44 Days Of Hell
Chapter: 7
Binuksan ni Ester ang kwarto ni Quinzel, halos pinipigil niya ang mga luha na malaglag dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Pumasok siya at naupo sa kama, kinuha niya ang unan at niyakap ito. Parang yakap-yakap na din niya ang kanyang nag iisang anak.
"Ester." Nakita ito ni Oscar sa kwarto ni Quinzel pumasok siya at tumabi sa asawa.
"Hirap na hirap ako magbuntis, halos hindi ko nga alam kung bibigyan tayo nang anak."
Niyakap siya ni Oscar at pinabayaan niya umiyak ang asawa.
"Isang araw, nalaman ko na buntis na ako. Tuwang-tuwa ako nang ibalita sayo yun. Halos walang kasidlan ang kasiyahan na nadarama natin, sobrang pag iingat para hindi siya mawala, hanggang sa- sa lumaki siyang maganda at matalinong bata." Napahagulgol na si Ester
"Hindi ko alam kung panu natin makakamit ang hustisya, pero naniniwala ako, naniniwala ako na lahat nang nasa likod nito ay magbabayad." Sagot ni Oscar.
Napalingon si Ester at nakita niya ang notebook ni Quinzel, kinuha niya yun at binuklat.
May pera doon n nakaipit at may nakasulat.
"Nag iipon ako para sa itatayo konh negosyo kay Mama at Papa, gusto ko kasi na huminto na sila magtrabaho at ako na ang tutulong sa kanila." Lalu lamang naiyak si Ester sa sulat na nakita. At parang sasabog ang dibdib sa nararamdaman.
"Ester, makinig ka. Kung magpapadaig ka sa nararamdman mo ngayon mas lalu natin hindi mabibigyan ng katarungan ang anak natin. Kailangan pa din tayon ni Quinzel, kailangan niya tayo kahit nasa kabilang buhay na siya." Sabay muling yakap sa asawa.
~
"Saglit!" Sigaw ni Sonny at binuksan ang pintuan.
Nakita niya ang isang binatilyo na nakatayo at tila halos malamlam ang mga mata.
"Kilala kita ah?"
"Pwede ko ba kayo makausap?" Wika ni Brent.
Tumango si Sonny at pinapasok ito sa kanyang tahanan.
"Maupo ka!"
Tahimik na naupo si Brent.
"Di ba, isa ka sa mga barkada ni Cedrick?" Tanong niya
Tumango lamang ito at tumingin sa kanya.
"Magsasalita ako, pero maasahan ba kita na tutulungan mo ako para hindi nila ako gantihan?"
Huminga nang malalim si Sonny at naupo sa tabi ni Brent.
"Hindi totoong sumama si Quinzel kay Cedrick."umpisa niya sabay tingin dito.
"Sige makikinig ako."
~
"Ayun ang traget natin!" Wika ni Cedrick, siya ang nagmamaneho nang Van nang gabing kidnapin nila si Quinzel.
Hinarang ito nang iba niyang mga kasamahan at mabilis na isinakay sa van.
Dinala nila ito sa isang lumang bahay nila Cedrick, doon nila ito itinago sa isang kwarto at tila pinagpyestahan nang mga kasamahan.
Mahirap sa kanyang kalooban ngunit wala siyang magawa, hawak silang lahat sa leeg sa Gang na kanilang pinasok, at kapag isa sa kanila nagkamali o tumiwalag ay siguradong mapaparusahan ng mabigat.
"Ni rape mo din ba siya?" Tanong ni Sonny.
Umiling si Brent.
"Hindi ko masisikmura, wala siyang laban. Nadidinig lo ang sigaw at hingi niya nang tulong." Tumulo ang kanyang luha.
~
"Tu-tulong..." Halos pabulong ko dahil nahihirapan ako, nadidinig ko ang tawanan nila habang ginagawa akong punching bag.
Ibinitin nila ako, at pinagsusuntok. May mga tadyak pa akong natamo. Kapag hindi pa sila nakukuntento ay duduraan ako.
Halos sumuka na ako nang dugo, marahil sa dami nang natatamo nang aking katawan. Manhid na pero ramdam ko pa din ang sakit.
Tumingin ako kay Brent, nakikta kong naaawa siya sa akin, pero wala din siya magawa.
"Anu kaya mo pa?" Tanong ni Cedrick na natatawa at hinawakan ang kanyang mukha.
"Nasaan na ang tapang mo?"
"Demonyo." Sabi ko,
Ngumisi si Cedrick at pinisil ang kanyang bibig, may inabot na plies si Fred at pinilit na ipasok yun sa bibig niya.
Halos umiiling ako at naramdaman ko na tinanggal niya ngipin ko.
Nakita ko na nilabas niya yun, at pinalagay sa isang baso. Ang may hawak naman ay si Luigi.
"Isa!" Sigaw ni Cedrick.
"Aagghhhh!!!" Sigaw ko dahil muli niyang pinasok at binunot pa ang isa kong ngipin.
Umiiyak ako lalu at puno nang dugo ang labi ko, binitawan ako ni Cedrick.
"Hindi lang yan matitikman mo" bulong nito sabay dura sa kanyang mukha.
Pinilit ko pa din dumilat at tiningnan ang mga taong nasa likod nito, alam ko na hindi na ako tatagal. Pero gusto ko tandaan ang kanilang mga mukha, gusto ko tandaan ang mga demonyo na nagpahirap sa akin.
~
Pumasok si Brent sa kwarto, tulog ang mga barkada niya.
Agad niya tinanggal ang tali nito at hiniga.
"Quinzel." Gising niya
Dumilat ako at nakita si Brent, mahinang-mahina ang katawan ko.
"A-anung araw na?" Nagawa ko pa din magtanong, parang hindi ko na kasi nasisilayan ang araw, nakakulong na lamang kasi ako sa kwartong ito.
"December, 15 na." Sagot ni Brent
"25 days na. 25 days na akong nasa impyerno." Sagot ko at pinilit lumunok, wala na akong malunok dahil tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
Kumuha si Brent nang kaunting tubig at binasa ang labi nito,
Napangiti ako at pumikit.
"Bakit ka, sumama sa ganito?"
Umiling si Brent.
"Gusto ko kasi na, na magkaroon ng proteksyon. Pero di ko alam na, na mag gaganito sila nang babae."
Dumilat ako at humawak kay Brent,
"Sa-salamat. Kung-kung hindi ko man, makikita na magulang ko." Saglit akonh huminto at tumulo ang luha.
"Pakisabi na, mahal na mahal ko sila."
Muling tumango si Brent at nilagyan siya nang unan.
"Magpahinga ka habang tulog sila, ayoko man nito pero wala ako magawa." Sabay haplos sa buhok ni Quinzel. Tumayo na siya at lumabas nang kwarto.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
44 days Of Hell ( Completed)
HorrorShe was totured, rape by 44 Days. Kahit na sino ay mas pipiliin nang mamatay para lamang matapos ang kanyang paghihirap. Sa kanyang madilim na mundo, tanging masasayang alaala lamang ang nakikita niya para mabuhay, ngunit sa tuwing magigising siya...