you. Mukhang nagustuhan ang niluto mo." Bakas sa mukha ng kaibigan ang excitement. Isa si Sofia sa mga naging close friends niya mula nang tumira siya dito sa Amsterdam. Nakakatuwa ang pagkikita nila.

Wala siyang kaalam-alam tungkol sa lugar na pinuntahan niya pagkatapos magdesisyon na hindi tumuloy sa kasal nila ng asawa. Ito ang unang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Isang beses pa lang sya nakapunta dito nung nag shooting sila ng kanilang movie but it left a mark in her heart.

Si Sofia ang naging tour guide niya at naging kaibigan sa mga araw na nangulila siya. Isang OFW ito na pinalayas ng amo at hindi alam kung paano babalik ng Pilipinas  at sabihin sa pamilya nito na nagfail siya ulet. Umiiyak ito sa train ng mapansin ni Kathryn at tila naramdaman niya ang lungkot nito sa mga oras na iyon. Nilapitan siya ni Kathryn and the rest is history. It was a 5-year friendship that they both treasure.

"Ikaw muna dito. Pwede mo na tong tanggalin sa oven in 2 minutes."

"Okay sige. Bilisan mo at medyo masungit si kuya."

"Hahahah! Ito na po."

Nakangiti si Kath na tinungo ang table 14

"Goedemorgen. How may I help you sir?"

"Are you the chef? You look so young to be one." Nakangiting sabi ng customer. "Anyway, I want to give you my compliment. This is delicious. Even in my dreams, I never knew corned beef rice existed and it could be this good!"

"Thank you sir! I'm glad you liked it. It's one of our best sellers"

"Heerlijk!" Ngumiti pa ito. "My name is Viktor. Can I ask for your name, beautiful miss?"

"Chandria, sir." Tinanggap naman ni Kathryn ang nakalahad na kamay ng customer.

"Viktor. Call me Viktor. We will see each other again. I will have corned beef rice everyday."

"Sure Viktor. Thank you! If you don't mind, I will leave you now. The resto is full at this hour."

"Go ahead. I will see you tomorrow." Bumalik ito sa pagkakaupo at malapad na ngumiti sa dalaga na ginantihan naman nito bago bumalik sa kitchen.

"Teh!!!!! Nakakakilig naman yun. Grabe kung makatitig sa'yo si Ser! Samantalang kanina sobrang sungit sa akin." Naabutan niyang nakasilip si Sofia sa maliit na window sa kitchen.

"Ang chismosa mo. Baka nasunog na ang cookies na pinapabantayan ko ha!"

"Hindi no! Ako pa!"

"Nagustuhan niya lang ang corned beef rice. Yun lang yun. Sige balik na sa trabaho at marami pang orders."

Habang nagpeprepare ng orders ay hindi naman maiwasan ni Kathryn na maisip ang nag-iisang lalaki na parte ng kanyang nakaraan. He loves corned beef rice. Kahit umaga, tanghali, gabi mong i-serve sa kanya yun ay okay lang. Kaya na perfect din niya ang luto na yun para mapasaya si Daniel.  May kirot sa puso ang ala-alang iyon. Ala-alang puno ng saya pero sa bandang huli ay puno ng sakit na siya rin ang nagdala. Pilit nyang isinantabi ang isipin na yun nang nagsimula na namang mag pile up ang orders.

It's Always You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon